07: Vacation.

30 8 0
                                    

Hazie's POV

"WAAHHH! BEACH!"

Sinalubong ni Venice ang malamig na simoy ng hangin na napakasarap sa pakiramdam at sinabayan din siya ni Coco.

Aish pambihira, ang akala ko ay isinama nila ako para makapagpahinga rin ako pero heto ako't pinagbuhat nila ng mga gamit. Hindi na lang sana ako pumayag.

"Hoy, samahan niyo muna akong tumingin ng kwarto bago kayo tumuloy," saad ko na tinanguan naman nila.

Kinausap namin ang manager ng resort at napanganga dahil iisang kwarto nalang daw ang bakante rito.

"Pano na 'yan?" problemadong tanong ni Venice.

"Bakit ka nagtatanong? Simple lang naman ang sagot diyan. Doon tayo sa kwarto habang si Hazie ay mananatili sa kotse niya," sagot ni Coco na ikinangiwi ko.

Wala talaga siyang maisusuhesyon na maganda basta kung para sa akin.

"Pero malamig doon kapag gabi," sambit naman ni Venice na mukhang nag-aalala sa akin. Napabuntong-hininga na lamang ako sa usapan nila.

"Para namang papayag kang sumama ako sa inyo sa iisang kwarto, doon nalang ako sa kotse ko. At saka ayokong matulog nang makita ang pagmumukha ng babaeng 'yan dahil baka bangungutin pa ako," saad ko na tinutukoy si Coco. Sumama naman ang tingin nito sa akin pero hindi na siya nagsalita.

Naisaayos na ang lahat kaya naman sinamahan ko na sila patungo sa kwarto nila. Iniwan namin doon ang kanilang mga gamit at nag-uunahan pa silang nagtungo sa banyo para magpalit.

Ako naman ay kinuha ang aking mga gamit at bumalik sa ibaba upang itambak iyon sa kotse ko.

Pagkatapos ko roon ay nag-inat ako. Nakita ko sa loob ng kotse ang sunglasses ko naman kinuha ko iyon at isinuot. Isinarado ko na ang pinto at nag-inat. Ngayon pa lang nagsisimula ang tunay kong pamamahinga. But... can I really manage to rest here?

Iniwan ko sa lobby ang susi ng kotse ko upang hindi iyon mawala na tinanggap naman nila kaya dumiretso na ako sa tabing dagat. Tumambad sa akin ang ilang mga tao na naliligo sa tubig, ang iba ay nakahiga sa buhangin at nagpapaihaw sa araw, ang ilan ay naglalaro, at syempre mayroon 'yung mga pumunta lang dito para kumain.

Nahinto ako sa paglalakad nang may yumakap sa aking likuran.

"Nandito ka lang pala," hayag ng isang babae at humigpit ang pagkakayakap sa akin.

"Ehem!"

Napatingin kami sa tumikhim at nakita si Coco. Napalunok ako ng makitang sobrang ganda nito habang suot ang pink niyang dress na binili ko.

"Hazie, alam kong ikaw yan," anito kaya naman ibinaba ko ang aking sunglasses kaya agarang napalayo sa akin ang babaeng yumakap.

"Oh sorry, akala ko ay ikaw yung boyfriend ko," sambit nito pero naningkit ang mata ni Coco, halatang hindi siya naniniwala.

"Darlene."

Tinignan namin ang nagsalita at lumitaw ang isang lalaki na gaya ko'y may suot na sunglasses. Agad na yumakap sa kaniya ang babae at muling humingi ng tawad sa akin bago naglakad paalis kasama ang lalaki.

"Si Maurer ba 'yun? Wow, ang gwapo niya," bulalas ni Coco habang nakanganga.

"Sino 'yun?" taka kong tanong dahil mukhang kilala niya ito. Napatingin naman sa aking direksyon si Coco at kinunotan ako ng noo.

"Si Maurer, isa siyang sikat na artista, hindi mo alam?" sagot nito.

Artista?

"Kung ganu'n, pang-artistahin ba ang kagwapuhan ko para mapagkamalan ng kasintahan niyang ako siya?" painosente kong sambit at sinuklay pa paitaas ang aking buhok sabay nginisian si Coco, pero binigyan lang ako nito ng nandidiring tingin.

Remember Me, Binibini?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon