"Kaya pala pamilyar ka. Pero hindi kita maalala eh. Sino ka ba sa buhay ko?" Natawa kami pareho sa pabiro nyang tanong.

"Geniza Christine, kung naaalala mo pa ang multi-awarded talkative sa klase!" Inabot ko kamay ko at agad naman nyang tinanggap so nag-shake hands kami. Dito ako sa Makiling nag-aral ng elementary pero mula grade 6 hanggang nagtapos ako ng high school sa probinsya nila Marimar ako nag-aral.

"Holy vaccine, Geniza? Diba Ginger palayaw mo? Wow, kamusta ka na?" Hindi nya rin mapigilan ang ngiti. Loser sya dati pero dahil may PSP sya naging kinaibigan ko pa rin sya dati. Alam nyang friends with benefits lang kami pero wag kayong mag-alala, dahil nga dun mas naging close pa kami... "And please don't say multi-awarded talkative, you were an effective muse from first grade!"

"Charot! Pero heto, okay lang, walang pinagbago." Inabutan ko sya ng orange juice saka nag-cheers kami. Naalala ko dati, kahit may teacher na nag-didiscuss sa harapan at nasa front row ako sadya akong tumatalikod para makipag-usap sa kaniya tungkol sa PSP nya. Talkative talaga ako dati.

"Don't say walang pinagbago, ikaw ang mas nag-glow up. Seriously, nung elementary may bangs ka pa na one inch." Pareho ulit kaming natawa.

"Wag ka Jo, minintain ko yun hanggang nag-high school ako. Ikaw, kamusta ka na? Mukhang malayo na ang narating natin ah?"

"I'm a licensed nurse and a neurosurgeon. I work abroad, Canada actually. Ngayon lang ako naka-uwi sa probinsya after so many years. At single pa rin." Kiniwal-kiwal nya ang kilay kaya nakatawa ako at nasapok ko sya sa braso ng marahan. "Ikaw, how have you been all these years?"

"Uhm, ako?" Ramdam kong unti-unti akong hindi nagiging komportable. "Tungkol sa nangyari eight years ago? Okay naman —

"What do you mean eight years ago? Why? Ano'ng nangyari dati?" Kunot noo nyang tanong na agad nagpakaba sa akin. Wag mong sabihing...

"H-hindi mo alam?"

"I was in Canada all those years. After high school graduation Tita brought me there for college, kaya nga ngayon pa 'ko naka-uwi after approximately eleven years. I haven't heard much about you since nag-transfer ka nung grade six."

Napatakip ako sa aking bibig. Napansin kong kumunot ang noo nya sa reaksiyon ko kaya agad kong binaba ang kamay at sinubukang umakto ng maayos kahit pa sa mga nakita nya.. ba't kasi sinabi ko pa yun? Hindi ko na dapat sinabi yun!

Akala ko alam nya ang tungkol dun...

"Are you okay, Ginger?" Hindi ko sya sinagot. Uminom ako ng juice at nag-sign na ayos lang ako. Ayokong magsalita kasi baka pumiyok ako bigla. Gusto ko ng umalis sa harapan nya. Shit, kahit gumapang pa ako palayo gagawin ko! Ngunit nagmistulang bato ang mga binti ko, at feeling ko lulugmok ako sa sahig pag tinangka kong umalis dahil sa panginginig ng mga tuhod ko.

"No, I'm a nurse Ginger. I know what's happening here. You need to breath deeply at least three times and hold on to me, I'll bring you somewhere para kumalma. This environment is not good for your current state. You're shaking." Kalmado nyang paliwanag. Dahan-dahan naman akong tumango. Huminga ako ng malalim at hinawakan nya ang braso ko ng dahan-dahan.

Hinawakan din ni Jojo ang aking baywang upang alalayan akong maglakad sa malapit na bench. Hindi ako nakaramdamn ng kahit na anong discomfort sa hawak nya. Napaka-gentleman nya. Pero ang hindi nya alam ay sya mismo at ang mga nasabi ko sa kaniya ang dahilan bakit bigla akong nagkaganito bigla. Natatakot ako at nanghihina pag tungkol sa nangyari walong taon na ang nakalipas ang pinag-uusapan... baka magtanong sya.

Her Lockdown PossessionOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz