"Jazzie!" masayang salubong sa akin ni Azy at humawak sa braso ko. "Halika, ipakikilala kita sa makaka-partner mo."

Hindi naman ako tumutol at hinayaan siyang alalayan ako patungo sa makakatrabaho ko. As we took our steps, I already noticed the guy sitting on a high chair while sipping his drink. Nakatalikod man siya ay hindi iyon naging dahilan para hindi ko makita ang ginagawa niya.

"Mr. Hevion!" Azy called cheerly.

Natigil sa pag-inom ang lalaki at marahan na bumaling sa amin ng tingin. Natigil ako sa paglalakad sandaling nagtama ang paningin naming dalawa.

His eyes.

Hindi ko maalala kung saan ko nakita iyon pero nasisigurado kong nakasalamuha ko na siya noon.

"Uy, Jazzie. Ayos ka lang?" usisa ni Azy sa akin na ikinabalik ng atensyon ko.

I cleared my throat and looked at my friend slash manager. Tipid akong ngumiti saka nagpatuloy sa paghakbang.

The guy didn't speak a word. Nakatitig lang siya sa akin na animo'y pinag-aaralan ang mga kilos ko.

Saan ko ba siya nakita?

"Hi, Mr. Hevion. Siya nga po pala si Jazzie, ang maganda kong alaga. Siya rin po ang makakasama niyo sa shoot," turan ni Azy.

The guy hummed while nodding his head and then reached out his hand to me. "Chaos Hevion," he formally introduce, not breaking his stare at me.

Nakararamdam man ng hindi pagiging kumportable sa mga titig niya ay pinili ko pa rin na maging propesyunal. I was about to reach my hand to him when a strong arm wrapped around my waist and pulled me away.

Handa na akong kumawala at manigaw ngunit natigilan ako sa nakita.

"She's not working with you," Valjerome, my husband, coldly said to the guy Chaos.

I blinked thrice as I kept staring at his face. "V-Valjerome," I uttered with my shivering lips.

Doon ay mabagal na bumaling sa akin ang kanyang malamig na mata. "You are not working with him," he commanded.

Para akong nasa isang sumpa at basta na lang tumango sa kanyang kagustuhan. Naagaw naman ng isang sarkastikong tawa ang aming atensiyon. Mula sa pagkakaupo ay mabagal na tumayo si Chaos at tinitigan ang asawa ko.

"Sorry, Mister whoever you are, but apparently she needs to work with me or else . . ." He then looked at me and smirked. ". . . ipakukulong ko siya whatever it takes."

Kinakabahan akong napatingin kay Valjerome. Natatakot na baka isipin niyang ginusto ko talaga ang nangyayari ngayon ngunit hindi niya ako tinapunan ng tingin.
Mayamaya pa ay nakita ko ang pag-angat ng gilid ng labi niya.

"I will pay for the damages," tamad niyang sabi.

Muli namang tumawa si Chaos bago seryosong tiningnan si Valjerome. "Do you even know what I can do?" he mocked.

Bigla naman akong kinabahan kaya ro'n ko pa lang nagawang ituon sa iba ang aking atensiyon. Halos lahat ng tauhan ay tahimik at nangangapa sa amin. Imbes na intindihin iyon ay si Azy ang tiningnan ko para manghingi ng paliwanag.

Naghihingi ng dispensa siyang tumingin sa akin bago tumungo. "Mr. Hevion said that if you ever breached the contract, you'll be dating him for a month or else you'll pay a hefty amount . . . billions," bulong na anas ni Azy, sapat lang para marining namin.

My mouth parted with disbelief.

Come again?

"Azy!" Inis inis kong sigaw at sinuklay ang aking buhok gamit ang mga daliri ko.

Alam kong kayang bayaran ni Valjerome ang hihingin niyang pera pero hindi ko gusto na gumastos siya ng gano'ng kalaki. Bukod pa roon ay malalagay rin sa alanganin ang pangalan ko sakaling pumutok ang issue ng breach of contract.

"I'm sorry. I just thought it's a fair deal. Hindi ko naman alam na may boyfriend ka na pala, Jazzie," paliwanag niya.

Damn!

"Just give me the price," Valjerome spoke coldly.

Chaos flashed an evil smirk. "Let her work or let her date with me, choose."

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now