Chapter one

17 2 0
                                    

Ashianna's point of view

"Nak! Gising na. Babalik ka na ng Hesxtia," Na-alimpungatan ako ng gisingin ako ni Mom.

"Yes Mom," Antok na antok pa ako. Nasa call kasi kaming lahat kagabi. Nauna na doon sila Maxine at Jackson nung isang araw pa. Kahapon naman ay si Ate Natalia. Bukas pa naman alis nila Kuya Drake at ewan ko kung kelan alis ni Ry at Charlie. Aljay naman ay sasabay sa Mama at papa nya pabalik sa Hesxtia.

Madaming dinagdag sa Hesxtia at meron ding binago na konti. May train na sarili ang Hesxtia pang sundo sa mga estudyante na mula sa Iba ibang bayan para hindi na siksikan sa normal train, Hindi na for special purpose lang ang train ng Hesxtia. May protective barrier din na mas matibay kesa sa unang barrier ang Hesxtia namomonitor sa Council kung sino ang gustong sumira dito kaya nagagawan ng Action.

May Grocery na din sa loob ng Hesxtia underground nga lang sya. Sa Training center ay may room na for equipments may sariling building na din ang Technology department.

"Are you sure you'll travel alone? Pwede naman kaming mag-adjust para magkasabay ka," Kahapon pa paulit-ulit si Dad, ayaw nya kasi akong mag-travel mag isa. Kalahating araw lang naman yung aabutin bago ako makarating sa Hesxtia. Baka nga 5-7 oras lang eh, mabilis kasi yung andar ng train.

"Dad, it's fine. Kaya ko po."

"Sige. Kumain muna tayo," Katulad nga ng sinabi ni Dad ay kumain na kami. Buti na lang pala I'm 18 na kung hindi wala talaga akong kawala kay Dad. I want to start doing things alone like yung ako lang talaga. I want to be independent.

"Mag iingat ka."

"Take care, Ashianna. We love you."

"I love you too, Mom and Dad."

Hinatid na ako ng driver namin sa Terminal ng trains. Yeps, mayaman si Dad hindi nga lang nya ginamit noon dahil nga nagtatago kami. Lumipat na kaming Alexine nung winter. Dinala kami ni Dad dito sa Alexine nung Christmas. Naglipat kami nung after Christmas.

Dumiretso agad ako sa platform ng Hesxtia. May mga nakasabayan din ako pero kaunti lang din.

"Hesxtia train will be arrived in a minute," Rinig na din namin yung tunog ng train kaya naghanda na kami. After a minute huminto na ito at nagbukas ang mga pinto. Pagpasok ko ay konti lang din yung tao, bilang lang sa daliri.

"Next stop, Teline," Nagsimula na ulit na umandar ang Train. Walang portal papasok ng Teline kaya matatagalan talaga kami bago makapasok doon. Siguro mga 2-3 hours.

Tinawagan ko na lang sila para hindi ako ma-bored.

"[Wazzup?]"

"[Yow!]"

"[Hi!]"

Sunod sunod silang sumagot sa tawag ko. Naka on video pa. Si Aljay lang ang hindi sumagot dahil magkasama pala sila ni Kuya Drake.

"Naka alis na ako. Jackson, abangan nyoko. I'll call if nakababa na ako sa train."

In-end ko na yung call sakin habang naiwan naman sila doon.

After a hours ay nakarating na din kaming station ng Hesxtia.

"Omg!"

"It's Ashianna Mendoza right?!"

"Yeah!"

"Tara!"

Matapos din ang survival game ay mas lalong sumikat ang pangalan namin. Mabuti na lang may security sa station para i-hold ang mga tao.

Hesxtia Academy: Lost curse KingdomWhere stories live. Discover now