"Hindi din ako masyadong marunong magluto, kaya ko lang magprito." paliwanag ko.

Napapalakpak naman si Wynn sa upuan niya.

"Okay na yun, atleast may alam ka." natutuwa niyang sabi. "May stock ako.. I mean 'tayo' sa fridge. Tignan mo na lang kung ano ang pwedi mong lutuin. Hihi." dagdag niya pa.

Napatango na lang ako sa kanya. Ako pa ata ang magiging tagaluto dito.

"You are the cook, I'm the dishwasher. Okay ka doon?" suhestiyon niyang muli nang mahanda ko na ang beef tapa na nakita ko sa fridge.

Napatango ulit ako sa sinabi niya. Mabuti na din iyon para magtutulungan kaming dalawa dito sa dorm.

Matapos naming kumain, sabay na kaming lumabas papasok ng kanya-kanyang room. Kay Wynn ko rin nalaman ang ibig sabihin ng mga card na binigay pagkapasok namin dito sa Academy.

"The yellow card belongs to the scholar student pati na din 'yung mga hindi mataas ang antas ng pamumuhay. The green card naman ay sa mga studyanteng may stable na negosyo ang pamilya. Next was the red card belongs to the elite o yung tinatawag na mayayaman talaga, big family business like that. And the last the black card— -." hinintay ko pa ang paliwanag niya sa panghuling card ngunit hindi na siya ulit nagsalita.

"See you later Xue." paalam niya sa akin ng marating na namin ang room niya.

"B-bye Wynn." sagot ko naman.

Napailing na lang ako dahil kabilang pala siya sa mga studyanteng hawak ang kulay pulang card.

Napaisip tuloy ako kung okay lang ba talagang makipagkaibigan ako sa kanya.

Napabuntong hininga ko pang sinilip ang card na nasa bulsa ko lang. Bakit ito ang kulay na binigay sa akin?

Nagtuloy na akong maglakad at ilang building pa ang nadaanan ko ng marating ko din ang room na kinabibilangan ko. Madami-dami na din ang nasa loob ng classroom kaya naghanap na din ako ng mauupuan ko.

Pinili kong maupo sa may gitna dahil wala namang nakaupo doon. Siguro katulad sa ibang mga paaralan, posibleng uso din ang pambubully sa mga transferee dito. Sana nga lang ay huwag ng maulit pa ang nangyaring pakikipagpatayan ng mga studyante kahapon.

Wala akong balak na makipagkilala sa ibang studyante dahil na din sa natunghayan kong pangyayari kahapon kaya wala akong choice kundi ang magpaka lonely na lang sa gitna.

Dumating ang titser namin sa unang subject at pinakilala ako nito sa mga bago kong kaklase.

"This is Xue Portalejo your new classmates, please be good to her okay?" pakilala ni Miss Pat sa akin sa mga kaklase ko.

Hindi naman pala strikto ang mga titser dito sa Academy tulad ng pagkakaalam ko. Nginingitian din ako ng mga kaklase ko na taliwas sa pinakita nila kahapon. Tsk. Hindi kaya ako pinaplastik ng mga ito? Na kapag nakatalikod na ako ay tsaka nila ako yayariin? 

"Hi Xue, I'm Naver." pakilala ng kaklase kong lalake na tumabi sa akin ng upo.

Kahit nagdadalawang-isip akong tanggapin ang kamay niya ay ginawa ko na din at tsaka nagpakilala.

"I'm Xue." matipid kong sambit.

"What school are you from?" tanong ulit nito.

"Montella." tipid ko na namang sagot.

Napalingon na lang ako sa kanya ng matahimik siya.

"Bakit?" tanong ko pa.

"Ah.. ..n-nothing, may naalala lang akong Montella. Haha." peke niyang tawa.

Napailing na lang ako sa kanya. Sa bagay sino ba naman ang hindi makakakilala sa mga Montella.

Nagbell na, gusto ko na namang kabahan. Na-trauma na ata ako sa tunog ng bell.

Hudyat na pala ng breaktime kaya nagsilabasan na din ang mga kaklase ko at iba pang studyante na nasa building namin.

