Ngumiti ulit ako sa kanya at tumango. "Oo saka hindi mahirap mahalin iyong bata." Napangiti ako nang pumasok sa isip ko si Daniel.

"Hmm, yeah, but what if you'll leave here, Clayton? Daniel hates it when people he loves or special to him left him."

Hindi ako makasagot kay Desmond. Tinanong nga ni Daniel sa akin 'yan at napa-oo naman ako. Ang totoo ay hindi ko nga alam kung ano ang gagawin ko pagdating ng panahon na iyan.

"Don't get me wrong Clayton but maybe it's better if you distance yourself from them, from Daniel and Lorcan. I know your agreement to Lorcan, but you can keep that agreement while putting line between the two of you." seryosong wika ni Desmond. Napatitig ako sa kanya.

"Bakit mo 'to sinasabi Desmond?"

"I'm just making it easy for you," anito at napapikit siya.

"Huh?" gulong tanong ko.

"I mean you're f*cking so kind Clayton, you’re innocent. I can see it and feel it that’s . . . ." umiling si Desmond saka napayuko na para bang may malaki siyang problema. "You shouldn't love him, Clayton. You shouldn't love Lorcan. You don't know him; you don't know how dangerous man he is."

"Desmond." Tawag ko sa kanya. Ba't alam niya na mahal ko si Lorcan? "Mas ginugulo mo ako Desmond sabihin mo kasi ng maayos. Ano naman ngayon kung mabait ako? May masama ba roon? Saka bakit alam mo na mahal ko si Lorcan?"

"It's obvious as f*ck. You know what let's not talk about it, Clayton. But I am sorry in advance. Sorry." aniya at iniwan akong naguguluhan dito sa kusina. Natampal ko ang palad sa aking noo. Tapos naalala ko pa na noong pumunta si Colt sa bahay ay humingi rin ng sorry si Colt. Ano bang problema nila?

Sina Colt, Desmond, Laszlo, at Raphael ay kanya-kanyang dala na kanilang mga sasakyan. Samantalang ako ay nakisakay sa kotse ni Lorcan at nasa likod si Daniel. Ar ako ay nasa shotgun seat. Si Daniel ay naaaliw sa cellphone at ako naman ay panay ang buntonghininga habang nakatingin lang sa labas ng bintana.

Mahaba ang byahe at nagutom sina Laszlo kaya tumigil kami sa isang mamahaling restaurant pero nagpaiwan lang ako sa sasakyan. Ayaw rin sanang sumama ni Daniel dahil hindi ako sumama buti na lang at napasama ito ni Colt. Hindi rin naman nila ako pinilit na isama sa loob. Pakiramdam ko kasi kung kasama ko sila ay parang hindi ako makahinga. Oo nga't kaibigan ko na si Colt pero may kung ano kasi na parang harang sa pagitan namin. Siguro dahil mayaman sila, siguro dahil naninibago rin ako.

Kinuha ko sa lunch box ang dala kung finger foods saka iyon ang kinain ko. May dala naman akong tubig kaya walang kaso na iyon. Pagbalik ni Lorcan ay nagtaka ako kung bakit hindi niya kasama si Daniel akala ko ay susunod lang si Daniel kaya tahimik lang ako.

"Here," ani Lorcan at binigay sa akin ang isang bote ng maiinom na hindi ko naman alam kung ano ang pangalan basta parang coke lang naman pero pinasosyal lang ang lalagyan.

Tumingin ako kay Lorcan na parang nagtatanong.

"D*mn it! It's yours."

Tahimik ko iyong kinuha sa kamay niya at ininuman. Pinaandar na niya ang sasakyan. Hindi na lang ako nagsalita.



Lorcan’s Pov

"D*mn it! It's yours." I shouted.

Owned By A Mafia Boss (PUBLISHED UNDER PSICOM)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora