Chapter 1

22 15 2
                                    


Si Lair po yang nasa picture. For imaginary purposes lang.

Warning! This story contains mature scenes that is not suitable for young readers. Read at your own risk.

anemo3631

Glow's Pov

Napahinto ako sa paglalaba ng kalabitin ako ni Lair.

" mm? Ano yun bunso?" Bumuka buka ang bibig niya ngunit wala paring boses na lumalabas sa bibig niya. Dalawang taon na ang lumipas ngunit hindi parin nakakapagsalita si Lair. Hindi ko na rin naman siya nadala pa ulit sa psychiatrist para maipagamot kasi kulang kami sa pera. Dalawang taon na simula nong nangyari. Tuluyan na ngang nawala ang kaso na siyang ikinasama ng loob ko. Hanggang ngayon ay nandito parin ang sakit at galit sa puso ko. Hinding Hindi ko yun malilimutan.
Sa dalawang taon na ring yun ay nagkoroon na rin ng pagbabago kay Lair na ikinatuwa ko. Hindi na siya madalas na tulala at paminsan minsan na lang siya binabangungot sa gabi.

Naghugas ako ng kamay at tumayo ako. Naiiyak ang mukha ni Lair na ikinabahala ko.
" bakit? Ano yun bunso? Anong problema?" Kinuha niya ang cellphone niya saka siya nagtipa dito. Sa loob ng dalawang taon ay ito na ang ginagamit niya para magkaintindihan kami.

Binasa ko ang nakasulat

' ate. May dugo sa pwet ko'

Tumalikod ka at nakita ko nga na may tagos siya.

Nginitian ko siya saka ko ginulo ang buhok niya.

" regla yan bunso. Normal lang yan sa mga babae" hinila ko siya papasok sa loob ng bahay.

" eto." Inabot ko sa kanya ang isang pad ng napkin. " eto ang gagamitin mo bunso para Hindi ka matagusan. Search mo yan mamaya sa YouTube " sabi ko. Inabot niya naman ang napkin at tinuruan ko siya kung pano gamitin eto. Hindi naman siya nahirapan. Sa katunayan madaling turuan ang kapatid ko sa mga bagay bagay dahil likas naman talaga siyang matalino.

Inosente pa rin sa ibang mga bagay ang kapatid ko gaya na lamang ng nangyari sa kanya ngayon. Hindi ko naman siya masisisi na wala siyang alam sa ibang bagay dahil simula ng nangyari ay wala na siyang nakahalubilong iba pa tsaka kung saan siya pupunta ay nandun ako. Samakatuwid, limitado lang mga kilos niya.

" tatapusin ko lang ang ginagawa ko ah. " ngumiti si Lair at tumango. Mabuti na lang at natuto na siyang ngumiti muli. Etong pagsasalita niya na lang talaga ang problema.
Nga pala lumipat na rin kami ni Lair sa ibang lugar ngunit nasa Cebu pa rin naman kami.
Pagbukas ko ng pinto ay napasinghap ako. Bumisita na naman ang mga manliligaw namin ni Lair. Karamihan ay Kay Lair. Binilang ko sila gamit ang mga mata ko. Sampu. Sampu pa lang ang nandito. Mga hindi ko nga kilala ang mga to.

" sino kayo? Anong sadya niyo?" Nakataas ang kilay ko sa kanilang lahat. Nakakabwisit sila. Ilang beses ko ng sinabi na hindi kami nagpapaligaw e.

" ah manliligaw po kami "

" hi Glow. Flowers for you" Inabot sakin nong isang lalaking naka suit ang bouquet ng red roses. Napasinghap sila ng inihampas ko ng paulit ulit ang ang bouquet sa hamba ng pintuan hanggang sa nasira ito at naglaglagan ang petal ng bulaklak.

" sino pang susunod? Para sa kaalaman niyo. Ang susunod na lalapit dito ang siyang ihahampas ko na at Hindi na ang bulaklak. Kaya sino ang susunod?! "

Nakita ko na nag atrasan silang lahat.

" sige. Dito lang kayo. Kukuha ako ng itak sa loob ng magkaalam na kung sino ang totoong matapang." Nagkunwari akong pumasok sa loob. Pagbalik ko ay wala na niisa sa kanila. Malamang natakot kaya nagsitakbo. Walang bago.

"Tao po!" Tumayo na naman ako at huminto sa paglalaba. Pambihira sino na naman to?

" sandaliiiiiiiiiiiiiii"

Perilous Beauty Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang