15: Father and Son.

17 8 0
                                    

Hazie's POV

"HAZIEEE!"

Nilingon ko ang sumisigaw ng pangalan ko at nakita si Coco. Nanlaki ang mata ko at yumuko sabay itinago ang mukha ko sa menu na hawak ko.

Shit, bakit ngayon pa siya lumitaw?

Nakita ko ang paa nito sa gilid ko kaya naman suminghap ako. Pahamak talaga.

"Hoy Hazie, sino 'yang kasama mo?" matapang nitong tanong kaya naman ibinaba ko ang menu at nginiwian siya.

"Coco, 'wag ngayon," mahina kong sambit sa sakaniya at sinulyapan ang isang mesa.

"Sabihin mo nga, niloloko mo ba ako?" tanong nito kaya naman napahampas ako sa aking noo at tumayo.

"Mahal kita at magtiwala ka sa akin, okay?" hayag ko sa kaniya na inilingan nito at nakita ko ang panggigilid ng luha nito.

Mula sa likuran ay nakita kong tumayo na ang babaeng may hawak na suitcase kaya naman tumakbo na ako. Nanlaki ang mata nito at tumakbo na rin pero hinabol ko siya.

Inilabas ko ang aking baril at pinaputukan ang paa nito. Tumama ang bala sa sahig na sobrang lapit lang sa kaniyang paa. Hindi ito nagalusan pero dulot ng pagkagulat at bumagsak ang katawan nito sa semento.

Nilapitan ko ito at pinosasan ang kaniyang kamay sabay hinila ito patayo.

"Akin na 'yan. Puntahan mo na 'yung girlfriend mo na umiiyak. Muntik nang masira ang plano. Sino bang nagsabi na narito tayo ngayon?" iritableng sambit ni Chief Xien kaya naman binatukan ko siya.

"Paniguradong ikaw 'yun. Akala mo ba ay hindi ko alam na tinetext mo ang girlfriend ko?" singhal ko sa kaniya at iniabot sa kaniya ang babae.

Dali-dali naman akong bumalik sa loob at nakita si Coco kaya naman nilapitan ko ito at niyakap.

"'Yan ang dahilan kung bakit ayokong magboyfriend," bulalas ng babaeng kunwari'y date ko kanina na kapwa ko pulis at naglakad na paalis.

Natawa naman ako at hinaplos ang malambot na buhok ni Coco.

"Bwisit ka! Bakit hindi mo sinabing may ganito kang misyon ngayon?" pagdadrama nito at hinampas ako.

"Aish, biglaan lang ito. Biglang sumakit 'yung tiyan nu'ng dapat na kapartner niya at ako ang ipinalit nila. Pasensya na," sagot ko naman kaya lumayo ito at nginusuan ako.

May inilabas itong papel na ikinanlaki ng mata ko.

"100 percent," pamamalita niya at ngumiti ng malawak.

"Ano?! 100 percent na buntis ka? Magiging ama na ako?" sunod-sunod kong hayag na nginiwian niya at kinutusan ako.

"Ano bang sinasabi mo e wala pang nangyayari sa atin. Buksan mo na nga lang, nakakastress ka," singhal nito kaya naman binuksan ko iyon at binasa ang nilalaman nito.

"Wow! Naka 100 ka sa exam?" gulat kong tanong na tinanguan naman niya kaya binuhat ko ito at pinaikot ikot sa ere hanggang sa ibaba ko siya. Hinawakan ko ang magkabila nitong pisngi at makailang beses na hinalikan ang labi nito sabay niyakap siya.

"Proud na proud ako sa'yo. Nakakaiyak, 87 lang ang score ko noon tapos nalamangan ko pa ako," usal ko na tinawanan naman nito.

"Dahil iyon sa tulong mo kaya naman nagpapasalamat ako sa'yo." Humigpit pa ang pagkakayakap niya sa katawan ko kaya naman mas lalo akong napangiti.

Well, I'll do everything I can do as long as I'm with her.

Nasa ganoong posisyon lang kami hanggang sa mag-aya na itong umuwi para ibalita na sa magulang niya ang kinalabasan ng exam niya.

Remember Me, Binibini?Where stories live. Discover now