Chapter 38

31K 896 183
                                    

NAKANGUSO ang labi ni Iiliri habang hinihintay na bumalik si Essex.

Kasama niya si Gulo at iniwan sila sandali ni Essex dahil bumili ito ng bagong cellphone dahil basta nalang nito binasag ang cellphone nito kanina nang may nabasang hindi nakakatuwa.

Ito ang sumundo sa kanya dahil may pinuntahan si Riot at mali-late ito at ayaw naman ng asawa niya na maghintay siya sa paaralan.

Napalingon si Iiliri kay Gulo nang maging aligaga ito at umungol. Isinama ito ni Essex dahil inaangilan na naman ito ni Hinhin.

"Gulo bakit?"

Hindi siya nilingon ng aso niya at nakatingin lang ito sa labas ng bintana habang aligagang umuungol.

Iiliri looked in the direction Gulo was eyeing and her brows shot up when she saw Riot following a woman.

Ilang sandali niyang pinanood ang dalawa hanggang sa pumasok ang mga ito sa isang gusali at ng tignan niya kung ano iyon ay nagtaka siya.

Hotel?

Umawang labi niya at kinabahan siya. Agad din siyang napasinghap ng napaisip kung bakit pumasok ang dalawa sa loob.

"Gulo! Labas tayo dali sundan natin!" Aligaga niyang binuksan ang sasakyan at lumabas saka pinalabas din si Gulo.

"Wait! Dahan-dahan lang Gulo." Iiliri pulled her dog's leash while holding her five months pregnant belly.

Liningon siya ng aso niya at tumingin sa tiyan niya kung saan nakahawak ang kamay niya. Lumapit ito at kiniskis nito ang ulo sa tiyan niya na sobrang nagpalambot ng puso ni Iiliri kaya't niyakap niya ito.

"Ayos lang si baby Gulo, pero dahan-dahan lang tayo baka madapa ako," saad niya saka ito niyayang puntahan ang gusali.

This time Gulo was already walking calmly beside her but his tail keeps on wagging and his face frowning.

"Hello sayo." Bati niya sa babaeng receptionist na parang natuka ng ahas ng makita siya. "Pwede ko bang malaman kung anong silid ang inukopa ng kapapasok lang na guest?" Tanong niya habang hinahaplos ang ulo ni Gulo.

Nang makabawi ang babae ay naaawa itong tumingin sa kanya saka ibinigay ang numero ng silid ng walang tanong. Kilala naman na siya ng mga nagtatrabaho sa isla dahil sa kasal nila ni Riot.

"Salamat." Ngumiti siya.

The woman cleared her throat and smiled sadly at her. "Walang anuman, ma'am. Pakatatag po kayo," anito na sinagot lang ni Iiliri ng tango at ngiti.

"Gulo sana naman walang ginawang masama si Riot." Kausap niya sa aso niya na hindi maipinta ang mukha habang naghihintay na bumukas ang elevator.

Pagkarating sa palapag kung saan ang silid na inukopa ng babae at ni Riot ay hinanap ni Iiliri ang numero ng silid.

Pinatahimik niya si Gulo nang mahanap ang silid. Parang gusto ng banggain ni Gulo ang pinto ng silid para pumasok.

"Kalma Gulo. Kinakabahan ako sa ginagawa mo." Bulong niya saka huminga ng malalim.

Kakatok na sana si Iiliri ng bigla iyong bumukas at bumulaga sa kanya ang asawa niya na mukhang nawalan ng dugo sa katawan ng makita siya at si Gulo.

"K-kitten..." Riot stammered, eyes full of worry and distress.

"Anong ginawa mo?" Kinakabahan na tanong ni Iiliri. "Please lang Riot 'wag mong sabihing tinuluyan mo?"

Now her husband's face contorted into confusion.

"W-what—"

Hindi nito natuloy ang sasabihin nang galit na umangil si Gulo at bigla na lang pumasok sa loob. Hindi niya napigilan ang aso dahil lumuwag ang hawak niya sa tali nito nang makita si Riot.

Riot CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon