Muli akong tumingin sa mga kasama ko. Mukha silang excited at tuwang-tuwa animo'y parang nanalo sila sa loto. Humarap ulit ako sa gusali.

So, this is the University of Der Mord? Nasa harap na nga ako.

"Miss," ani ng kung sino.

Lumingon ako sa kaniya, si kuyang nakablack suit lang pala. Kinuha ko ang backpak kong bag sa kaniya. Agad ko naman itong sinuot.

"Hi, dear future students of Der Mord. I am French, your head admin. I am happy to officially meet you all, and I am here to lead and bring you to our dean." nakangiti niyang wika.

Nakangiti siya pero may kakaiba sa kaniya. Ang ngiti niya ay kakaiba, sa unang tingin para siyang friendly smile lang, pero ang ngiti niya. Ngiti ni kamatayan.

Dumako ang tingin niya sa'kin. Nakipag eye to eye ako sa kaniya. Ngumiti rin ako sa kaniya. Hindi nakaligtas sa'kin ang pagbago ng mukha niya. I shrug when she look away and fucos to all of us.

"Shall we?" tanong niya.

Sumagot ang mga kasama ko. Nauna na siyang lumakad, sumunod kami sa kaniya. Humakbang kami sa hagdan na may benteng tapakan o akyatan. Pagkatapos, bumungad na sa'min ang entrance ng paaralan.

Mayroon akong naramdaman sa katawan ko, I feel the exitement when I saw the entrance of it.

"Huwag na huwag niyo siya sa'king ibalik ng buhay."

Ibalik ng buhay? As if, babalik ako sa kaniya. Tsk! I guess, may kabaong na 'yon para sa'kin. Well, hahayaan kong mabulok ang kabaong niya para sa'kin. Ang buhay ko ay hindi nakalaan para sa kaniya.

"Ms. Salvez, are you still with us?" Natauhan ako sa tanong ni Ms. French.

"Y-yes, I'm s-sorry." utal kong saad.

Hindi ko napansin na nakapasok na pala kami sa loob ng university.

"You are really stupid. Tatayo ka na lang ba r'yan?" sambit ni Crelly.

Doon ko nakita na ako na lang ang nakatayo sa harap nila. Nasa loob na sila ng ------ elevator?

Agad akong humakbang papasok ng elevator.

"Pinahihiya mo ang University na pinagmulan natin." mariing bulong ni Crelly sa'kin.

Umandar na pataas ang glass elevator. Yes, glass siya. Hindi ko agad napansin na elevator siya kasi salamin. Hindi lang ang elevator ang salamin, maging ang wall ng paaralan.

Ang buong school ay salamin ang pader nila. Sumisigaw sa karangyaan, kalinisan at kaayusan ang kanilang school. Mukhang ang tahimik nila. Napansin ko ang kilos ng mga studyanteng nakikita ko. Ang desinte nilang kumilos, may mga dala silang books. White and black ang uniform nila. White sa taas, black sa ibaba.

"You are a lucky newbie. Nasa white code sila, kaya ang tahimik." wika ni Ms. French.

White code?

Huminto ang glass elevator, bumukas ang pinto. Pagkalabas ni Ms. French ay sumunod naman sila. Huli akong lumabas pero nahagip ng mata ko ang number ng floor na hinintuan ng elevator.

16th floor

Ang taas pala ng paaralang ito. 16th floor mga ateng. Minutes past, may binuksan ng pinto si Ms. French. Office na yata ito ni Dean.

"Mr. Dean, the newbies are here." rinig kong sabi ni Ms. French.

Pumasok ang mga nasa unahan ko kaya sumunod na rin ako. Tumigil kami sa tapat ng table ni Dean. Lihim akong napasimangot, gurang na si Dean.

"Hello, fellows." ngiti niyang bati sa'min.

"Hi, Mr. Dean. We are glad to be here in your university." sambit nilang lahat na may ngiti sa labi.

Touch and Die Where stories live. Discover now