DALI | NINETEEN - KINDNESS

Start from the beginning
                                    

"Kung inakala mo makasarili si Marcia... hindi. Both of us wanted to be back here in this world. But I was the only one who's certain that we have to be back to the realm of souls after we had said our goodbyes to our families. Ayaw ata niya. Pero, inisip niya ako. Alam niyang iyon ang kailangan. We were supposed to meet at a place, but when both of us saw each other at the time when we agreed to meet... hapong-hapo siya at hindi matigil sa pag-iyak. Hindi man lang niya nalapitan ang pamilya niya. Hindi pa siya handa."

Parang may pumiga sa dibdib ko. Images of what Yannie has been telling me flashed in my mind as if I was there and I witnessed it myself. Hindi ko inakala na kaya ko pa lang makaramdman ng awa at sakit para sa taong hindi naman talaga malapit sa akin.

"Kaya sinamahan ko siya... sinubukan niya ulit magpaalam. She was able to do it this time kahit hindi naman siya maririnig ng mga ito. Pero noong nakaraang araw lang, nalaman niyang lumalala ang sakit ng bunso niyang kapatid."

Napaawang ang bibig ko sa narinig.

"Nakapagpaalam na siya? Kung ganoon—"

"Kailangan ng pamilya niya ng pera na pampagamot sa kapatid niya. Marcia has something that she could sell for a good price. Hindi niya sinabi kung ano."

"May hindi ata ako naiintindihan, Yannie."

Napayuko siya. "I'm sorry. Hindi pa ata 'to nasasabi ni Marcia sa 'yo."

Napapikit ako at naikuyom ang mga kamao. "Both of you lied to me?"

"She just delayed this part, Dali. Gusto ko sanang sabihin agad sa 'yo kaso sinabi niyang siya na ang makikipag-usap sa 'yo tungkol dito."

The rush of emotions suddenly overtook the pity and pain I felt earlier. Mabilis ang mga bagay. It's like the rush of anger and disappointment of betrayal overtook my body that I suddenly blurted out. "Sinungaling—" Nagtagis ang mga ngipin ko "—siya. "At nagmadali akong maglakad palapit kay Marcia.

"Dali!"

Mabilis akong napigilan ni Yannie.

"Nakita ka namin noong nagpunta ka sa cielo coastal route. Sinabi ni Marcia sa akin na ikaw daw ang nakakita sa katawan niya at nagreport sa mga pulis. Noong araw na iyon, nakasunod na pala siya sa 'yo para sana magtanong at makahingi ng tulong kung puwede. Noong araw na nakita ka namin sa coastal route, nakita namin kung paano mo natagpuan ang bracelet ni Marcia." Napabuga siya nang hangin dahil sa tuloy-tuloy na sinabi.

"Nakasunod na kayo sa akin simula no'ng araw na 'yon?"

"Siya lang."

"Pero noong naaksidente ka... magkasama kami habang nakasunod sa 'yo."

So, they must have seen me with Theron during these times. Nangunot ang noo ko, may naalala. "That bracelet... I saw a bracelet! Was it hers?"

Dahan-dahan siyang tumango.

"Really? 'Yon lang ang kailangan niya sa 'kin? Hindi ko alam na sa kanya pala 'yon."

"It must be the only possession she has. Baka iyon ang ibebenta niya."

Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin sa puntong ito. The feeling of betrayal still lingers within my system that I wanted to confront Marcia right at this very moment.

Bumuntung hininga ako ng ilang beses bago napapikit. Ramdam ko ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko. I hate being lied to. I hate it. Pero aaminin kong ilang beses na rin akong nagsinungaling. Ang pinakamalaking kasinungalingang nagawa ko ay ang pagsinungaling ko kay Dad. It broke his trust on me. Hindi na maibabalik pa ang pamilya namin kahit ano pa'ng gawin ko.

Vengeance and Regrets (Death, Youth, and Love Trilogy #1)Where stories live. Discover now