Subalit paglingon ko may nakita akong babae na nakatayo sa likod ng poste, halata itong nagmamatyag sa amin ni Jake. 

Nanlaki talaga ang mga mata ko nun, akala ko kasi isang black lady eh, pero buti nalang at hindi.

Bigla itong nagulat ng mapansin ko siya na pinagmamasdan kami.

Ang lalo ko pang ikinagulat ay ng maaninag ko ito na parang umiiyak dahil sa pagpunas niya aa kanyang mga mata.

Agad din naman itong umalis palayo.

"bakit remy? Okay ka lang ba?! parang nakakita ka ng multo?" pag aalalang tanong ni Jake. 

"ah wala naman, siguro ay namalik mata lang ako dala ng pagod, sige na Jake uwi na ako para makapagpahinga ka na din" tugon ko na lamang dito. 

"sigurado ka ha? Gusto mo ihatid na kita?" tugon ni Jake. 

"naku hindi na, at pagod ka na din, kaya ko naman eh, love you" paalam ko
nalang kay Jake. 

Wala naman din siyang nagawa kundi ihatid na lang ako ng kanyang paningin. 

( 07:45 a.m - abril 09, 2010 ) 

Napakasarap ng gising ko.

Di alintana ang pagod at sakit ng katawan.

Pero hindi pa din nawawala sa aking isipan yung misteryosong babae na nagmamatyag sa amin kagabi ni Jake.

Ewan ko pero parang kinakabahan na ako sa mga susunod na mangyayari. 

Baka mamaya miyembro ng kung anong sindikato yun at bigla nalang akong dukutin.

Tapos gaya sa mga telenobela, ay ililigtas ako ng aking prince charming na si Jake laban sa mga masasamang sindikato na dumukot sakin.

Magkakaroon ng aksyon, ng barilan, ng patayan.

Pero gaya ng sa telenobela, kahit ilan pang tama ng baril ang iputok ng mga kalaban sa bida ay hindi ito tatamaan, samantalang sila, kahit nakapikit o nakatalikod pa ang bida ay tatamaan pa din sila, ng sa isang bala lang.

Ganun naman sa mga action movies diba? Immortal yung bida.

Haaay Ewan! kung anu-anong sinasabi ko eh yung misteryosong babae lang naman yung pinag uusapan.

Naisipan ko nalang na bumaba na ng kwarto para makapagtimpla na ng kape at para magising na din ng tuluyan ang diwa ko.

Syempre nadatnan ko doon ang aking lola na kumakain ng kanyang agahan kaya sinabayan ko na din siya.

Maya-maya ay may nagtext sa akin.

Excited ako kasi baka si Jake iyon pero siyempre hindi pala.

At iyon ay walang iba kundi si Waka. 

" girl, punta ka dito Asap! I need your help... Huhu" 

Nagtaka naman ako kung ano ba ang nangyari dito kay Waka, tapos meron pa siyang 'huhu' sa dulo ng text niya.

Paawa epek eh.

Naisip ko na baka may kalandian nanaman itong gnwa. 

"ano ba iyon? Sige punta ako diyan maya-maya" reply ko sa text ni Waka. 

Agad naman na nag reply si waka.

" sige girl, antayin kita, maya ko nalang sabihin sa iyo kung bakit" 

As usual pagkatapos kong kumain ay pumunta na agad ako kina Waka. 

8:35 a.m (abril 09, 2010) 

Lovely Days (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat