Chapter 3

13 7 0
                                    

Authors Note: Enjoy Reading😊 Keep reading and voting. Thank you.

Glow's Pov

"Nakita mo ba ang itsura niya?" Bulong ko Kay Lair habang nakatingin ng masama SA dalawang lalaki. Pinaningkitan naman ako nong asul ang buhok.

Tumango si Lair at bahagyang pinisil ang mga kamay ko. Gusto ko sanang ipa describe kay Lair ang itsura kaso ayaw ko ng magtagal  pa doon dahil nabwibwisit ako SA dalawang lalaki. Kahit niligtas nila kami at hindi nila sinaktan si Lair ay lalaki parin sila kaya hindi sila dapat pagkatiwalaan.

" Tara na bunso. Aalis na tayo" hinila ko patayo si Lair SA kamay at hinayaan niya lang akong hilain siya. Napatingin ako ng masama ulit SA dalawa ng harangan nila kami.

" and where do you think you're going? " tanong nong naka full mask

" aalis. Lalayo sa inyo. Ano pa bang SA tingin niyo?" Dadaan na sana kami SA pagitan ng dalawa ng harangan nila ang espasyo.

" you're not going " sabi nong asul ang buhok

" at bakit naman? Sino kayo para pigilan kami? Hindi porket iniligtas niyo kami ay pangungunahan niyo na kami SA mga desisyon namin kaya ALIS!" Babanggain ko na sana ang braso nong dalawa ng bigla akong hinila ng nakafull mask at napaamang ang bibig ko ng isinandal niya ko sa dingding. Nabitawan ko tuloy ang kapatid ko.

" a-ano ba!" Itutulak ko sana siya ng salagin niya ang dalawang kamay ko.
Nag iwas ako ng tingin. Nakakatakot ang demonyong mask ng gagong to.

" are you afraid of me?" Kinalibutan ako SA lalim ng boses niya.

" natatakot ako SA maskara mo!" Nagulat ako ng bitawan niya ang isang kamay ko saka niya hinubad ng mabilis ang mask niya. Napaamang ang bibig ko ng madapo ang tingin ko sa mukha niya

Hindi. Wag kang magpa apekto Glow. Pumikit ako. Ayaw Kong matukso sa itsura niya.

" Now. Still afraid?"

"B-bitawan mo ko" halos pabulong ba sabi ko. Ngayon lang ako nanghina dahil sa isang lalaki at masama to. Napahinga ako ng maluwag ng pakawalan niya ko. Ng maramdaman Kong lumayo siya sakin ng bahagya ay napamulat na ko.

Kailangan Kong maging matapang. Kailangan.

" aalis na kami." Sabi ko ng Di man lang tinitingnan ang lalaki.

" Fine. Pero hayaan niyong ihatid kayo ni Horizon"baling niya SA lalaking asul ang buhok

" wait boss. Wala na silang matitirhan remember? " sabat nong asul ang buhok.

" Find them an apartment. Make sure it's comfortable for my Lair" nainis ako bigla ng nginitian niya si Lair. Ngumiti naman si Lair na mas lalong ikinagigil ko. Ngayon lang may nginitian na lalaki si Lair kaya nakakapagtakang isipin.

" hindi namin kailangan ng tulong mo. Sapat na yung niligtas niyo kami at pinatungtong sa tahanan mo. Kaya salamat na lang. Ayaw Kong magka utang sayo" baka gipitin PA kami nito.

" Pride mo talaga miss no ang taas taas. Mas mataas pa SA height mo" Naningkit ang mata ko sa lalaking may asul na buhok. Napaiwas naman agad siya ng tingin at kunwaring kinakausap ang kamay.

" Hindi ikaw ang inaalala ko kundi si Lair. Kung ayaw mong tumira sa apartment na bibilhin ko para Kay Lair edi wag. Dun ka tumira sa lansangan" sabi nong boss. pinandilatan ko siya ng mata. Gago!

Napatingin ako Kay Lair ng hawakan niya ang kamay ko. Yung mga mata niya ay nangungusap. Parang gustong iparating sakin na tanggapin ko na lang ang offer ng dalawa.

" Glory isipin mo muna si Lair bago ang pride mo" napatingin ako sa lalaking may asul ang buhok. "If you won't accept the offer San na lang kayo pupulutin? Sa lansangan possibly. Ano? Hahayaan mong mamuhay ang kapatid mo sa kalye?" May punto siya pero ayoko parin. Buo ang desisyon ko at AYOKO. Kaya kong bigyan ng komportableng buhay ang kapatid ko ng walang tulong kahit kanino.

Perilous Beauty Where stories live. Discover now