"LQ." Napalingon ako kay Jackson na tila nagtatanong. "Hindi sila pero ship ko sila, babe. Grabe ka naman makatingin."
"Uhm, p-pwede bang huwag mo akong tawaging babe. Ano kasi... naiilang ako, Jack."
"Masanay ka na. Sinasanay lang kita," sabi niya bago ako hinila para makapasok na sa cafeteria.
Diyan kasi sila magaling. Ang sanayin ka tapos kapag ikaw nawala na ang hirap-hirap kalimutan ng lahat kasi sinanay mo na yung tap. Ano pa bang ineexpect mo? Nakakainis talaga!
Kanina pang umaga ramdam ko na na parang may iba. Nahihilo na kasi talaga ako kanina tapos masakit talaga ang ulo ko.
"So class magkakaroon po tayo ng earthquake drill. Siguro naman alam niyo naman na ang gagawin niyo kasi 4th year na kayo. Ayusin niyo ah. May mag-oobserve sa inyo."
Pagkalabas ni ma'am dahil sa pagkuha niya ng attendance ay kaagad na nagmukhang bagyo ang room. May mga nagsusuklay na ng buhok nila. Si Kim naman naglalagay na ng liptint. May mga nagbigayan na ng pulbos at kung anu-ano pa. Nang magring na ang bell at may nakita na kami na observer ay ginagawa na namin ang dapat naming gawin.
Nang lumabas kami ay nakaline up. Kung sa totoong lindol ito natabunan na ata kami ng building na ito ng hindi pa nakakalabas.
"Kapag may totoong lindol dapat sabihin natin, oy pila na kayo. Lalabas na tayo, arat na!" sigaw ng nasa kabilang section sapat lang na kami ang makarinig dito sa taas.
Nang makarating kami sa ground ay sobrang init naman. Pinaupo pa kami para tingnan kung may nawawala ba raw. Nakapila pa rin kami at sobrang init. Siksikan na rin dahil sa buong grades ang nasa labas kaya feeling ko hindi ko na ata matatapos ang drill na ito na hindi ako tuluyang nahihimatay.
Sobra na akong naiinitan. Pawis na pawis na rin ako at ramdam ko na ang pagkahilo kaya bigla ako napakapit sa nasa unahan ko.
"Hala, okay ka lang? Scarlet?" tanong niya ng lumingon sa akin. Kahit papano ay kilala ko naman na ang mga classmate ko maging ang pangalan nila. "Hala! Namumutla ka na," dagdag pa ni Gennina.
Ramdam ko ang titig sa akin ng mga nasa katabi ko. May mga nagbulong-bulungan na rin na lalo atang nagpapaikot ng mundo ko.
"Excuse po!" Nagtaas ng kamay si Gennina habang hawak niya ang kamay ko kaya nakuha niya ang atensyon ng nakakarami. "Ay sorry po! Need po kasi ng kaklase ko na dalhin sa clinic! Namumutla na po-ay!" Hindi ko na kinaya pa kaya tuluyan ng nagdilim ang paningin ko.
Unti-unti kong minulat ang mata ko at natagpuan ko ang sarili ko na nasa clinic. Mag-isa lang ako kasama ang school nurse.
"Okay na ba ang pakiramdam mo?" Umiling ako dahil hindi talaga maganda ang pakiramdam ko. "Pinapapunta na rito ang mga magulang mo pero kuya mo ata ang pupunta kasi sila ang nakausap namin. May lagnat ka at mukha hindi lang dahil doon kaya ka nahimatay. Hindi ka ba sanay sa sobrang siksikan?" Tumango ako.
Hindi talaga ako sanay sa sobrang matao. Yung tipong parang wala na akong malalabasan sa kumpol-kumpol na tao. Nagkakapanic attack ako at ngayon sumakto pa na may lagnat ako. Dati kaya ko pa pero ngayon hindi na.
"Pinaalis ko nga pala yung SSG president at yung isang lalaking 3rd year student. Kailangan kasi niya talagang umaattend ng klase. Hindi siya pwede magstay dito dahil nandito naman ako. Mag-uuwian na rin kaya baka nasa labas na rin ang kuya mo."
Ilang minuto nga lang ang nakalipas ay dumating na sina Sean, Sic, at Scion. Hindi ko alam kung bakit kailangan na silang tatlo pa ang sumundo sa akin kung pwede naman kahit isa lang.
Kinausap si Sean ng nurse kaya sina Sic ang lumapit sa akin. Hinawakan pa ni Sic ang noo ko at hinawakan naman ni Scion ang kamay ko. Parang napakamabubuting kapatid. Ang paplastik naman nila.
"Sic, sunduin mo si Rocky sa room niya. Pupunta ako sa room nila para kunin ang gamit ni Aleah. Scion, ilabas mo na si Aleah. Hintayin niyo na lang kami sa sasakyan." Ibinato ni Sean kay Scion ang remote ng sasakyan.
Tinulungan ako makatayo ni Scion at nagpasalamat kami sa school nurse bago lumabas. Nakahawak ako sa braso ni Scion. Saktong uwian na talaga kami marami ng nasa labas at nakatingin sa amin.
"Bakit ba sila nakatingin sa atin? Ngayon lang ba sila nakakita ng g'wapo?" tanong sa akin ni Scion na lalo atang nagpasakit sa ulo ko. "Nahihilo ka?" Tumango ako.
Ayoko man sumampa sa likuran niya pero nahihilo pa rin talaga ako ng sobra. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko habang nakasandal ang mukha ko sa balikat niya.
"Ang g'wapo naman niyan. Sino kaya 'yan?"
"Nakita ko na yan noong may program sa school."
"Ano kayang mayroon sa kanila?"
"Baka boyfriend niya."
"Akala ko boyfriend niya si Pres."
Iilan lang iyan sa mga naririnig ko. Dahil sa sakit ng ulo ko wala na akong pakialam sa kanila. Kanina pa ako nahihilo para intindihin ko pa ang mga sinasabi nila.
Nang makarating kami sa sasakyan ay pinilit ko na lang talagang makatulog. Buti na lang at hindi na talaga kinakaya ng mata ko. Bago pa man ako tuluyang makatulog ay narinig ko ang boses ni Jack na nagtatanong kung okay lang ba ako.
I'm not okay. I'm not used to it. I'm not used to all of this.
ESTÁS LEYENDO
DEALING IN A CROWD (Introvert Series #1)
Novela Juvenil[COMPLETED] "I'd rather be alone than being in a crowd of people who didn't even know me." Scarlet Aleah Rodriguez is the youngest and the only girl in their family. Nag-iisang babae sa side ng father side niya kaya halos lahat ng pinsan niya ay lal...
XI Sick
Comenzar desde el principio
