Chapter 6

12 0 0
                                    

Glow's Pov

"Horai, mag ingat ka at wag kang magpapasaway Kay Mang Bisyong" napahalakhak ang dalawang matanda sa habilin ko Kay Rezen. Papunta na kasi sila ngayon sa sakahan.

"Opo. Asawa ko" Naningkit na naman ang mga mata ko sa sinagot niya.

"Umalis ka na nga"

"Kiss ko" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Napakalandi niya.

"Umalis ka na nga!" Napahalakhak na lang siya matapos kumindat sakin. Niyaya na rin siya ni Mang Bisyong paalis.

"Halika Gloria. Tuturuan kitang magtahi"

"Talaga po Lola? Sige po" sumunod kami ni Lair Kay Lola. Ayun nga at ang pinagkaabalahan namin ay ang magtahi ng mga damit. Sabi PA ni Lola ay pwede namin iyong pagkakitaan kaya natuwa ako ng sobra. Pwede raw iyong e benta sa bayan.

Gaya kahapon ay panay PA cute samin ng mga kalalakihan. Ang mga kababaihan ay hindi na nadaan PA. Marahil ay alam na wala si Rezen.

Bandang hapon na ng dumating si Rezen. Malayo PA lang ay sinalubong na siya ng mga dalaga. Nakatanaw lang kami sa kanya sa terrace nila Lola Grasya.

"Alam mo Gloria iha. Nagtaka lang ako. Kayo ba ng asawa mo ay hindi nagtanan? Ako lang ay nagtaka kasi masyado PA kayong mga bata" natigilan ako sa tanong ni Lola.

" hindi naman ho. Legal po kami. Mas pinili lang po naming lumayo upang mapatunayan namin sa mga magulang ni Rezen na kaya na namin." Pag iimbento ko. Mabuti naring magsinungaling upang wala ng tanong PA si Lola. "At dahil ulila na po ako ay isinama na namin itong kapatid ko" napatango si Lola.

"Tingnan mo Gloria. Pinagkakaguluhan ng mga kababaihan dito ang iyong asawa. Napakagwapo naman kasi ng batang iyon at halatang masipag PA. Napaka swerte mo sa kanya iha. At masasabi ko rin naman na siya rin ay napaka swerte rin sayo dahil napakaganda at napakabait mo ring bata sa tingin ko" napangiti ako sa sinabi ni Lola.

Napa thumbs up naman si Lair Kay Lola.

"Lola. Aalis na po kami. Tara bunso. Ipagluto muna natin ng hapunan si Horai" tumayo naman si Lair at nagpaalam Kay Lola gamit ang mga senyas niya.

Napatingin ako Kay Rezen bago ako tuluyang makapasok sa bahay. Ang loko ay halatang nag enjoy sa mga kababaihan.

"Lair bunso. Magsasaing lang muna ako" tumango lang si Lair. Magsasaing na sana ngunit nagulat ako ng makitang ubos na ang kahoy na hiningi namin kina Lola Grasya kahapon.
  Napapikit ako sa inis. Bakit ba kasi ang tagal ni Horizon? Alam naman nun na wala ng kahoy!

"Lair" nag angat ng tingin sakin si Lair "pupuntahan ko sana si Horizon. Kukunin ko ang kahoy na dala niya. Ayos lang ba sayo na dito ka muna.  E lock mo lang ang pinto. Wag mong buksan kung hindi mo kilala ang Tao. Babalik rin ako agad" napangiti at napatango si Lair. Lumabas na ko sa bahay at Naiinis na pumunta ako sa kinaroroonan ni Horizon. Busy ito sa kakangiti sa mga babae. Nakakainis. Hindi ba siya napagod at may oras PA talaga siya sa pambababae.

"Horizon!"
Napatigil siya sa paghalakhak sa harap ng mga babae. Napaamang ang bibig niya habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sakin. Pinaningkitan ko siya ng mata.

Ang reaksiyon niya ay biglang napalitan ng ngiti.

"Asawa ko!" Lumapit siya sakin at nagulat ako sa sumunod niyang ginawa. Ang Bwisit na to ninakawan ako ng halik sa pisngi!

"Sige girls. Alis na ko ah. Nandito na kasi si Misis e" ngumingising aniya. Napatawa naman ang mga babae na parang kinikilig. Pinatong ni Rezen ang mga patay na kahoy sa balikat niya.

"Tara na misis" Nagsimula na siyang humakbang paalis.

"Bye Horai"

"Bye kuya Horai. Ingat ka po hihihihi"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 03, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Perilous Beauty Where stories live. Discover now