Hanggang sa sumapit ang hapon ay tumulong ako. Pabalik-balik si Jackson para tingnan ako. Nahihiya ako sa tuwing lalapit sayo tapos magtatanong kung okay lang ba ako tapos aalis na naman siya kasi busy siya.

Tinukso-tukso tuloy kami ng mga classmates namin pero hindi mawawala yung may masasamang tingin ng iba. Ano magagawa ko? Ayaw naman tumigil ng lalaking iyon.

Kinailangan ko pa dalhin ang bag ni Jackson kasi isinara na ang room. Mag-isa ako na bumaba ng building saka ko siya hinanap. Nauna na raw din kasi bumaba si Raquel kaya nag-isa akong naghahanap kay Jackson. Nang malaman ko na nasa gym sila ay dumiretso ako doon. Buti na lang alam ko na.

Pagpasok ko ay lahat sila nasa stage. Nasa taas ng hagdan si Jackson at nagkakabit ng mga design. Si Kimmy ang nasa baba na panay ang salita kung saan ba dapat ilagay ni Jackson ang bulaklak.

"President, ang baby mo sinusundo ka na!" sigaw ng isang kasama niya. 

Napaiwas ako ng tingin pero hindi nakaligtas sa paningin ko na kamuntikan pa mahulog si Jackson dahil sa paglingon niya. Yakap-yakap ko ang bag niya. Sinalubong niya ako habang tumatakbo siya.

"Thanks, Babe." Napataas ako ng kilay dahil sa sinabi niya. Napalunok ako ng dahil sa ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko. Grabe ata ang kaba ko. "Malapit na kami matapos. Sabay na tayo lumabas. Chat ko na lang si Raquel na hintayin tayo. Tara doon tayo?" Turo niya sa stage pero umiling ako.

"Dito na lang ako. Tatawagan ko pa ang kuya ko," sabi ko. 

"Payakap muna sa bag ko, babe. Balikan kita rito." Ginulo niya pa ang buhok ko bago tuluyang bumalik sa may stage. 

Kumaway pa sa akin si Kim at William. Kumaway ako pabalik bago ko pinagtuonan ng pansin ang phone ko.

"Kuya, malilate ako umuwi."

[Nagtext na si Rocky sa akin. Si Kit na raw ang susundo sainyo total dadaanan naman niya ang place kung saan kayo pupunta.]

"Sige. Bye."

Binabaan ko kaagad si Sean. Naglaro na lang ako ng games sa phone ko para mawala ang kabagutan ko. Nang matapos sina Jackson ay lumapit kaagad siya sa akin. Hinila niya ako kaya tila magkaholding hands kami.

"Wanna eat something? What do you want?" tanong niya ng makalabas kami. Nakita ko sina Rocky na bumibili ng street food kaya tinuro ko ito kay Jack. "Gusto mo?" Napabuntonghininga ako.

"Sina Rocky at Raquel ayon."

Natawa siya kaya ginulo niya ang sarili niyang buhok. Magkasabay kami na naglakad para lumapit sa kanila. Buti binitawan na niya ang kamay ko.

"Aleah, say ah." Inilapit sa akin ni Rocky ang siomai. "Dali na."

Isinubo ko na lang ito kasi makulit siya. Bumili rin si Jack at ibinigay sa akin yung isang baso. Sumakay kami sa jeep. Napapagitnaan ako ni Jackson at Rocky samantalang katabi naman ni Rocky si Raquel. Malapit lang naman daw kaya nagcommute kami.

Nang makarating kami sa studio ay inilapag ni Raquel ang inorder niyang pagkain kanina sa labas. Tinuruan niya ako kung paano maglakad. Kung kung paano ako titingin sa madla.

"You're good ah. May tiwala ako sayo, I know you can do it. Bilis mo makuha eh. Nakakatuwa kang turuan." Napangiti ako ngunit may alinlangan pa rin. "Tiwala lang. Napakasupportive pa naman ng special someone mo." Ngumiti lang ako sa kaniya. 

Nagpractice rin kami na sabay kami naglalakad ni Jack. Hiyang-hiya ako pero sabi nila gawin ko raw. Mas madali ang matang manonood bukas kaya kailangan ko talaga maghanda.

Halos isa't kalahating oras kami nagstay sa dance studio nila Raquel. Kumain kami matapos ng burger na binili niya kanina at drinks bago kami umuwi.

Panay ang pangungulit ni Rocky kay Raquel. Umiiwas si Raquel kapag nakikita niya ako na tumitingin sa kanila kaya natatawa ako sa isip ko.

"Halatang-halata yang pinsan mo na may gusto kay Raquel," sabi ni Jackson kaya natawa ako. "Ang cute mo tumawa." Napalingon ako sa kaniya saka nag-iwas tingin.

He chuckled. 

"Masanay ka na sa akin mga papuri, babe." Tinampal ko ang braso niya kaya lalo siyang natawa. "Oh please, paluin mo pa ako, babe." Sinamaan ko siya ng tingin.

Hinatid niya kami ni Rocky sa labas. Naiwan si Raquel sa loob dahil nagpaiwan ito. Sabi ni Jackson ay babalikan niya si Raquel para samahan pag nagcommute ito. Kinuha niya rin kanina ang number ko kaya magtetext daw siya kapag nakauwi na siya.

Nakita ko na babe ang inilagay niya sa contact niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Ingat, babe. I'll text you." Buti na lang at malayo-layo kami sa sasakyan ni kuya Kit. Baka isumbong niya pa ako kay kuya.

Pagpasok ko sa sasakyan ay tawa ng tawa si kuya Kit. "Sana all may lovelife," sabi niya habang natatawa pa rin.

"Baliw," bulong ni Rocky. "Pag-inggit pikit."

"Akala mo may lovelife," sabi ni kuya kay Rocky kaya sinamaan siya ng tingin nito. Nasa unahan kasi ang dalawa ako ang nandito sa backseat. 

"May pinopormahan ako 'no!" hasik ni Rocky.

"Hindi ka pa nga nakakaamin pinagmamayabang mo na," sabi ko dahilan para samaan niya ako ng tingin kaya tawa ng tawa si kuya. "Kuya, tawa ka ng tawa. Magdrive ka na nga."

"Yes, master."

Walang sinabi si kuya Kit kina kuya na ipinagpasalamat ko. Baka kasi kung anong kabaliwan na naman gawin ng mga kuya ko kapag nalaman nila. Hindi ko na kaya pang ihandle ang mga bagay-bagay baka lumala pa.

DEALING IN A CROWD (Introvert Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon