Chapter 19: Humors, Humors

Magsimula sa umpisa
                                    

 

 

          "WHAT THE HECK IS THIS?!" malakas na sigaw ko matapos kong mabasa ang nasa column na iyon.

          "Miss Hanna!" saway sa akin ni Sir Ignacio. "What is it?!"

          "Sir, may I go out?"

          Nagtataka man ay pinayagan ako ni Sir.

          I pack my things tapos lumabas na ako ng classroom. Ni hindi ko na nga nilingon si Sir nang punahin nya ang nakasabit kong bag sa balikat ko.

          Nagdere-derecho na lang ako sa hallway. Iisang lugar lang ang gusto kong puntahan ngayon.

          Patuloy pa rin ang pagbati sa akin ng mga nakakasalubong kong estudyante ng Westside. Kaya pala ang babait ng mga tao sa akin ngayon, especially Sir Iganacio. It's all thanks to this d*mn newspaper!

ENGINEERING DEPARTMENT

 

 

            Pasipa kong binuksan ang pinto ng kwarto na iyon kung saan ako unang dinala ng mga alipores ni Viel noong first day ko sa school. I have this feeling kasi na iyon ang hide out ng 'Trinity X'. What the! Anong pauso yun?! Trinity X?! My ass!

          "Hoy! Monkey Lord!"

Viel's P.O.V

 

 

          Medyo nagulat ako sa biglang pagbukas ng pinto ng room namin.

          "Hoy! Monkey Lord!"

          What the! Anong ginagawa ng tigre na 'to dito?!

          Galit na galit syang lumapit sa akin saka ako kiniwelyuhan.

          "What's the meanng of this?!" galit na sabi nito saka inihampas sa mukha ko ang hawak nyang makapal na papel.

          "WTF! Bakit mo ginawa yun?!" asar na sabi ko.

          "I should be the one asking you that!" sabi nito saka ako binitawan.

          "Huh?!" Di ko sya gets! Promise!

            "Ayan! Basahin mo!"

            Nagtataka man ay kinuha ko na lang ang dyaryo na dala nya at sinimulang basahin ang nasa may headline. At napaangat ako ng kilay sa nabasa ko.

          "O, tapos?"

          "Anong 'O, tapos?'  Ipaliwanag mo ang nakasulat dyan!"

          Highblood na highblood si Ate! Dama ko galit mo!

          "Wag mo na lang pansinin yan..."

          "WHAT?! At bakit ko naman hindi papansinin yan huh?!" asar na sabi nito saka ikinaway sa harap ng mukha ko ang kamay nya. "Hello! Kalat na kalat sa school ang tungkol sa bagay na yan!"

          "O, ngayon?"

          "Anong o ngayon?! Ano ba?! Wala ka bang pakialam sa nakasulat dyan?!"

          "Wala."

          Kita ko ang pamumula ng mukha nya sa sobrang inis at galit. Infairness, ganda pa din nya 'pag nagagalit.

My Ex, My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon