chapter 3: training

Start from the beginning
                                    

“eh teka, kanina ninyo pang binabanggit yang mission na yan. Ano bang mission yan?”

“hahanapin lang naman natin ang dalawang legendary”  sagot naman ni Micla

Ah okay. Pero…

“sino sinong kasama?”

“ako, si Blair, si Micla, ikaw, si Arthur, Daren, at si ate Emryde” paliwanag ni Amber

“bakit kelangan pati sila kasama? Pati ako, bakit ako kasama?” okay, ako na matanong

“kasama si ate Emryde dahil in case na may masugatan o magkasakit, at least may healing element tayo. Si Daren naman at Arthur bilang bantay natin. At least sila pro na sa pag gamit ng element nila. At ikaw, ikaw ang susi namin sa paghahanap sa dalawang taong iyon.”

What. The. Heck. Pati ba naman ako idamay pa? huhuhu kawawa si Roshan! T_T

***

“okay, let’s start” announce ni kuya Arthur. Totoo? Teacher na ba sya ngayon? Siya kasi ang na assign na magtrain sa amin kasi sa susunod na bukas din ay sisimulan na namin ang search for the legendary element holders.

“okay! Since apat kayong dapat na itrain, ganito hah. Apat din kami ditong willing kayong itrain. So it means one on one tayo ngayon.”

Tama ang ratio, 1:1, dahil ang trainee ay ako, si Amber, si Micla at si Blair. Ang trainer naman ay sina ate Emryde, kuya Arthur, kuya Daren at ang hinila lang ni kuya Arthur na si kuya Alex.

“so ganito ang gagawin natin, since hindi ko kayang mag train ng legendary, si bunso ang itetrain ko.” Seryoso nyang sabi. Okay lang yon sa akin kasi kuya ko naman sya eh, pero mas gusto ko sanang si idol ang mag train sa akin, which s si ate Emryde.

“ andaya mo naman Arthur! Bakit ikaw lang? ayoko din magtrain ng legendary no! baka mamaya malamon pa ako ng apoy, o kaya tangayin ako ng ipo ipo, o kaya naman malamon ako ng lupa! Dapat kayong tatlong lalaki ang magtetrain sa legendary!” reklamo ni ate Emryde. May point naman sya.

“relax ate Emryde! Pro ka na pagdating jan. sa ating apat, ako ang may pinakamababang performance kaya hayaan mo na ako. Hehe” talagang itong kuya ko! Kahit kelan talaga pilyo eh!

“para walang problema, kaming tatlo ang magtetrain sa tatlong to. Tapos ikaw na lang magisa ang in charge sa non-legendary element holder”

Nagkasundo na sila. May binulong naman sa akin si kuya Arthur “ Roshan, dun tayo sa garden magtrain. Ayoko dito baka mamaya sumabog tong training room.” Tumawa na lang ako at nagtungo na kami sa garden

“kuya, sabihin mo nga, pano mo ako tuturuang macontrol ang element ko?” ano bang alam nya pagdating sa ganitong bagay? Eh sa pagkakaalam ko eh walang ibang gnawa to kundi kalokohan sa level nila eh.

“hoy! Ikaw na bata ka! Wala ka bang tiwala sa akin?” nanlaki ba naman ang mata?

EA II: Battle Between Two KingdomsWhere stories live. Discover now