Hindi na bago ang nagtatravel kay Cathy. Marahil ay naipon na niya ang lakas ng loob para magtravel ng international. Ito ay dahil sa nagtatravel din sila ng mga kaibigan niya and from time to time, nagtatravel din sila ng pamilya niya. Pero yung itong literal na solo flight tapos Japan pa, ito ang isang experience na gusto niyang matutunan. Ganoon pa man, hindi rin stranger sa kanya ang Japan dahil nakapunta na siya nitong July 2018 bago umalis si Alex papunta din sa Japan.

Minsan gusto na lang niya pasalamatan yung guardian angel niya. Kapag nakarating siya sa Japan in one piece, magpapasalamat na lang ulit siya sa guardian angel niya.

Hindi nagtagal at nakarating na rin sila sa Ninoy Aquino International Airport. Natraffic lang sila sa may bandang Alabang at nag-Skyway na lang din sila kaya mabilis kahit paano yung biyahe nila. Ibababa na ni Tito Conrad si Cathy sa Terminal 2 ng NAIA. Dito kasi ang terminal ng Philippine Airlines.

"Dito na ako, Dad." sabi na lang ni Cathy at hinatid na si Cathy sa INTERNATIONAL DEPARTURES.

"Sige. Ingat ka doon." sabi na lang ni Tito Conrad kay Cathy. "Tawag ka or chat ka kapag nakarating ka na doon. Understandable naman kasi na gabi pa yung dating mo doon kaya chat will do."

"Okay, Dad." sabi na lang ni Cathy at ngumiti na lang. "I will."

Pagbaba ni Cathy ng sasakyan, binaba na rin niya ang kanyang mga maleta. Dalawang trolley at isang backpack ang mga dala niyang bag. Pero dahil bumili siya ng bagahe dahil may mga bitbit siya, wala na siyang problema sa overweight baggages. Niyakap ni Cathy ang dad niya.

"Bye, Dad." sabi na lang ni Cathy. "Babalitaan ko kayo kapag okay na po."

"Okay, Anak." sabi na lang ni Tito Conrad. "And don't forget to have fun."

"Noted po iyan, Dad." Cathy laughed at inilabas na ang plane ticket niya tsaka yung passport niya. Sakto na rin na may cart nang nakaabang sa labas kaya inilagay na rin niya muna yung passport at plane ticket sa maliit na lalagyan habang nilalagay na niya yung mga maleta niya sa cart. Medyo inaayos pa kasi yung mga gamit niya ngayon.

---

Pumasok na si Cathy sa airport at nagpunta na lang sa check-in ng baggage. Bayad na kasi niya yung International Travel Tax niya noong nagbook siya ng ticket last February. Kung tutuusin, over-documented nga siya ngayon dahil may bitbit pa siyang Certificate of Employment tsaka Company ID. Baka akalain kasi ng Immigration Officer na magtrabaho siya abroad. Pati nga mga bank certificates niya ay dinala pa rin niya kahit granted na yung visa niya last 2018 eh. Better be safe than sorry nga.

Tinext na lang niya yung dad niya dahil hindi pa siya oriented sa hitsura ng airport pag umaga. Last time kasi, mga alas-dos kasi sila nagikot-ikot para magcheck-in.

Cathy: Sa aga natin, may time pa ako maligaw. (insert sweatdrop emoji)

Tito Conrad: At least nndyn k na.

Cathy: Kaloka yung dami ng tao insane levels.

Nakapagpa-check in na siya sa counter ng PAL at binigyan na siya ng boarding pass. Pagkatapos nito ay binigyan naman siya ng papel na ififill out niya para sa Immigration. Pagtingin niya sa pila ng Immigration ay parang pila noong siya ay nage-enrol pa sa UPLB.

Tangina. Buti na lang at nasanay na ako sa University of Pila. Cathy joked inwardly while filling out the form. Nakakaloka yung dami ng tao. Combination ng OFW tsaka ng mga turista...

Nang matapos na siya magsulat ay pumila na si Cathy sa pila ng Immigration. Nakasukbit na yung backpack ni Cathy sa harapan dahil napapraning din siya sa mga ganap sa airport. Last time kasi na pumunta siya ng Japan ay parang shoulder bag lang ang dala niya noon. Naiihi na nga si Cathy pero kailangan niyang magpigil muna. Basta matapos lang sa Immigration ay pwede na siya mag-CR.

To Infinity With YouWhere stories live. Discover now