Chapter 17

300 8 4
                                    

Chapter 17

Halos mapiga ako ng yakapin ako nila Gail, Resy at Kyla ng sabay-sabay. The three of them giggled and squirmed congratulations to me.





"You're so awesome! Ang ganda ng boses mo! Omy! Para akong nainlab sayo, Heart!" Kinikilig na sabi pa ni Gail.




Napakamot ako sa aking buhok at nahihiyang ngumiti sa kanila. Kyla wrapped her arms on my left arm, pinisil niya pa ako doon, para siyang nanggigil sa akin.





"Natalbugan mo si Ate Kat. Hmm, pero deserve mo naman ang first place! Grabe, I was so shock when you hit those high notes! Akala ko marunong ka lang, iyon pala ay magaling ka!"




"I couldn't agree more. You really are amazing, tama nga sila Kuya Laxus." Sabi naman ni Resy, na may nakakalokong ngisi sa mga labi.




Napasinghap si Gail at nilapitan ako, niyugyog niya ang balikat ko habang tumatalon talon pa. Kung kanina ay mukha siyang kinikilig ngayon naman ay para na siyang baliw.





Pinagtitinginan na kami ng iilan, dahil nakatayo kami kahit pa nasa harapan na namin ang mesa at mga upuan. But these girls didn't care at all! Parang ako lang ata ang nakaramdam ng hiya.





"May nalaman kami! Pero di namin sasabihin."



"Ano iyon?"




"Secret." Halos magkasabay na sabi ng tatlo, nagkatinginan sila at nagbigay ng makahulugang tingin sa isat-isa saka natawa.




I frown, Curiosity spreads on my system but I chose not to ask anything, I didn't dig to it deeper. Wala naman sekretong hindi nabubunyag.



Bumuntong hininga nalang ako at tiningnan ang suot kong bagong relo. It's a gift from Mommy and Daddy, peace offering daw nila sa akin. At kahit naman di sila nakapunta ay napanood nila iyong video ko. And that's all thanks to Abraham. Thinking about him is enough to make me smile like an idiot. Pero syempre dahil may kasama ako ay kinagat ko nalang ang pang-ibabang labi ko para pigilan nalang ang ngiti ko.





We are here at the cafeteria right now, hinihintay namin sila Laxus at Cedric. Well, graduating na si Laxus, at naalala kong may nabanggit siyang ibang university na kung saan siya magco-college, I feel bad about it.




Pero sabi niya ay di pa naman siya sigurado. Di bale, I will convince him to stay here. As much as possible, I want to be with Cedric and Laxus, forever if that will do.





Pakiramdam ko kasi, ay di ko kayang magsurvive kapag wala sila. Nasanay na akong nandyan sila lagi eh. And I want to witness everything with them, I want to witness their success and the story behind it. I want to grow with them.







Si Abraham kaya? Saan kaya siya magco-college. Kailan kaya kami ulit magkakausap? The rumors about him dating me haven't died down totally. Iyon siguro marahil ang rason kung bakit hindi niya muna ako nilalapitan. I miss him... so much.





"Oh! Nandito na sila Kuya loverboy at Cedric." Gail beamed in excitement.



Napatingin naman ako sa entrance ng cafeteria. Di ko napigilang mapasinghap maging ang iilan, nang makitang hindi lang si Laxus ang papasok, kundi pati narin ang mga Ashley. Kung baguhan siguro ako dito, iisipin kong nasa iisang grupo lang sila Laxus, Cedric at ang mga Ashley. My friends are also blessed; good-looking. Not as much as Ashleys, but they sure do outstand as well.



He never Cried (ASHLEY 8) ☑Where stories live. Discover now