Chapter 30

36.9K 1K 146
                                    

⚠️ There will be an author's note after this chapter (separate chapter). Lahat kayo PAKIBASA.

HINDI PINANSIN ni Iiliri ang kuryosong tingin na ibinibigay ng mga katrabaho niya sa kanya habang patungo sa pribadong opisina ni Theon.

Balita niya ay walang pwedeng pumasok doon kaya siguro ganoon na lang ang tingin sa kanya ng mga katrabaho niya. Kung ano man ang dahilan bakit walang pwedeng pumasok doon ay hindi niya na alam.

Kumatok si Iiliri ng tumapat siya sa pinto at ilang sandali lang ay bumukas iyon at agad na sumalubong sa kanya ang hindi maipintang mukha ni Theon.

"Pasok, Iil." Theon tsked while opening the door wider.

Mabilis na umikot ang paningin ni Iiliri sa opisina nito. Wala namang kakaiba maliban sa dark ang kulay ng pintura at muwebles na nagbibigay ng madilim na impresyon sa buong silid.

"Upo ka, Iil," anito at tinapik ang isang upuan sa harap ng mesa nito bago tinungo ang swivel chair saka pagbagsak na naupo. "What you want me to do to forgive me is something I don't like, Iiliri. I tell you that." Agad na saad ni Theon.

"Wala namang mahirap sa gusto ko, eh. Dagdag na oras lang ang kailangan ko, Theon at regular na trabaho dito sa dalawang lingo na wala akong pasok."

Imbes na umuwi ng Quircos sa sem break niya ay naisipan niyang magtrabaho na lang para mag-ipon ng pera para sa bahay niya sa Quircos.

Pinatong niya ang dalawang siko sa mesa nito at seryoso itong tinignan.

Gusto nitong makipagbati na matapos ang ginawang paglilihim ng mga ito tungkol kay Riot at humingi ito ng paraan kung paano ito makakabawi. At isa lang ang naisip ni Iiliri. Iyon ay ang bigyan siya nito ng kadagdagang oras sa trabaho pero mukhang ayaw nito.

"Theon sige na. May pag-iipunan ako." Pinalamlam niya ang mata niya at pinagdapo ang mga kamay bago nagsalita. "Please..."

Theon tsked and rolled his eyes. "Don't do that, Iil. That wouldn't work with me."

Hindi gumalaw si Iiliri kaya't nakukunsumi itong napahilamos ng mukha. "Alam mo kung hindi lang ako guilty ay talagang hindi ako papayag." Inis na saad nito bago may kinuhang papel at ibinigay sa kanya.

Lumawak ang ngiti ni Iiliri ng kontrata iyon ng tignan niya.

"You will explain this one to Riot, Iil. That asshole will go bull on me if he finds out I am giving you more time to work here in my bakery," he said, giving her a look that says; Do you understand?

Mabilis na tumango so Iiliri at magsasalita sana nang may kumatok sa pintuan.

Hindi tumayo si Theon pero kinuha nito ang isang remote control at binuksan ang monitor na nakapinid sa dingding malapit sa pintuan. Nang bumukas iyon ay nakita nilang nasa labas ang tatlo.

Phytos, Monty at Essex.

Muling may pinindot si Theon bago nagsalita.

"Pasok mga gago."

Malawak ang ngiti ng tatlo nang pumasok ang mga ito at agad na lumapit sa kanya.

"Bati na tayo, Iil?" Phytos asked, grinning while handing her a box. "Promise pagnakalimutan ka ulit ni Riot babasagin ko na bungo niya at papasakan ko ng memory card ang utak niya."

Sarkastikong tumawa saka umingos si Iiliri at tinanggap ang inabot nito. "Ano 'to?" Inalog iyon ni Iiliri pero walang ingay mula sa loob at magaan lang iyon.

Phy grinned, eyes full of jest and mischief. "Secret Iil. But I recommend you to unwrap that with Riot."

Iiliri nodded then looked at Monty who was smiling too while handing her his peace offering gift.

Riot CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon