CHAPTER 2

587 15 1
                                    


Tinanggal  ko ang bedsheet, kurtina at yung semi-circle na carpet na pinangpapatungan ng kama ko.

Inihanda ang pintura at sinimulang kulayan ang kisame ng kwarto, well buti nalang at may mga hagdan dito sa bahay na magagalit lalo’t mataas itong kisame. Di naman siguro magagalit si mama kung aayusin ko tong kwarto ko.

ilang oras naring akong nagpipinta nang maisipan kong bumama sa kusina at mag merienda muna.

“ay tuko ka!” gulat kong sambit nang makasalubong ko tong lalaking nakamaroon kanina na ngayun ay naka putting long sleeve na

“san ka?” agad kong tanong nang marealize ko na malapit sya sa pinto ng kwarto ko

Tinignan nya lang ako sa saka sunod na tinignan ang isang pintong nakasara na kaharap ng kwarto ko.

“ahhh, dyan kwarto mo?” bakit naman yun ang pinagamit ni Nay Litita sa kanya.

Pano kung naka open ang pinto ng room ko at naka open in yung kanya, edi kitang kita nya ako doon.

Di ko nalang sya pinansin at naglakad na ako pababa sa hagdan,
naramdaman ko namang sumusunod sya sa akin.

“anong ginagawa mo taas?” tanong ni Maroon, este Hace sa akin.

“ahhmmm…”* inom ng tubig

“painting” maikli kong sagot

Tumango tango lang sya na para bang hindi sya naniniwala.

“ikaw mag kwento ako maniniwala sayo” ireta kong sambit

Umalis nalang sya na wala manlang sinabi na kahit ano

Kumuha lang ako ng isang slice ng pizza at dinala kasama ang isang basong tubig sa sala para doon kumain habang nanunuod.

Naabutan ko namang titig na titig si Hace sa T.V na ipinagtaka ko naman kung anong pinapanuod nya.

Mabilis akong umupo sa kabilang side ng mahabang sofa at nasa kabila naman ang si Hace.

Halos mabulunan ako nang napagtanto ko kung anong pinapanuod nya.

“hahaha…hahahha… hahahha” napahawak pa ako sa tyan ko habang tumatawa

“seriously?  Hahahahahah” tuloy tuloy parin ang tawa ko at napansin ko naman ang titig na titig tong lalaki sa akin

“ahem” *umupo ako nang maayos at itinuon ang sarili sa pagkain at pagnuod ng MAX AND RUBY
Gosh, nag iinit na ang mukha ko habang pinipigilan ang tawa.

“anong problema mo?” walang emosyon nyang tanong sa akin.

“ha?? Ako?” maang maangan kong tano

“oo, may iba pa bang tao dito maliban sa atin?” nakakunot nyang tanong
Hahaha, alam ko na

“ahhh… *nagkunwari akong natatakot* ahmmm, yun oh” sabay turo ko ng nguso ko sa likod nya.

Nanlaki ang mga mata nya at dahan dahan lumingon sa likod nya

“ahhhh” isang malakas na tili ang pinakawalan ko at sya namang pagtalon nya mula sa pagkakaupo

“nakakatuwa yang mukha mo, ang aga aga natatakot ka hahaha”
Saka ako umalis sa pagkakaupo ko at pumunta sa kwarto para ipagpatuloy ang pagpipinta, ilang sandal nalang at mangangalahati na ako, siguradong bago dumilim ay tapos na to’

“HOY, anong ginagawa mo dito” tanong k okay Hace na mabilis na pumasok sa kwarto ko at nakatinga habang kinikilatis ang galaxy na nasa kisame ko.

PALAWEÑA SERIES NO.1: Marie Allera Zy LazaroWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu