DALI | TWENTY - GETTING WORSE

138 12 0
                                    

"THEY WERE TOGETHER when they got into an accident."

Kahit pa nasa likuran lang ako ni Marcia habang papasok sa loob ng classroom, rinig ko na ang usapan ng mga classmates ko. Theron still hasn't arrived in class even when there had only been few minutes left before our first subject starts.

Today's Monday, the start of the week yet things are already really different. Kung paano kami napunta ni Marcia sa sitwasyon na 'to ay dahil sa nangyari kahapon.

Pagkatapos ng mismong libing, she blocked out. Buti na lang at hindi na kinailangang ihatid pa siya sa ospital. After fifteen minutes of constant assessment on her status-which obviously created a scene-pinainom siya ng tubig at pinaypayan nila Gracie at ng iba pang schoolmates namin na nandoon sa libing.

I swear, gusto ko na lang lamunin ng lupa ng mga panahong 'yon. Marcia lost consciousness without us knowing any reason. Basta ang sabi niya sa amin nang nakauwi na, parang nahirapan siyang huminga. Parang may humihila sa kanya habang ibinababa rin ang kabaong. I assumed that was a sign that she could never be inside my body forever. There has to be some things that could be done to reverse what happened to us. I'm holding onto that.

Nabuhayan ako ng loob pagkatapos no'n. When we got home, nanghihina pa rin si Marcia at maya't-mayang napapapikit... of course, sariling mga mata ko ang nakikita ko, sariling mga pisngi, sariling mukha but the emotions conveyed... alam kong hindi ako 'yon.

And as we welcome the sunset, Marcia whispered another plea. Alam kong nagkasundo na kami noong una. Natapos na ang isang araw at napagbigyan ko na siya at she's asking me again for another favor! Hindi ko pa nga siya nakakausap tungkol sa totoong dahilan kung bakit gusto niyang makalapit sa pamilya niya.

"I'm sorry, Dali." Iyon talaga ang natatandaan ko sa usapan namin dahil 'yon na lang ang paulit-ulit niyang sinasabi.

Other than her losing consciousness pagkatapos ng libing-alam kong sa mga mata ng mga taong nandoon ako ang nasa sitwasyon na 'yon, ako ang nawalan ng malay. Yes, nasa akin ang atensyon ng lahat ng mga panahong 'yon-hindi na ako mapalagay at halos dumugo na ang labi ko sa kakakagat dahil sa inis at pagtitimpi, pero biglaang nagpanic ang mga tao nang mawalan din ng malay ang kapatid ni Marcia. She was the one who got rushed to the hospital.

Ngayon, alam ko na kung ano'ng hihingin ni Marcia sa akin.

Napasalampak ako ng upo noon sa kama at napatitig sa dingding. It has only been a day. I'm not sure if I could make it through another. But maybe I did because RIGHT NOW I'm already inside our classroom recalling what happened before we got into this; still in this non-physical state. Si Marcia pa rin ang nasa kawatan ko.

"Just give me a week..."

"What's in it for me this time?"

Her tears were the answers to my questions.

"Saan ko ba mapupuntahan ang Ministress Parisa na sinasabi ninyo ni Yannie?" sabi ko nang hindi pa rin siya makapagsalita. "I shall start finding answers on my own, Marcia. You seem still caught up with things."

"Pasensya na talaga."

Kasabay nang paglapat ng palad ko sa noo ay ang pagpikit ko. Ayokong pumayag sa gusto niyang mangyari. Nagkasundo na kami kahapon. And I allowed her to approach her family... at ngayon-

Nag-init ang gilid ng mga mata ko nang maalala ang sitwasyon sa sementeryo kahapon kung kailan nawalan din ng malay ang kapatid ni Marcia at kasabay no'n ay ang pagbalik sa alaala ko nang pagkawala ni Kaden.

He was looking at me very intently... a sad smile stretched on his pale and cracked lips. "Things became too complicated to fix now, Ate. I'm so sorry for giving you a hard time."

Vengeance and Regrets (Death, Youth, and Love Trilogy #1)Where stories live. Discover now