CHAPTER 22

12 0 0
                                    

April 28, 2019. Shinjuku, Tokyo, Japan.

Kinabukasan ay nagising na rin si Cathy. Nakita niyang mataas na ang sikat ng araw mula doon sa bintana niya. Pagtingin niya sa cellphone niya, nakita niya na 6:55 na ng umaga. Napabalikwas agad siya sa kama.

FUCK! sabi ni Cathy sa isip niya dahil sa inis. Late na ako! Puta! Nagbalik tulog pa kasi ako eh!

Nagising na kasi siya ng alas-kwatro kaninang madaling araw pero nagbalik tulog siya kasi nga maaga pa. Kaso, nagbackfire yung pagbalik tulog niya. Kaya nagising siya ng almost 7 instead of 6 AM.

At that moment, nakita niya na nagmessage na rin si Alex sa kanya. Naging guilty tuloy siya sa late niya.

Alex: Good morning, Babe. Nasa train na ako. Chat na lang ulit kita kapag nasa Washington na ako. :)

Cathy blushed. Alex calling her "Babe" still sends her shivers down her spine. But it's still in a good way.

Cathy: Shet. Nalate ako ng gising!!! Sooooorrryyyyyyyy!!!!!!! T_T

Not long after ay nakareceive si Cathy ng reply mula kay Alex. Isang tumatawang sticker ang sinend ng boyfriend niya. May kasunod naman yung sinend na sticker ni Alex at napangiti na lang din siya.

Alex: It's okay, Baby. Malapit ka lang naman eh. Meet na lang tayo sa Washington later. See you! :)

Agad naligo si Cathy doon sa banyo ng room niya. The ambiance of the hotel they stayed in sent her utmost nostalgia lalo na buwan lang ang pagitan ng last niyang stay dito.

Pagkatapos maligo ni Cathy ay nakapagbihis na rin siya ng damit niya. Nakaready na rin yung coat na isusuot niya. Kinuha agad ni Cathy yung blower na nasa tabi at pinatuyo na lang yung buhok niya. Mabuti na lang at bawas na yung buhok niya nang onti kaya mas mabilis na itong patuyuin kaysa dati.

After ng preparations niya, sinuot na niya yung beige coat niya at nagsuklay na ulit. Kinuha na rin niya yung bottled water na freebie sa hotel at inilagay sa backpack niyang maliit. Nacheck na niya yung vouchers, wallet niya, passport niya, susi ng room and cellphones. Ang pinaka-importante sa lahat ay yung pocket Wi-Fi para in case walang internet sa bus ay pwede pa siya makapag-internet.

"Okay!" sabi na lang ni Cathy at nagsuot na rin ng lipstick at lip balm para moist pa rin yung labi niya. "Kumpleto na gamit ko. Pwede na akong lumabas and ready na ako maglakwatsa! "

Dahil dito, umalis na si Cathy sa kanyang room at sinarado na yung pinto. Ginagamit na niya yung isang phone niya pang-chat kay Alex. Kaso bago pa siya makapagchat kay Alex, dumating na rin yung message ng boyfriend niya sa kanya.

Alex: Nandito na ako sa ground floor ng Shinjuku Washington. Antayin kita dito. :)

Oh my God. He really is here and I'm going to see him for real. Hindi na ito basta picture or video call lang. Makikita ko na siya in person! sabi ni Cathy sa sarili niya at napapangiti na lang siya.

Pababa na si Cathy ng hotel dahil nagmessage na kanina si Alex na nasa ground floor na ito ng Shinjuku Washington Hotel. Bumilis yung tibok ng puso ni Cathy habang sakay na siya ng elevator.

Magkikita na talaga kami ni Alex. sabi na lang ni Cathy at napangiti na lang din siya. Legit na ito!

On the other hand, nasa may tapat ng Family Mart ng Shinjuku Washington Hotel si Alex at nakatayo na lang. Suot ni Alex yung kulay brown niyang coat. Excited na siyang makita si Cathy after so many months.

Makikita ko na rin si Cathy! sabi na lang ni Alex sa sarili niya. Napapangiti na siya sa prospect nito.

Nung makababa na si Cathy sa ground floor, sinipat niya yung area hanggang sa may nakita siyang lalaking nakatayo. Hindi niya mawari kung si Alex talaga yung nakatayo o hindi.

To Infinity With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon