ᴋᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 8

8 0 0
                                    


NAHIHIYA akong nakayuko ngayon habang tinitiis ang hapdi sa tuhod ko. Kasalukuyan ako ngayong nakaluhod sa asin habang nakaluhod naman sa monggo si Gabriel na nasa tabi ko lang. 

Pinaparusahan kami ngayon ni Fr. Suarez dahil sa nangyari noong sabado ng gabi. 

Hindi naman niya kami pinagalitan noong gabing 'yun pati kahapon dahil abala ito sa misa kaya ngayong lunes na kami nabigwasan. Napagalitan niya rin si Gabriel dahil sa paglalasing nito samantalang napagsabihan niya naman ako dahil sa ginawa kong pagsisinungaling. 

"Itaas niyo ng kaunti ang mga kamay niyo para hindi mahulog ang mga libro" saad ni Fr. Suarez sa amin, nakaupo ito sa harapan namin at nagbabantay. 

Bukod kasi sa pagluhod sa asin ay may mga libro ring nakapatong sa mga kamay namin. 

"Pero nakakangawit na Father. Ang sakit sakit na rin ng tuhod ko" pagreklamo ni Gabriel. Napatingin naman ako sa kaniya ng matalim. Siya rin kasi ang dahilan kung bakit kami pinaparusahan ngayon. 

"Pwede bang tumahimik ka na lang Gabriel? Baka dagdagan na naman ang parusa natin dahil sa pagrereklamo mo" naiinis na sabi ko kay Gabriel. 

Dapat kasi pagluhod lang sa asin at monggo ang punishment namin kanina pero nagreklamo si Gabriel kaya binigyan kami ni Fr. Suarez ng dagdag na parusa, ang pagpatong ng mga libro sa kamay namin.

"Linda, kumuha ka pa ng mga libro sa kwarto ko at dalhin dito para ipatong sa ulo nila" utos ni Fr. Suarez kay Aling Linda na nasa tabi niya lang din. 

Nagdadalawang isip naman si Aling Linda kung susundin niya si Father, halata kasing naawa ito sa amin.

"Ano?! Bakit pati ulo namin lalagyan ng---"

"Sige na Aling Linda, sundin niyo po ang utos ni Father para talagang magtanda kami" hindi na natapos sa pagsasalita si Gabriel nang bigla ko siyang sapawan. Nagsisimula na naman kasi siyang magreklamo. 

Wala namang nagawa si Aling Linda kundi sundin ang utos ni Fr. Suarez.  Tumalikod ito sa amin at tsaka naglakad papunta sa silid ni father.

"Kapag may narinig pa akong reklamo at hanggat hindi ko pa nakikita na nagtanda na kayo, patuloy kayong luluhod sa asin at monggo"  seryosong saad ni Fr. Suarez. Saglit pa nitong tinitigan si Gabriel.

Napayuko naman ako dahil sa kahihiyan samantalang narinig kong napabuntong hininga si Gabriel at halatang naiinis. Bumubulong din ito ng mahina para magreklamo.

"Angel, sabihin mo sa'kin kung ano talaga ang nangyari. Bakit nasa kwarto mo si Gabriel at si Aljur noong sabado? Hindi ba't pinaalam ko na sa'yo na hindi pwedeng may ibang lalaki ang pumapasok sa silid mo? Isa pa, bakit nagsinungaling ka?" wika ni Fr. Suarez. 

Mabilis naman akong humarap sa kaniya.

"Opo, kasi ang totoo po, natatakot ako na baka makita niyo si Gabriel na lasing na lasing tapos mapagalitan niyo 'ko. Natatakot po ako na baka ma-disappoint ko kayo kaya napagdesisyunan ko po na patulugin nalang si Gabriel sa kwarto niya para mahimasmasan siya sa kalasingan. Kaya lang po, naiwan ni Gabriel ang susi ng kwarto niya kina Lolo Patricio kaya sa kwarto ko nalang po siya tinago" paliwanag ko.

"At bakit ka naman naglasing Gabriel? Wala ka ring suot na pantaas na damit noong lumabas ka sa kwarto ni Angel, anong paliwanag mo?" tanong ni Fr. Suarez kay Gabriel. 

Kunot nuo namang tumingin ito kay father at saka muling napabuntong hininga.

"Naingganyo kasi ako ni Lolo Patricio. Hindi ko naman ginustong malasing, nagkatuwaan lang kami" tugon ni Gabriel habang nakalihis ang tingin. 

Angel's PrayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon