03: She Kissed Me!

46 11 0
                                    

Hazie's POV

"98... 99... 100!"

Agad kong ibinagsak ang katawan ko sa sahig matapos maka 100 na push-ups. Tagaktak ang pawis ko at hinihingal.

Ngayon palang ay pakiramdam ko isang buwan na akong hindi pumapasok sa trabaho. Nakababagot. Gusto ko ng suotin ang uniporme ko, maghintay ng rerespondehan, at hawakan ang aking baril kahit na hindi naman nagagamit nang madalas.

Nag-vibrate ang phone ko kaya naman kinuha ko iyon at binasa ang isang text message.

From: Freak

Nandito na ako sa restaurant na napag-usapan natin.

Napatingin ako sa wall clock at nakitang 8 pm na, ngumiwi ako dahil hindi ko napansin ang oras at hindi nakapaghanda, may blind date pa pala ako.

Tumayo na ako at nagtungo sa banyo. Nag-ayos ako upang magmukhang presentable, syempre kailangan kong magmukhang presentable para maka-akit, pero bakit ko nga ba ginagawa ito? Wala lang, bored lang ako. E pa'no hindi pa ako tinatawagan para pabalikin sa trabaho. Hindi ba nila ako nami-miss?

Nang makapag-ayos na ay lumabas na ako sa bahay at sumakay sa kotse ko. Mabilis ko iyong pinaandar hanggang sa makarating ako sa restaurant na napag-usapan namin. Pumasok agad ako sa loob at luminga-linga sa paligid hanggang sa may matanaw akong isang babae na nasa dulo. Muli akong naka-recive ng message kaya naman binasa ko iyon.

From: Freak

Naka-black dress nga pala ako.

Mukhang siya na nga iyon. Ibinulsa ko na ang aking cellphone at naglakad palapit sa babae. Huminto ako sa tabi nito kaya napahinto siya at nag-angat ng mukha. Nakita ko kung paano kumislap ang mata niya nang makita ako at agad siyang napatayo.

"I-ikaw ba 'yung kablind date ko?" untag nito na tinanguan ko at nginitian siya na agarang ikinapula ng kaniyang pisngi.

"Pasensya na kung pinaghintay kita," sambit ko at ipinaghila siya ng upuan kaya bumalik siya sa pagkakaupo.

"Ayos lang," tugon naman nito, samantalang naupo naman ako sa katapat niyang silya. "Hindi pa ako nag-order, baka kasi hindi mo gusto 'yung mga oorderin ko."

Tumango na lang ako hanggang sa may dumating na waiter at inabutan kami ng menu. Nag-order na kami at umalis na ito kaya naman muli kaming nagkatinginan.

"Ano nga palang pangalan mo?" tanong ng dalagita na ikinataas ng kilay ko.

"Do you know that a name is a very powerful thing. Make sure you don't just give yours to anyone."

Sa totoo lang ay ayoko lang talagang ibigay ang pangalan ko, palusot ko lang iyon. Mahirap na dahil baka ma-obsess siya. Baka paimbestigahan ako, at bantayan lahat ng ginagawa ko, at malala ay maging stalker ko. Mas gusto ko pa ring mamuhay mag-isa. Ayokong matali sa iba, lalo na sa babae.

Pero... why does she look familiar?

"Kung ganu'n ay anong itatawag ko sa'yo?" untag nito at nangalumbaba sa mesa.

Ano nga ba?

"Kahit ano," tangi kong sagot at inilapit ang aking mukha sa kaniya. "How about babe?"

Natigilan ito at napatitig sa mukha ko. Pansin ko na dahan-dahan nitong inilalapit ang kaniyang mukha sa akin kaya naman lumayo ako at saktong dumating ang mga order namin. That was close. I'm not planning to kiss anyone here. Shit. At ano bang tumatakbo sa isip niya't inilapit niya agad ang mukha niya sa akin? Ganu'n pa ba siya ka-easy-to-get? If yes then this will be the first and last time I'll date and see her.

Remember Me, Binibini?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon