18: I hope you'll always Remember Me, Binibini.

51 11 12
                                    

Hazie's POV

"Hermosa, Collette."

Nagpalakpakan kaming lahat nang tawagin ang pangalan ni Coco at ang paglalakad nito paitaas ng entablado. Sa sobrang pagkatuwa ay napatayo ako sa kinauupuan ko.

"Pakakasalan ko ang babaeng 'yan!"

Agaran akong hinila ng anim pabalik sa upuan ko habang sinamaan naman ako ng tingin ni Collette at kalaunan ay natawa.

Shit. Shit. Shit. Ang babaeng 'yun, gusto ko nang ikasal sa kaniya ngayon na mismo. This is driving me crazy.

Nagpatuloy pa ang seremonya habang nakabantay kaming lahat. Hindi nagtagal ay ihinagis nilang lahat ang kanilang toga, tanda na tapos na sila sa sakit sa ulong pag aaral na ito.

"HAZIE!"

Tumakbo patungo sa akin si Coco kaya naman sinalubong ko siya at mahigpit siyang niyakap. Hinalik-halikan ko ang noo nito sabay iniangat ang kaniyang katawan at inikot-ikot sa ere.

Panay naman ang pagtawa nito ay yumuko. Hinalikan nito ang aking labi kaya ibinaba ko siya sa lupa at ipinagpatuloy ang halikan naming dalawa.

"Aish, ang laswa."

Lumayo na kami sa isa't isa at muli na namang nagyakapan. Walang sawa naming niyakap ang isa't isa na halatang ayaw ng bumitaw.

"Hoy Hazie, ano itong narinig naming pakakasalan mo si Miss Hermosa? Nasaan ang invitation card?" biglang sulpot ni Sir Lee kasama ang iba pang guro kaya naman inabutan ko silang lahat ng invitation card na ikinatanga nila. Akala siguro nila ay nagbibiro ako.

"Alam kong marami akong nagawang kagaguhan at puro sakit ng ulo ang dulot ko sa inyo pero seryoso na ang kasal na 'yan, lalo na ang bride ko," hayag ko at hinalikang muli ang labi ni Collette na tinawanan naman nito.

Nagkwentuhan kaming lahat at nakatuon ang kwento namin sa nangyaring paghalik sa akin ni Collette sa paligsahan noon at panay ang pagtawa nilang lahat.

"Gawin mo nga ulit iyon. Heto suotin mo," sambit ni Ma'am Gavino at iniabot kay Coco ang salamin nito.

Agad namang isinuot ni Coco ang salamin at hinarap ako. Kapwa kami nagtawanan sa kahihiyan dahil maraming nakatingin sa amin kahit na wala kami sa itaas ng entablado.

"Dapat magpicture muna tayo para may ipapakita tayo sa magiging anak natin," saad ni Coco at inilabas ang kaniyang cellphone. Iniangat niya ito sa ere at kumuha ng larawan na magkasama kami hanggang sa nakisingit na rin ang mga guro kaya agad niyang ibinulsa ang phone niya na sininghalan ng mga ito.

Muli silang lumayo habang huminga naman ng malalim si Collette.

"Bakit ba kasi napakatangkad mo?" anito na nginitian ko at lumuhod sa harapan nito na ikinanlaki niya ng mata.

Inilabas ko mula sa aking bulsa ang isang singsing na mas lalo niyang ikinagulat.

"Alam kong masyado ng late ito para rito pero ayoko namang ikasal ka sa akin ng walang engagement ring," salaysay ko at nginitian ito. "Listen to me, you're both my queen and your parents princess. Ipinapangako kong ikaw lang ang magmamay-ari ng puso ko. Hindi ko na ito ibibigay sa kahit na sino."

Nagsigawan ang lahat sa kilig habang si Coco naman ay halatang hindi malaman kung ano ang kaniyang magiging reaksyon.

"Collette Hermosa, Collette, Coco, my binibini, I know you'll marry me so I won't ask about that thing," usal ko at tumikhim sabay lumawak pa ang ngiti sa aking labi. "So, will you be the mother of my children?"

Remember Me, Binibini?Where stories live. Discover now