Lovely : 02

31 0 0
                                    


(Abril 05,2010 - 9:00 a.m)

Bwisit naman oh.

Sino ba itong wagas kung makakatok at umistorbo ng aking pagiging sleeping beauty?

Napansin ko na ako na lang pala kasi ang nasa bahay kaya walang sumasagot sa taong kumakatok.

Nang buksan ko ang pinto ay nagulat ako at nasabi ko nalang sa isip isip ko na ‘ bwisit nga talaga ang istorbo na ito’.

Si 'Waka' lang pala, Rigador Tapang sa totoong pangalan, pero kabaligtaran sa kanyang apelyido.

Mas malandi pa ang baklitang ito sa akin, kayumanggi ang kanyang kulay, maliit na may pagka-pango ang ilong, medyo may kakapalan ang labi na may isang bunging ngipin sa harapan, maikli lang ang buhok nito na may kahabaan ang bangs kung kaya’t nilalagyan niya ito ng clip na kulay pink.

Bongga diba?

Payat lang ito at wag ka, kung makapagsuot ng maikling short ito ay daig pa ang malalanding babae sa kanto na para namang may maakit na lalaki sa kanya.

“hay nako waka! ano bang kailangan mo at talagang inistorbo mo pa yung kasarapan ng pagtulog ko?” nasambit ko nalang.

Napangiti ito at ipinangalandakan sakin ang bungi niyang ngipin at tila ba may kundisyon ito sa akin na gusto niyang hilingin.

“Emy, samahan mo naman akong bumili sa palengke, nautusan kasi ako ni inang kalikasan na bumili ng isda eh” nagmamakaawang pakiusap ni Waka na nagawa pang mag beautiful eyes, nakakairita lang tignan eh, parang kinukumbulsyon lang.

“o siya sige, may magagawa pa ba ako eh naistorbo mo na ako, antayin mo ako at magpapalit lang ako” nasabi ko na lamang at nagtungo na sa aking kwarto upang magpalit.

Siguro naman ay okay na ang black na shorts na may mga bulaklak at itim na plain t-shirt.

Baka mamaya kasi may makita nanaman akong pogi.

Nang naka ayos na ako ay sakto naman ang pagdating ng aking lola, tila nagtataka ito kung saan ako pupunta.

“La, sasamahan ko lang ho itong makulit na baklitang to sa kanto at bibili ng isda” paalam ko sa aking lola.

“ay! Isabay mo na nga din ang pagbili ng isda at gulay na pwede nating ulamin“ utos ng aking lola at nag abot ito ng pera.

(Abril 05,2010 - 9:20 a.m)

Tinatahak naming dalawa ni Waka ang daan papuntang palengke, di naman yun kalayuan dahil apat na kanto lang ang pagitan nito mula sa aming bahay.

As usual, busy ang mga tao sa daanan, may mga naglalako, nagpupunta kung saan saan, papasok sa trabaho, mga naglilinis at ang labis na ikinagulat ko at maging nitong si Waka ay ang lalaking naliligo sa poso, si kuya Alex.

Grabe ang lalaking ito, kahit na naka shorts lang ay talagang babakat ang kung anuman ang dapat bumakat doon dahil sa pagkabasa nito, masasabing may ipagmamalaki naman talaga siya.

si kuya Alex ay 24 years old, matangkad, mga 5’11”, Moreno, maganda ang built ng katawan (yun bang may pagkapayat ng kaunti pero defined yung abs), may pagkatangos ang ilong, may pagkabilugan ang mata, wagas kung ngumiti at semi-kalbo ang buhok na siya namang bagay sa kanya na animo’y nakadagdag pa ito ng kanyang sex appeal na akala mo isang pornstar.

Yun nga lang, sad to say, may asawa na ito at di na pwedeng pag pantasyahan pa.

Although di pa sila nagkakaroon ng anak ng asawa niya sa tagal nilang nagsasama.

Parang may problema kasi ata yung sa part nung asawa niya kaya di sila magkaanak, base sa mga chismis na nakalap ko ha?

Patay na patay si Waka sa lalaking ito at wala daw siyang pakialam kahit may asawa na ito.

Lovely Days (Completed)Where stories live. Discover now