Nalaman ko na may bagyo pala. Dapat hindi na ako pumasok. May naglesson pa pero dahil nakakatamad daw talaga ang panahon ay nagpa-assignment na lang siya. Nang may break ay hindi na ako lumabas, binigyan lang ako ni Kim ng chocolate bar na dala niya. Nakakatamad daw kasi pumuntang cafeteria.
"Naks! President, akin ba yan?" tanong ni Kim sa hawak nitong pagkain. "Oh ano ginagawa mo rito hah, William?" Lumapit si William sa kaniya at padabog na inilapag ang pagkain sa desk ni Kim. "Galit ka, Vice?"
"Yan ang sayo. Assuming ka na bibilhan ka ni Jack. Para yan kay Scarlet, I mean para sa kanila ni Scarlet." Hinila ni Jackson ang upuan niya at itinabi sa upuan ko.
"Eat it. Baka mamaya wala na tayong pasok, magutom ka pauwi."
"Parang sure ka naman na."
"Syempre, ako pa ba?" Dahil gutom na ako hindi na ako nag-inarte pa. "SSG President ito, alam ko na ang mangyayari."
Nang mag-10 am na ay lalong lumalakas ang ulan. Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana, nag-eemote kahit wala namang reason. Nagulat ako ng bigla na lang sumandal sa balikat ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko na si Jackson iyon at tulog na.
Halos pagtinginan na kami ng mga kaklase namin at parang kilig na kilig. "William, ano kase." Itinuro ko si Jack. Nandito pa rin kasi si William nakakatamad daw sa kabila at wala naming teacher.
"Magigising yan kapag ginalaw. Hayaan mo na muna, ikaw ata ang pahinga." Bigla siyang pinalo ng notebook ni Kim. "Ano na naman! Lagi ka na lang ganiyan. Nakakasakit ka na rin kung minsan, sana aware ka."
"Boyfriend mo na si Jackson, Scarlet?" tanong ng kaklase namin.
"Manliligaw pa lang ako. Suitor." Pare-pareho kaming nagulat ng magsalita si Jackson kaya umatras ako dahilan para hindi na siya nakasandal sa akin ngayon. Umayos na siya ng upo. "You heard it right," sabi niya sa akin habang nakangisi. "Manliligaw mo ako. Omu-oo ka man o humindi."
"Ang lakas ng hangin. Kumapit ka Kim." Nilingon ni Jack si William. Nakakapit naman si Kim sa kaniya. "Literal, Pres. Malakas na nga ang hangin dinadagdagan mo pa."
Nang sabihin na wala na raw pasok dahil suspended na ay kaagad ko tinext si Sic. Tawagan ko raw si Rocky para sabay na kami dahil si kuya Kit na lang raw ang susundo sa amin kasama si Scion.
"Where are you?" tanong ko kay Rocky ng sagutin niya kaagad ang tawag ko.
[Nasa baba na ako. Nakisungkob lang ako eh. Ikaw nasaan ka na? Hintayin na lang kita rito sa may guard house.]
"Wala akong payong, Rocky."
[Wala rin ako, Aleah.]
Binabaan ko na kaagad dahil wala akong mapapala. Nang makalabas ako ay nakita ko si Raquel. Kumaway ito sa akin saka ako pinalapit sa kaniya. Naglakad naman na ako papalapit sa kaniya.
"May payong ka ba?" tanong niya at kaagad naman ako umiling. "Sabay ka na sa akin. Dylan, bilisan mo na. Nasaan ba yung kakambal mo?" tanong ni Raquel. "Nasa labas na ata ang kakambal mo. Naghihilahan na naman saka ni Sam."
Nang marinig ko ang pangalan ng dalawa ay napangiti ako. Minsan lang ako kiligin sa lovers tapos wala pang label. Ang cute kasi nila, pareho silang hindi nagpapatalo sa isa't-isa.
Pinauna na kami ni Dylan. Pagbukas ni Raquel ng payong ay nagulat kaming dalawa ng biglang umakbay sa akin si Jack. "Wala rin ako payong, Raq. Baka naman isabay niyo rin ako." Para kaming nagsisiksikan na sardinas sa iisang lata.
Nakaakbay sa akin si Jack habang ako na ang may hawak ng payong. Nakapulupot naman ang kamay ni Raquel sa baywang ko kasi mababasa siya.
"Sabi na sainyo boyfriend na niya si Jack."
"Sabi manliligaw pa lang daw si Jack. Tsaka hindi sila bagay noh?"
"Ang arte naman. Tiyak naman na hindi naman talaga siya gusto ni Jack."
Napalunok ako sa mga naririnig ko kaya napahigpit ang pagkakahawak ko sa payong na hawak ko. "Don't mind them. Hindi yun totoo. Seryoso ako ng sabihin ko na liligawan kita at manliligaw mo ako, Scarlet Aleah."
"Grabeng confession naman iyan. Sa gitna talaga ng ulan? May bagyo, guys. Bilisan niyo ang paglalakad," sabi ni Raquel habang natatawa. "May okay si Jack, Scarlet. Mukhang laro-laro pa lang yung Rocky eh."
Nagulat ako ng mapasok si Rocky sa usapan. Oo nga pala, hindi pa nila alam.
"Aleah!" sigaw ni Rocky ng makita ako. Inihatid ako ni Raquel sa may guard house saka siya umalis. "Grabe close kayo noon? Crush ko yun," bulong sa akin ni Rocky. "Baka naman pwede mo ako tulungan, pinsan. Handa akong gawin ang lahat," dagdag niya pa.
Nang kunwaring umubo si Jack ay napalingon kami ni Rocky sa kaniya. "May sundo kayo?" tanong niya at sabay naman kami tumango ni Rocky. "Mauuna na ako. Nasa labas na driver namin. Ingatan mo pinsan mo, Rocky. Sasagutin pa ako niyan." Kumaway itong bago tumakbo papalabas ng gate.
"Hala ka, Aleah! Lagot ka kina kuya," pananakot na sabi ni Rocky. "Nagpaligaw ka?"
"Hindi ako sumagot ah."
"Lagot ka! Maghanap ka na ng mauuwian. Umuwi ka na lang kina Jackson para sure." Binatukan ko si Rocky. Tumahimik lang siya ng dumating na sina kuya.
Hindi ako umu-oo. Hindi rin naman ako humindi. Kasalanan ko? Wala naman kasi ako masabi. Lalapit pa lang si Jack ang bilis na ng tibok ng puso ko at hindi na ako makapag-isip ng tama. Hala lagot talaga ako nito sa mga kuya ko. Sana hindi muna sabihin ni Rocky ang lahat kasi baka magkagulo sina kuya.
This is my first time. Kahit kailan ay hindi ko pa nararanasan ligawan. May nagkakagusto rin naman sa akin noon pero hindi talaga makalapit sa akin dahil sa mga kuya ko at alam nila na hindi ako yung tipo ng tao na nakikisalamuha talaga.
YOU ARE READING
DEALING IN A CROWD (Introvert Series #1)
Teen Fiction[COMPLETED] "I'd rather be alone than being in a crowd of people who didn't even know me." Scarlet Aleah Rodriguez is the youngest and the only girl in their family. Nag-iisang babae sa side ng father side niya kaya halos lahat ng pinsan niya ay lal...
V Suitor
Start from the beginning
