ᴋᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 4

15 0 0
                                    


NAGTATAKANG nakatingin ngayon si Gabriel sa akin. Nakatayo pa rin siya sa pintuan habang hawak -hawak ang unan niya. Iretable pa rin ang mga mukha niya ngayon at hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Ano!" seryoso at madiing sabi niya. Napatayo naman ako ng tuwid mula sa pagkakayuko. Hindi ko alam kung hihingi ba ako sa kaniya ng pasensya o kung pabayaan ko nalang siya at hintayin  siyang umalis ng kusa?

"K-kailan ka pa d-dumating dito?" nauutal kong tanong. Hindi naman ako natatakot sa kaniya, medyo kinakabahan lang. Madalas din kasing pasigaw ang pagsasalita niya. Nagtataka rin ako kung bakit dito siya natulog. Akala ko kasi ay hindi pa siya dumating.

Nakatitig pa rin siya sakin na parang naiinis siya sa buong pagkatao ko. Nilibot niya ang paningin niya sa paligid ng kwarto ko at nahinto lang ito nang makita niya ang laman ng cabinet na hindi ko maisara ngayon dahil sa kapunuan. Kunot nuo din niyang tinignan ang kama ko.

"Diyan! Diyan mo ilagay ang ibang damit mo at kung pwede ay iwasan mong mag-ingay!" naiinis na sabi niya sabay turo sa ilalim ng kama ko. Napakunot din ang nuo ko sa sinabi niya. Una sa lahat, siya itong sumisigaw pero ako 'tong sinasabihan niya na huwag mag-ingay, pangalawa, bakit ko naman ilalagay ang damit ko sa ilalim ng kama?

"Pasensya na hindi ko kasi napansin yu---"

"I don't care! Basta tumahimik ka lang at patulugin mo 'ko!" pabulyaw pa din na sabi niya at saka walang pag-aalinlangang lumabas sa kwarto ko.

Pambihira, sadyang pambihira ang lalaking 'yun. Sobrang malala 'yung problema niya sa mundo. Hindi man lang niya sinagot ang tanong ko o patapusin 'yung sinasabi ko.

Muli akong umupo sa sahig para linisin ang mga bubog at mga malalaking piraso ng nabasag na vase. Dahan dahan ko itong dinadampot para hindi ako masugatan, nang kunin ko na ang huling basag na piraso ng vase ay napansin ko ang isang parang kahon sa ilalim ng kama ko. 

Mabilis akong tumayo at saka tinapon ang mga bubog sa basurahan at muling bumalik sa kwarto. Muli din akong umupo sa sahig at inilabas ang kahon sa ilalim ng kama ko. Nang mailabas ko na ito ay nanlaki ang mata ko. 

Hindi ito basta ordinaryong kahon, isa itong baul na lalagyan ng mga gamit. Nakakita na ako ng ganito sa mga historical films pero mas maganda pala tignan sa personal ang baul lalo na kung may kalumaan na ito. Para kang nakakita ng isang treasure sa tabi ng dagat.

Hinipan ko ang takip ng baul dahilan para magsiliparan ang kaunting mga alikabok. Napatango ako sa sarili nang mapagtanto ko na ito pala 'yung tinutukoy ni Gabriel 'nong tinuro niya ang ilalim ng kama ko. May point din naman kasi siya, pwede ko ilagay ang ilang damit ko. Wala ding laman ang baul at malinis naman ang loob nito.

Napaisip din ako kung bakit hindi ako sinabihan ni Fr. Suarez kanina na may baul sa ilalim ng kama ko, siguro ay nakalimutan niya lang.

Ilang saglit pa ay sinimulan ko ulit ayusin ang mga damit ko. Nilagay ko sa maliit na cabinet ang mga pang-araw araw na susuotin ko at inilagay ko naman sa baul ang mga damit ko na sinusuot ko lang tuwing may espesyal na lakad ako. Mas maganda sana kung kayamanan ang ilagay ko sa loob ng baul kaya lang wala akong ganon.

Nang matapos na ako sa pag-aayos ng damit ay sandali pa akong nahiga sa kama. Maliit nga lang ito at pang-isang tao lang pero malambot naman ito at masarap higaan.

Naisip ko bigla si Gabriel. Siguro ay nasa kaniyang kwarto siya ngayon at natutulog. Siguradong mas malambot at mas malaki pa ang kama niya sa bahay nila. Naisip ko din ang ugali niya. Sigurado akong hindi ganon lumaki si Gabriel. Sabi ng mga magulang niya, nagbago ang anak nila noong nawala yung kuya ni Gabriel. Simula 'non ay nagbulakbol na siya at naging mailap. Hindi na din siya nagsisimba at madalas binabalewala ang turo ng simbahan. 

Angel's PrayerWhere stories live. Discover now