"Ay ser pasensya na po at hindi ko nalabhan nang maayos yung t-syert niyo po! Sino ba kasing kahalikan niyo at ang tindi ng kapit ng lepstek sa t-syert niyo?" 

Para akong tanga. Hindi ko na alam, gusto ko na lang umuwi at magtalukbong ng kumot. Bakit ba kasi yaya yung naisipan kong role for today? 

"What are you doing?" bulong ni Dylan.

Umayos ako ng tayo at humarap sa kanyang lola at nag bow. Ginaya ko lang yung nakikita kong ginagawa ng mga maids dito.

"Paumanhin po, ma'am. Nandiyan po pala kayo, ano pong maipaglilingkod ko sa inyo? Kape? Juice? Tubig? Wine?" Nakayuko lang ako haban sinasabi ko lahat 'yan. Naramdaman ko yung siko ni Dylan. Napa angat ako ng tingin at nakita ko yung lola niya na medyo nakataas ang kilay.

Ano nga ulit yung sinabi ko? Ma'am? Puta ka, Callie! Medyo bobo ka ngayon!

"My apologies, what I mean is, Your majesty."

Wala akong natanggap na sagot sa tanong ko kanina kaya inangat ko yung ulo ko pero nakatingin lang siya sa akin. Aalis na lang sana ako kaso bigla niyang itinaas yung kamay niya kaya otomatiko akong napahinto. Ang bilis bigla ng kabog ng dibdib ko. 

"Stop."

Kinakabahan akong napasulyap kay Dylan na mukhang kalmado sa sitwasyon tapos ako ito, parang tae na hindi alam ang gagawin.

"Why are you here, Lala? I thought you are with Stephanie?" Dylan step forward and subtly stop in front of me, away from the scrutinizing gaze of her lola, or should I say, Lala? Sa tingin ko endearment call niya yon sa lola niya.

"Oh, she's tired so I let her rest in my room first. By the way, I want your new maid to assist me later. I have a few errands to attend to and I want another helping hand. That won't be a problem right, dear?"

What the heck? Gusto kong sabihin na hindi pwede kasi kailangan kong umuwi pero ngumiti lang ako at tumango. What choice do I have? Bakit ko ba kasi sinabi na yaya ako rito? 

"No problem!" Ngumiti ako nang peke. Ayos, ang saya. Tang*na.

"No, she can't." 

Naramdaman ko yung kamay ni Dylan sa braso ko kaya napatingin ako agad sa kanya. 

"She'll be accompanying me later. Right?"

"May usapan ba tayo?" Hindi ko tuloy napigilan yung sarili ko kaya pinisil niya  yung braso ko. Ay ang tanga mo Callie!

"Ha? Oo nga pala." 

"I want her to accompany me. You can ask Stephanie to accompany you later." 

Napatingin ako sa lola niya. Hindi ko alam kung bakit nila ako pinag-aagawan pero hindi ako nafla-flatter. Gusto ko lang umuwi. Bakit ba ako nadadawit sa mag-lola na 'to?

"Lala--"

"Be ready in 10," sabi ng lola niya sa akin at saka tumalikod at umalis. 

Humarap agad ako kay Dylan na napahawak sa sintido niya. Okay, it looks like my plan f*cked up. 

"I can talk to her," he said. Aalis sana siya kaso hinawakan ko siya sa braso.

"It's fine. Ngayon lang naman. Pagkatapos kong samahan ang lola mo, saka na ako aalis. Baka magtaka lang siya kung hindi ako sasama sa kanya." 

"Are you going to be okay?" 

Why does he sound so worried? He should stop this. 

Tumalikod at ibinalik ko yung maleta ko sa dati nitong ayos. I should stop feeling this way lalo na't nandito na yung fiancee niya. Get a grip, Callie. 

It All Started With The Royal's BabyWhere stories live. Discover now