Kabanata 10

5 0 0
                                    


MABILIS kong naramdaman ang biglaang pagtayo ni Gabriel mula sa pagkakapatong sa'kin. Hindi naman ako ngayon makagalaw at para ba akong nasamento dahil sa aksidenteng pagdikit ng mga labi namin ni Gabriel.

Pansin ko rin ngayon ang nag-iinit kong mukha na sigurado akong namumula na rin ngayon. Mabuti nalang at madilim ang paligid dahilan para hindi niya makita ang reaksyon ko. 

"S-sorry" mahina na saad nito. Hindi ko man makita ang hitsura niya ngayon, alam kong naiilang na rin siya.

Hindi ako sumagot sa kaniya. Bukod kasi sa nabibigla ako ngayon at naiilang, sumasakit rin ngayon ang likod ko. Sensitive pa din naman ang likod kong 'to.

Saglit na naghari ang katahimikan sa madilim na paligid habang nananatili pa rin akong nakahiga. Sinubukan kong tumayo pero napapa-aray nalang ako dahil sa sakit. 

Huhu, mukhang napilayan yata ako.

"O-okay ka lang?" mahinang tanong ni Gabriel. Naramdaman ko rin ang paggalaw niya na para bang kinakapa niya ako at hinahanap.

"M-may masakit ba sa'yo? H-hindi ka ba makatayo? Na'san ka? T-tutulungan kita" sunod sunod na usal niya, may halong pag-aalala rin ang tono nito.

"Y-yung likod ko...medyo...m-medyo masakit..." nauutal na tugon ko sa kaniya. Napapadaing na rin ako ngayon dahil ramdam kong mas kumikirot ngayon ang likuran ko.

Mukhang napilayan nga ako.

"Wait, tutulungan kita. Nasan ka ba?"  nag-aalalang saad ni Gabriel.

"S-sa bandang paanan mo lang" mahinang usal ko. Muli ko na namang naramdaman ang paggalaw ni Gabriel, naririnig ko rin ang mahinang pagkaluskos ng tsinelas nito.

Ilang sandali pa ay biglang nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat nang maramdaman ko ang kamay nito sa bandang tuhod ko. Kumakapa ang mga kamay niya habang pataas ito ng pataas papunta sa hita ko.

"TEKA LANG!" mabilis na naalis ang kamay ni Gabriel mula sa pagkakapa sa hita ko nang bigla akong napasigaw ng malakas. Gosh!

Naku naman! Bakit ba pa-awkward ng pa-awkward 'tong sitwasyon namin?

"B-bakit?" inosente na may halong pagtatakang tanong ni Gabriel. Siguro ay nagulat siya sa biglaang pagsigaw ko.

"K-kasi...h-hita ko na 'yung...'yung kinakapa mo eh...." naiilang na sagot ko. 

Alam ko namang hindi siya manyakis pero na-kiss na niya ako eh. Ayokong maging super duper awkward na kami after nito.

Hindi ko naman narinig na sumagot si Gabriel. Siguro ay mas lalo siyang nailang ngayon. 

"Pero okay lang, hindi mo naman sinasadya eh at tsaka...at tsaka madilim naman kaya okay lang hehe" dagdag na saad ko pa para sana pagaanin ang sitwasyon pero napapikit nalang ako dahil sa inis at hiya nang mapagtanto ko ang mga salitang binitawan ko ngayon.

"H-ha?" mahinang usal ni Gabriel. Gosh! "O-okay lang sa'yo makapa 'yung hita mo...kasi... kasi madilim ang paligid?" dagdag pa nito habang nag-aalangan ang tono.

Eto na nga ba 'yung sinasabi ko eh, na-misunderstood niya 'yung sinabi ko! Nagmumukha tuloy akong haliparot nayon.

"Hindi noh! Ibig kong sabihin, hindi mo naman sinadya at madilim kasi ang paligid kaya...yun...nakapkapan mo 'yung hita ko" paglilinaw ko. Ewan ko ba pero mas nagmumukha tuloy akong loka loka ngayon. Ang pangit pa naman din ng salitang nakapkapan.

"Itaas mo nalang..."

"Hala! Anong itataas ko?" hindi na natuloy ni Gabriel ang sasabihin nito nang bigla ko siyang sapawan.

Angel's PrayerWhere stories live. Discover now