CHAPTER 18

1.1K 41 1
                                    

Belle's POV

Hinintay ko si Anathishia sa labas ng condominium, susunduin niya ako. Ang sabi niya malapit na siya. May bumusinang kotse malapit sa akin kaya expected ko nang siya na yon pero laking gulat ko ng kasama niya si Kitkat. Ngumisi silang dalawa sa akin saka ako pinapasok sa loob.

"Magkakilala kayo?" Tanong ko na kinatawa naman nila. Nasa harapan silang dalawa, ang driver namin ay si Anasthishia.

"Akala mo, nagtuturo ako sa isang university?" Tumango naman ako and again ngumiti na naman silang dalawa.

"Well, to your surprise I'm not. Matagal na akong tumigil sa pagtuturo kinausap lang ako ni Nhixed to teach you kasi, siguro... dahil magaling ako?" Kinausap lang siya ni Nhixed para turuan ako?

"Ang hangin talaga tsk! No choice lang si Nhixed, kasi ayaw niya sa iba, lalaki lahat kilalang professors non eh!" Ano?

Pumiling-iling silang dalawa saka nalang nanahimik hanggang sa narating na namin ang pupuntahan namin. I saw a lot of people here, dahil siguro sa sikat 'to. Pagkatapos namin mag order, tiningnan nila ako ng taimtim.

"I'm gonna ask you, what's your status now?" Mag uumpisa na ba?

"Nhixed and you, what's your status now?"- tanong naman ni Kitkat. Naalala ko pa noon na tinanong niya rin 'to.

"Hindi pa malinaw sa akin ang lahat. Ayoko magtanong, ayokong mag assume mahirap na. Ayokong makarinig ng rejections. Ang daming babaeng nagkakagusto sa kaniya. Alam ko kung saan ako lulugar." Gulat sila na narinig nila mula sa akin.

"Bakit hindi ka nagsasabi sa amin na ganiyan na pala ang mindset mo?" Nagkibit balikat ako sa tanong na 'yon ni Anasthishia.

"We receive an invitation for upcoming wedding anniversary of Nhixed parents. And Justine told us, you didn't get one?" I nodded and shrugged my both shoulders.

I know Justine, minsan na 'tong nagpunta sa condo ni Nhixed, para iabot ang mga kailangan niyang pirmahan.

Ano bang nagawa ko bakit hindi ako nakatanggap ng invitation mula sa kanila? And they want Kim to be his date on that night. Wala pang sinasabi sa akin si Nhixed pero alam kong stress na siya sa mga nangyayari.

"It's not our story to tell but I want you to know, they investigate you. At nalaman nilang nagtatrabaho ka lang sa isang restaurant at hindi natapos sa pag-aaral in short. Walang kaya sa buhay, mahirap. Kaya siguro pinag aral ka ni Nhixed para matanggap ka nila but I don't want you to assume things." Ganon din kababa ang tingin niya sa akin? Pinag aral ako dahil àlam niyang wala akong marating sa buhay? Awa?

"Ask Nhixed, who you are in his life, Kasi kung walang kikilos sa inyo, hindi niyo malalaman."

"Nagsabi ang umamin na." Sabi ni Kitkat kay Anathishia na inirapan niya lang 'to.

"Bryce told me. Kim keeps bothering Nhixed dahil nga gustong magbalikan. Sinubukan mo na bang pinuntahan sa opisina niya?" Ayoko namang mag assume. I want him to tell me, what's really the score between of them.

Nhixed Suarez -(Billionaire Series#1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang