"Kryz, OA na. Please, mamaya na pag-fangirl." Natatawang sabi ko tapos inakbayan naman siya ni Jungkook. Napasimangot naman siya.

"Eh! Isang picture lang, please?" Nag-puppy eyes siya sakin kaya pumayag na ako.

"Sorry, Yohann. Na-excite lang ako. Ngayon lang kasi ako nakalapit sayo ng ganito." Biglang nahiya na sabi ni Kryz. Hahaha! Fangirl kasi siya ni Yohann. Mas madami pa nga siyang picture at poster ni Yohann kaysa kay Jungkook.

"It's okay." Ngumiti si Yohann sa kanya kaya namula siya! Si Jungkook iba na ang aura! Hahahaha!

Si Taehyung ang kumuha ng picture sa kanila. Iba-ibang pose pa ginawa nila. Si Jungkook nag-walk out nung sa isang picture yumakap si Kryz sa waist ni Yohann. Pero feeling ko pinaglilihian ni Kryz si Yohann. Kasi nung papunta rin kami sa kung nasan ang iba ay nakakapit pa rin siya kay Yohann tapos kanina pa kinukurot kurot sa pisngi at braso. Kawawang Yohann. Lamog na lamog na. Hahaha!

"Sweg!" Sabi ni Suga nang makita si Kryz na nakakapit sa braso ni Yohann at ngiting-ngiti habang si Jungkook ay umiinom ng juice sa couch at di man lang lumingon samin.

"Uh, Kryz magu-usap lang kami ni Yohann. Okay lang ba?" Tanong ko sa kanya at tumungin siya sakin ng malungkot.

"Okay." Sabi niya tapos ngumiti samin at lumapit kay Jungkook at yinakap ito.

"Babe, sorry na. Ikaw naman love ko eh. Na-excite lang kasi ako." Narinig namin na sabi niya.

"Tara na, Yohann. Dun tayo sa duyan." Hinila ko siya lalabas para pumunta sa may duyan pero napatigil kami nang makita namin sila Jin at Carmela.. naghahalikan.

Huminga ako ng malalim at tumingin kay Yohann na nakatingin pala sakin at nakakunot-noo.

"He's your boyfriend, right? So, bakit nakikipag-halikan siya sa ibang babae?" Seryosong tanong niya at hinila ako palayo doon.

"Elle, umamin ka nga. Kayo ba talaga ni Jin?" Seryosong tanong niya habang nakatitig sakin.

Umiwas ako ng tingin at tumango.

"Elle, please. Be honest and stop crying. I'm hurting." Sabi niya tapos niyakap ako ng mahigpit. Di ko napansin na naluha na pala ako.

"Elle, parang kuya mo na ako. If you have a problem, don't hesitate to share it with me. And kung di man kita matulungan solusyunan yon, nandito naman ako para makinig at i-comfort ka." Malambing na sabi niya tapos hinalikan ako sa noo at ngumiti sakin.

"Thank you, Yohann." Sabi ko at yumakap sa kanya.

"Elle! Yohann!" Napatingin kami sa sumigaw at nakita namin si Zarina na tumatakbo palapit samin habang kumakaway.

"Elle, he loves you. Believe me." Sabi niya bago ako akbayan para salubungin si Zarina.

Hay. Ewan ko, Yohann. Ayoko umasa.

----

"Elle! OMG! Nandito si Jeric!" Hinihingal na sabi ni Charlotte pagkapasok ng kwarto ko. Ugh! Di ko pala nai-lock ang pinto!

"So?" Nakakainis kasi. Patulog na sana ako nang bigla siyang pumasok. Napagod kasi ako kanina dahil naglibot kami, nagswimming at nag-motorboat kanina.

"Sungit! Pero kasi ang intense ng titigan nila ni Jin. Isama mo pa si Yohann!" Sabi niya tapos naramdaman ko nalang na may nagbuhat sakin na parang sako ng bigas.

"Tara inuman daw!" Malakas na sabi ni Jimin at lumabas ng kwarto habang buhat ako.

"Jimin! Ano ba! Ibaba mo ako! Kaya ko lumakad!" Sigaw ko pero tumawa lang siya pati sila Charlotte, Zarina at Angelika.

Mr. Right (BTS Jin FanFiction)Where stories live. Discover now