Chapter 18

276 11 1
                                    

Chapter 18

Kabadong kabado ako habang papasok kami sa loob ng hall, engrandeng mga palamuti at tema ang kaagad na bumungad sa akin. Para akong nasa isang selebrasyon kung saan ang mga nagdidiwang ay mga prinsepe. Just by one look, you can easily say that the celebrants are males and are triplets. May mga sky blue kasing tig tatatlo sa bawat mesa at nakalagay doon ang mga pangalan ng magkakapatid.



Napatingin ako sa entablado. May spotlight na nakatuon sa stage, mas gumrabe ang kaba ko ng makita ko si Abraham na naka-upo sa sofa na parang pang hari, he looks dashing with his white tux. He is not wearing any eyeglasses, he uses blue contact lenses which made him look like a foreigner. He is so handsome, as always. But extra tonight.



Katabi neto si Adonis na naka-upo rin sa kaparehong desenyo na upuan. Nakablue na tux ito, at dahil magkamukha sila ni Abraham ay di rin katanggi-tanggi ang taglay niyang kakisigan. Sa unang tingin, siguro ang iilan got confuse to identity whose who. But in my case, just by one look... I know it's him... my heart says so.





Nakangiti si Adam habang kausap si Eureka samantalang nakatingin lang sa kawalan si Abraham, hindi siya mukhang masaya. He looks grumpy and frigid. Hindi mapirmi ang mga mata niya, his eyebrows are also furrowed. Ano kaya ang problema niya? I don't want to think it's because of me, dahil impossible iyon.




Napalunok ako ng bigla akong lapitan ni Tita Byre, she smiled at me and fixed my hair. I'm not really fond to be touched by a stranger, but with this lady, I feel comfortable around her. I don't mind her touching me. Siguro dahil sa ina siya ni Abraham? Siguro din dahil likas na mabait si Tita Byre.



"Lapitan natin si Second ha?"


I nervously nodded at her, tiningnan ko si Mommy na ngayoy naglalakad na pala papunta sa table kung saan naka-upo at naghihintay si Daddy. Wala na akong ibang nagawa kundi ang hayaan si Tita Byre na hilain ako palapit sa kila Abraham.





It only took a few sconds before his eyes met mine. Kumunot ang noo niya at naningkit din ang mga mata, pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa, nagtagis ang bagang niya pagkatapos at nag-iwas na siya ng tingin. His side view is breathtakingly gorgeous as well! His well-defined jaw and proud nose did all the work.




"Anak, Heart is here. Hindi mo naman pala kasi inimbita." Sabi ni Tita Byre na may halong panunukso.



I just flashed a shy smile and watch Abraham. Nagkatinginan kami pero kaagad din siyang nag-iwas ulit ng tingin. I gulped and fought my urge to walk out. Ayaw kong ipakitang apektado ako, na nasasaktan ako sa cold treatment niya sa akin.




At ngayon na alam ko na kung bakit siya nagka-ganoon at may mali ako, kaya dapat akong magpasensya. Hindi naman kasi niya sinabing kaarawan niya ngayon. Wala pa naman akong regalong pang peace offering sana.

"Eureka, Adam, samahan niyo muna ako, let's entertain the guests." Aya ni Tita Byre sa dalawang nag-uusap.



Napatingin si Eureka sa akin, she sweetly smiled at me and waved. Napatingin din sa akin si Adam, he scanned me and then gave me a small grin. Tumayo si Adam mula sa pagkaka-upo at hinawakan na si Eureka sa kamay para bumaba sa stage. That was sweet.



Sumunod naman sa kanila si Tita Byre kaya kami nalang dalawa ni Abraham ang nandito ngayon sa stage. Masasabi kong sobrang close nila sa isat-isa, siguro sobrang manhid lang ni Eureka para di maramdaman na may gusto sa kaniya ang magkakapatid. For sure, may marami ding mga babaeng gaya ko, may babae ding nahhahangad ng atensyon at pagmamahal kay Adonis gaya ko kay Abraham.




He never Cried (ASHLEY 8) ☑Where stories live. Discover now