CHAPTER 10: Kalawakan

Start from the beginning
                                    

"Hindi ka pa nakuntento na pinahiya mo ang pamilya natin sa video niyo ni Jayla, ngayon naman gusto mong dungisan ang pangalan ng hospital natin?!"

"Dad..."

"Dad, please. Just calm down," sambit naman ni Ate Kyla.

"Ano po bang ginawa ko?" inosente kong tanong dahil hindi ko talaga alam anong ginawa ko.

Lalong hinigpitan ni Daddy ang pagkakahawak sa kwelyo ko kaya lalong umalma sina Mommy.

"Mag-hunos dili ka, Jose! Pagpaliwanagin mo muna si Nicco!"

"Pagpaliwanagin?!" Tinignan ako nang masama ni Daddy.

"Sige!" Marahas niyang binitawan ang kwelyo ko kaya nawalan ako ng balanse, good thing Kuya caught me immediately.

"Patricia Fernandez," bungad ni Daddy. "Do you know her?!"

My heart skipped a beat. How did he know that bitch?

"Just to inform you, Niccolo, her father is a lawyer...and he's my patient!"

Shit.

"He's also one of the hospital's big investor!

Hindi ako nakapagsalita. I suddenly remembered what Tricia said, na hindi rin niya daw palalagpasin ang ginawa ko. Binalewala ko lang iyon because I didn't know she belongs in an elite family.

"Wala po akong ginawa kay Tricia," sagot ko nang nakatungo. I don't have a face to look at him.

"Wala akong anak na sinungaling!" umalingawngaw ang boses niya sa buong bahay na siyang ikinagulat namin.

Ngayon ko lang nakitang ganito kagalit si Daddy. Naubos na ba ang pasensya niya sa'kin? Did I push him to the limit?

"Attorney Fernandez told me that you threatened his daughter."

Threatened? Iyon bang sinabi ko na hindi ko palalagpasin ang ginawa niya?

"Pinilit mong pumasok sa loob ng unit ng anak niya kahit ayaw niya!"

Dito na ako napatingin kay Daddy. Wala akong ginawang gano'n.

"Then you threatened her life!"

"Hindi po totoo 'yon, Dad..."

"Huwag ka nang magsinungaling!"

"Dad, mas paniniwalaan niyo pa po ba ang ibang tao kesa sa sarili ninyong anak?"

Sandaling bumalot ang katahimikan sa buong bahay hanggang sa binasag ni Daddy ang katahimikan. "Anak?" halo-halo ang emosyon sa boses at mukha niya.

Sunod-sunod akong napakurap. Hindi ko maintindihan.

"Jose," mariing tawag ni Mommy kay Daddy kaya medyo kumalma si Daddy.

"Dad, come on. Relax ka muna," sambit ni Kuya na para bang gusto niya lang tanggalin ang tensyon sa paligid.

Niluwagan niya ang neck tie niya. "We'll be having our family dinner on Saturday, kasama ang mga lolo at lola mo, ang mga tita at tito mo, at mga pinsan mo. Kahit sa araw man lang ng 'yon, umayos ka!"

Tinignan muna ko nang masama ni Daddy bago siya naglakad papunta sa office niya. Sinundan naman siya ni Mommy.

"Are you alright?" tanong sa'kin ni Kuya habang inaayos ang kwelyo ko.

"Paspasensyahan mo na si Dad ha? Alam mo namang pressured sa trabaho 'yon," si Ate Kyla.

Of course I will understand him. Not just because he's my father, but also because that's how society works. You have to respect elderly even if they are disrespecting you...even if they are stepping on you and crushing your spirit.

A Victim's Aftermath [MEDICAL SERIES #2]Where stories live. Discover now