"Hala!" Gulat kong sabi at nanlaki pa ang mga mata.

Napabulaghati naman ng tawa si Allison na siyang ikinaiinit na naman ng pisngi ko. Saglit kong nilingon ang daan bago muling tingnan si Allison na abala sa pagtawa habang nakatingin sa phone niya.

"Aly, delete that." Mahinang sabi ko at napanguso pa.

Mabilis naman itong umiling at saka pinatay ang cellphone bago itinago sa likod niya.

"You look cute, don't worry," Pangungumbinsi niya sa akin bago muling tumawa.

Napa simangot naman ako at nag-focus saglit sa daan. Maya maya pa'y napatahimik ako lalo na ng marinig ko ang musikang nagsisimulang tumugtog mula sa stereo. Maging si Allison ay nanahimik at napatigil din sa pagtawa.

She'd take the world off my shoulders
If it was ever hard to move
She'd turn the rain to a rainbow
When I was living in the blue
Why then, if she is so perfect
Do I still wish that it was you?
Perfect don't mean that it's working
So what can I do? (Ooh)

Saktong itinigil ko ang sasakyan ng mag-traffic sa intersection dahil nag-red light ang traffic light kaya nilingon ko si Allison. Laking gulat ko ng makitang nakatitig na pala ito sa akin at ito na naman ang mga mata niyang nangungusap at parang may gustong sabihin.

When you're out of sight
In my mind

'Cause sometimes I look in her eyes
And that's where I find a glimpse of us
And I try to fall for her touch
But I'm thinking of the way it was
Said I'm fine and said I moved on
I'm only here passing time in her arms
Hoping I'll find
A glimpse of us

Ilang segundo pa akong nakipag sukatan ng tingin sa kanya hanggang sa unti-unti at sa hindi malamang dahilan ay biglang pumasok sa isip ko ang imahe ng mukha ni Jasmine. Ang masaya at nakangiting mukha nito ang kasalukuyang nakikita ko ngayon habang nakatingin ako kay Allison.

Maraming beses kong pilit na kinurap-kurap ang mga mata ko hanggang sa matauhan ako at sa wakas ay nawala na ang imaheng iyon sa isip ko. Mas naging malungkot ang mga mata ni Allison, habang nakatingin sa akin kaya naguluhan ako kung bakit. Bakit siya malungkot?

"I guess you get a glimpse of her, am I right?"

Nangunot ang mga noo ko ng hindi ko naintindihan ang sinabi niya dahil sa sobrang hina ng pagkabigkas niya dito at hindi niya rin gaano binuka ang bibig niya ng mag-salita siya.

"What?" Mahinahon kong tanong kay Allison.

Umiwas naman ito ng tingin sa akin bago umiling at magpakawala ng malungkot na ngiti sa kanyang mga labi na labis-labis kong ikinataka. Ano bang problema?

"Nothing. Sumasabay lang ako sa kanta.." Mahina niyang sagot pero narinig ko naman.

Balak ko sanang magtanong kung may problema ba at malungkot siya pero napakislot naman ako sa kinauupuan ko ng marinig ang sunod-sunod na busina galing sa mga sasakyan sa likod namin kaya dali-dali kong muling pinaandar ang kotse ko dahil nag-green na pala ang kulay ng traffic light. Hanggang sa matapos ang kanta ay wala na ni-isa sa amin ang nagtangka pang magsalita kaya talaga nga namang naghari ang katahimikan sa amin sa loob ng kotse.

-

"Ang ganda," Yan ang unang salitang lumabas sa bibig ko nang makalabas ako sa cottage namin at masilayan ang taglay na ganda ng lugar kung saan kami kasalukuyang naroroon.

"Yeah, beautiful is not enough to describe this kind of place. This is paradise," Tugon ni Allison bago kumapit sa braso ko.

Napatango-tango naman ako sa sinabi niya dahil tama siya. Hindi sapat ang salitang maganda para ilahad ang taglay ng lugar na ito. Kasalukuyan kami ngayong nandito sa Crystal Beach Resort dito sa may La Paz, Olongapo, Zambales. Ang ganda at payapa sa lugar na 'to. Sobrang ganda din ng accomodation nila kaya talagang wala kang masasabing hindi maganda sa kanila.

On The Right TimeWhere stories live. Discover now