Surf shack cottage kung tawagin ang room na na-book namin. Hindi kalakihan ang room pero sapat naman na para samin ni Allison. Parang kubo na tent ang itsura ng room at talagang maliit lang kaya isang malaking kama lang ang makikita sa loob. Presko din naman ang room at hindi mainit sa loob kahit walang aircon. May electric fan naman sa loob nakakabit sa ceiling. It has a beachfront view that's why it will really give you a nice and perfect view of the blue sky and sea.

"Tara, kain na tayo." Aya ko kay Allison at saka siya nilingon.

Hinubad niya ang sunglasses na suot-suot niya bago tumingin sa akin. Matamis na ngumiti ito bago tumango.

"Let's go," She happily uttered.

Nang makarating sa buffet ng resort ay sabay na kaming kumuha ng pagkain namin bago humanap ng mauupuan. Napili naming maupo sa side kung saan kitang-kita pa din ang dagat. Maaliwalas ang panahon ngayon na para bang nakikisama talaga sa amin ang sikat ng araw.

"Okay lang ba talagang pinostponed mo ang alis mo kahapon?" Tanong ko kay Allison sa kalagitnaan ng pagkain namin.

She stopped from eating before sighing and stared at me.

"You've already asked that question a hundred times, Scarlett," Kumuha ito ng tissue at pinunasan ang bibig niya bago uminom ng tubig. "And my answer will still be the same. So, stop asking that question dahil nandito nga tayo para mag-enjoy at kalimutan ang problema sa Manila, hindi ba?"

Yeah, she's right. We're here to forget our lives and problems in Manila. I nodded my head at piniling 'wag ng sumagot dahil baka maging mahaba pa ang usapan namin tungkol dito.

After we ate, we decided to go in front of the beach to have our chill time and to take some few shots of photos as well. I'm currently taking a video of Allison habang parang bata siyang nakikipag laro sa tubig ng dagat. Bubungisngis ito ng tawa kapag naabot ng tubig ang mga paa niya sabay tatakbo naman siya sa may buhanginan sa parte kung saan hindi gaano naabot ng tubig bago muli na naman siyang tatakbo pabalik sa tinatayuan niya kanina.

Maya-maya pa'y nakita ko itong kumaha ng stick at saka nagsulat sa buhangin. Nakita ko ang pag-silay ng ngiti sa mga labi niya pagkatapos niyang masilayan ang sinusulat niya. She turned to where I was and plastered her huge beautiful smile.

"Look!" Sigaw ni Allison, sabay turo sa sinulat niya kaya binigyang pansin ko iyon para basahin.

Isang malaking hugis puso ang naka drawing at sa loob nito nakasulat ang buong pangalan ko at ganun rin ang sa kanya pero ang kaibahan ay nakadugtong na ang apilyedong dala-dala ko sa dulo ng pangalan niya. Muli ko siyang nilingon matapos kong basahin ang nakasulat. May malaking ngiti pa rin si Allison sa kanyang mga labi habang nakatingin sa akin at nag-aabang ng magiging reaksyon ko.

"Malapit na.." She happily uttered.

I smiled a bit and slightly nodded my head. Malapit na nga. Sobrang lapit na ng itinakdang araw para sa kasal namin. I exhaled a huge amount of air at saka iwinaglit sa isipan ko ang mga isiping hindi ko dapat muna isipin sa mga oras na ito.

Nakita kong kinuhaan ng picture ni Allison ang sinulat niya sa buhangin bago lumakad papalapit sa akin. Nakasabit sa leeg niya ang cellphone niya at ganun din ang sa akin para hindi namin maiwan ito kung saan-saan.

Saktong pagkalapit sa akin ni Allison ay siya ring paglapit ng isang lalaki sa amin na sa tingin ko ay kaedaran lang din namin. Wala itong damit pang itaas at naka beach shorts lang kaya nakabalandra talaga ang malaki niyang katawan.

"Hi! I'm Greg," Biglang pakilala niya sa amin bago naglahad ng kamay sa harap namin.

Saglit na pinasadahan ko ito ng tingin bago dumako ang tingin ko sa likod niya. May grupo ng kalalakihan doon kung saan sa tingin ko nabibilang itong lalaking ito. Naka kumpol at mukhang nag-kakantyawan ang grupo sa likod habang nakatingin dito sa direksyon namin. Hindi maitatanging mga may mga angking itsura ang mga ito pero malalaman rin talaga sa unang tingin pa lang kapag ang lalaki ay puno lang ng kahambugan at kahanginan ang utak base pa lang sa tayo o galaw, e.

On The Right TimeWhere stories live. Discover now