"Masasanay ka rin." nakatawang aniya Naver ng mapansin niya siguro ang pagkagulat ko sa pagtunog ng bell. "Let's go Xue." yaya pa niya sa akin papunta sa Food Court kaya tinanguan ko na lang. Wala din naman akong kilala dito bukod kay Wynn. Naalala ko din kasi ang sinabi niya, kailangan ko ng kakilala para hindi ako mahirapan. Pero tama din kayang may kakilala ako sa paaralang ito? 

"Saan ang dorm mo dito?" tanong na naman ni Naver habang naglalakad kami.

"Sa West Wing." sagot ko. Nabanggit na din ni Wynn sa akin kanina kung saan-saan matatagpuan ang mga dorm dito sa Academy. Pati na din ang mga pangalan nito. North, South, East at ang sa amin ay West Wing.

"Ah.. ..sa South Wing naman ako." tumango lang ako sa sinabi niya.

Napapatungo pa ako habang pasimpleng ginagala ang paningin ko, baka kasi aksidenteng makita ko ang mga gagong nakita ko kagabi at magkaroon pa ulit ako ng problema.

"Mamaya pala ay may gaganaping party sa South.. pupunta ka ba?" pagkaraan ay sambit niya.

Nangunot ang noo ko nang balingan ko siya ng tingin. Party? Kakaibang welcome party na naman ba? Quota na ata ako sa sa bagay na iyon.

Napansin siguro niya ang pagtataka ko sa sinabi niya kaya mahina siyang napatawa bago ito ipaliwanag.

"Ah.. haha.. I'm sorry.. I almost forgot newbie ka pala dito.." tawa niya. "..every year ay may party na ginaganap sa South wing para magkakakilala ang lahat ng students dito sa Liveid.." paliwanag niya.

Napatango lang ako sa sinabi niya. Naisip ko na din na baka doon ko makita ang kapatid ko kung pupunta ako.

"It's a Masquerade South Party kaya better choose your perfect mask later." ngiti naman niya. Gusto kong magkunot ng noo. Maskara? Paano ko naman makikilala kaagad ang kapatid ko mamaya kung nakamaskara pala?

At maskara? Tsk! Naalala ko pa tuloy ang mga taong may puting maskara na nakita ko kagabi.

Bumalik ang paningin ko kay Naver. Gusto kong itanong sa kanya ang tungkol sa mga taong iyon ngunit pinili ko na lang tumahimik at huwag mangialam.

Nangunot ang noo ko ng makarating na kami sa foodcourt.

"Anong ginagawa nila?" nagtataka kong tanong kay Naver patungkol sa mga studyanteng pinagkakatuwaan ang isang babae. Nakasuot din ito ng uniporme katulad namin ngunit marumi ito at may malalaking punit pa.

"Yellow card." sagot naman niya sa akin kaya kunot-noo akong tumingin sa kanya.

"They are the lowest class kaya pinagtitripan sila ng mga higher class." dagdag niya.

"Bakit?"

"Dahil gusto lang nila, and besides, iyon ang nakagawian sa paaralang ito." muli niyang paliwanag. Lalong nangunot ang noo ko.

"Bakit nakagawian? Hindi ba iyan bawal?"

"Yung ano? Pambubully?" natawa siya ng mahina. "Yellow card are known to be the lowest type of people. Lowest class. Kung sa lipunan pa, sila ang pinakamahirap. Bayad ang pagpasok nila sa paaralang ito kaya pwedeng gawin ng mga higher class ang gusto nilang gawin sa kanila."

"Childish." napapailing kong ani.  "Tao pa rin ang mga iyon. Sana naman binigyan sila ng tamang karapatan sa loob ng paaralang ito." 

Natawa na naman siya sa sinabi ko. Napapailing niya pa akong tinignan bago bumuntong hininga.

"Tsk. Be careful sa mga sinasabi mo, Xue. Mahirap kalabanin ang mga nasa itaas. Ikaw rin, baka ikapahamak mo pa kapag pinakialaman mo sila." banta niya.

Malalim na lang akong napahinga. Huwag mangialam. Tsk. 

***

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Kindly follow this account. Thank you.

Liveid High Academy (the present time)Where stories live. Discover now