Chapter 17

26.8K 889 188
                                    

HAWAK ANG papel ay muling bumagsak ang mga luha ni Iiliri habang nakatingin sa gate kung saan naroon na naman si Gulo at naghihintay sa pagbalik ni Riot.

Tatlong araw lang ang kinaya niya at bumigay na ang mga luha niya. Mula noon ay araw-araw na siyang umiiyak at nakakatulog ng may luha sa mga mata.

Ang tatlong araw na iyon ay naging isang linggo, at matapos ang mahigit isang linggo na paghihintay ay hindi parin bumabalik ang binata.

Hanggang sa nagkasakit na si Gulo.

Malaki ang pasasalamat ni Iiliri at nadala niya si Gulo sa bayan sa tulong ni Josh. Meron ding mabait na beterinaryo na sumadya sa bahay niya para tignan ang aso niya.

Pero masakit.

Sobrang pag-aalala ang naranasan niya noong akala niya mawawala na si Gulo sa kanila. Dahil doon ay hindi niya maiwasang magtampo kay Riot. Pero sandali lang naman. Alam naman niyang hindi rin gugustuhin ng binata na nangyari ang ganito kay Gulo.

At ngayon tatlong linggo na mula ng umalis ang binata. Tulad ni Gulo ay naghihintay parin siya. Sila. Umaasa.

Muli niyang ibinalik ang tingin sa papel na hawak at binasa ang nakasulat sa liham na iniwan ni Riot sa mesa ng araw na umalis ito.

Kitten,

          Sorry, hindi ako nagpaalam sayo. Natakot akong makita kang malungkot, Iiliri, kaya't napili kong umalis kung kailan mahimbing kang natutulog. Iyon ang gusto kong baunin kesa ang malungkot mong mukha.

I will miss you terribly. You take care and don't overwork yourself. Binilinan ko ang tatlo na bantayan ka't alagaan.

I'll be back, kitten. I promise.

Mahal na mahal na mahal na kita.

Love,
Riot

Pinahid ni Iiliri ang luha at niyakap si Hinhin na lumapit sa kanya at ipinatong ang ulo sa balikat niya.

"Okay lang ako Hinhin. Namimiss ko lang si Riot at nag-aalala kay Gulo." Malungkot na bulong niya dito habang pinipigilan ang mapahagulhol.

Hinaplos niya ang likod ng aso habang nakatanaw kay Gulo na nakadapang nakahiga malapit sa gate.

Kahit na kumakain na ulit si Gulo ay hindi parin mabawasan ang pag-aalala niya sa aso. Hindi na ito ang dating aso niya na masayahin.

Nakakapanghina rin tignan ang araw-araw nitong paghihintay malapit sa gate. Hindi niya naman ito mapilit o mahila dahil malaki ito at malakas kesa sa kanya.

Ilang sandali pa siyang nakatanaw sa labas ng kahoy na gate bago siya bumuntong-hininga. Tumayo siya at nagtungo sa hardin niya para mag-umpisang magtrabaho.

Sa nakalipas na tatlong linggo ay mas pinarami niya ang halaman niya at mas maraming tahiin ang kinuha niya. Ang pagiging abala sa trabaho ay ang naging paraan niya para mabawasan ang pag-iisip niya sa binata.

Bumalik siya sa dating buhay noong hindi pa dumarating ang binata sa buhay niya at nag-iisa na lang siya. Ang kinaibahan lang sa ngayon ay mas abala siya dahil sa kagustuhan niyang makaipon ng pera.

Riot CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon