06: Let's Be Friends.

33 9 0
                                    

Hazie's POV

Kasalukuyan kaming umiinom ng milktea habang nakaupo sa isang bench. Mukhang napagod sila kalalakad sa department store kaya dito nila naisipang magpahinga.

"Bwisit talaga yung Gil na 'yun, sinabi niyang hindi niya ako sinusulatan e nakakatanggap nga ako ng sulat sa kaniya," reklamo ni Coco kaya naman nag-iwas ako ng tingin, nagkukunwaring walang pakialam sa usapan nila.

"Pero kung hindi iyon galing kay Gil... kung ganu'n ay sino ang sumusulat sa'yo? Hindi kaya secret admirer mo?" sambit naman ni Venice. Napaubo agad ako sa iniinom kong milktea nang marinig ang usapan nilang dalawa. Dahil naman sa naging pag-ubo ko ay napatingin silang dalawa sa akin.

"Ayos ka lang?" tanong ni Venice na tinanguan ko at suminghap kasabay ng paglapag ko ng milkteang iniinom ko sa mesa.

Well, by the way, kung ganu'n ay hindi nagkatuluyan 'yung dalawang pinapana ko gamit ang letter? Effective naman kay Coco iyon pero iba naman sa lalaki, aish, siya pa naman ang tinulungan ko. But looks like hindi ako nakatulong, mukhang nakagulo pa ako.

At saka ano daw? Ako? Secret admirer? Hindi ba pwedeng pakelamerong kupido lang?

"Hoy, hindi pa pala namin alam ang pangalan mo," hayag ni Coco na tinanguan naman ni Venice.

"Nga pala, ako si Venice at siya si Collette. Siguro naman ay sasabihin mo na ang pangalan mo sa amin ngayon, hindi na kami basta bastang tao," salaysay ni Venice na ikinatango ko.

"Hazie, iyon ang pangalan ko," tugon ko na ikinatigil ng dalawa. "May problema ba?"

"Akala namin ay mahirap bigkasin ang pangalan mo kaya ayaw mong sabihin. Simpleng Hazie lang pala," usal ni Coco sa dismayadong boses na siya namang ikinasinghap ko.

"Anong simpleng Hazie? Special ang pangalan ko."

"Anong espesyal doon? Hazie, Hazo, Aso. O diba simple lang."

Aish, grabe. Matapos ko siyang bilhan ng dress niya, itago sa boyfriend ng sinabunutan niya, ihingi siya ng tawad sa nakagawan niya ng kasalanan, ay ginaganito niya ako. Tsk, mabuti nga't hindi sila nagkatuluyan ng crush niya, sino naman ang papatol sa tulad niyang napaka-weirdo.

"Nga pala Hazie, may gagawin ka ba bukas?" pag-iiba ng usapan ni Venice na inilingan ko.

"Wala, bakit?" tugon ko.

"Balak ko sanang mamasyal tayo sa beach at tumuloy roon ng dalawang gabi tutal ay sa miyerkules pa ang pasok namin dahil palapit na ang final exam namin. Pagkatapos nu'n ay maistress na kami ni Collette at wala na kaming oras para magpahinga, kaya samahan mo kami ha?" lintana ni Venice na agaran ko namang tinanguan.

"Sige, payag ako," sagot ko tutal ay wala pa naman akong gagawin sa mga susunod na araw, at para makapagpaghinga na rin ako, since 'yun naman ang kwenta kung ba't ako nasuspende.

"Hindi ako pwede. Kailangan ko ng simulan ang pagrereview ko. Sa mga katulad kong mahina ang utak ay kailangang advance na magreview," singit ni Coco na ikinangiwi ni Venice.

"Collette, minsan lang ito kaya sumama ka na. At saka hindi mo dapat pinipilit ang sarili mo dahil mas lalo ka lang walang maisasagot. Hayaan mong magpahinga ka muna tapos tutulungan kita sa pagrereview, okay?" pagpupumilit ni Venice. Hindi ko alam kung bad influence ba siya dahil pinapatigil niya itong mag-focus sa pag-rereview o good influence since mukhang inaalagaan niya lang ang mental health ng kaibigan niya.

Nagdadalawang isip si Coco pero dahil kinulit siya ng kinulit ni Venice ay napapayag niya rin ito. Nagkakatuwaan kaming tatlo hanggang sa mahinto kami dahil may couple na umupo sa isang bench na hindi kalayuan sa amin. Agad na bumagsak ang masiglang awra na nakapalibot sa amin dahil sa pagsimangot at pagbagsak ng balikat ni Coco habang nakatingin doon.

Remember Me, Binibini?Kde žijí příběhy. Začni objevovat