Chapter 40: Preparation

Start from the beginning
                                    

"Saan kayo galing?" tanong ni JD.

"Ah, tumulong mag-ayos. Kayo ba't wala kayo dun?"

"May mag-aayos naman nun. Inuuto lang kayo ng mga prof para sa dagdag na grade." sagot ni JD.

"Axel." pagtawag bigla ni Tyrone ng atensyon ni Axel. "Any news about Vera?"

"No. Hanggang ngayon wala pa din sya." sagot ni Axel.

"Damn." mahinang usal ni Tyrone. Agad naman syang tinapik ni JD sa balikat.

"Mabuti pa dude ikain muna natin 'to." wika ni Axel sabay akbay kay Tyrone.

"Mabuti pa nga. Nagugutom na din ako. Nakakapagod din tumulong." -Axel

"Ako din." -Warren

Naglakad na sila papalabas ng school dahil sa walang klase, sarado ang cafeteria kaya sa labas sila ng school kakain.

"Dude dude." biglang saad ni Axel sabay kalabit kay Tyrone. Iritado naman syang nilingon nito.

"What?"

"Si Vera yun diba!" saad ni Axel sabay turo sa may di kalayuan. Lumingon naman sya at tama nga. Si Vera nga. Hindi lang sya dahil kasama nya si Sena.

"Uy!!" sigaw ni Axel sabay lapit sa kanila. Sumunod na din yung tatlo. Napalingon naman sa kanila si Vera at nakita nyang papalapit na yung apat sa kanya.

"Where have you been?" pambungad agad ni Tyrone.

"Bakit hindi ka pumasok ng dalawang araw? Anong nangyari sa'yo?" tanong ni Warren.

"At ano yang nasa kamay mo? Bakit may gloves yang isang kamay mo?" tanong ni Axel.

"Nagpunta kami sa bahay niyo at sabi nila wala ka dun at hindi nila alam kung saan ka nagpunta." tanong naman ni JD.

Sunod sunod nilang tinanong si Vera. Ni hindi man lang nila ito binigyan ng chance makapagsalita.

"Woah easy." sagot ni Vera sa kanila.

Walang sinayang na sandali si Tyrone at agad na hinila si Vera at kinaladkad paalis.

Agad namang sumunod yung tatlo. Napairap na lang sa kawalan si Sena at walang nagawa kundi sumunod.

***

Vera's POV

"Where have you been?" Tyrone asked me while his arms crossed.

"Alam mo ba kung gaano paranoid yang si Tyrone nung wala ka?" JD told me.

"Saan ka ba kasi nagpunta? O baka naman nagkasakit ka?" Axel asked.

We're here inside a cafe. Dito ako pinunta ni Tyrone matapos nya akong kaladkarin kanina.

Sumunod din sila sa amin kaya nandito din sila.

Magkakaharap kami at mukhang I need to prepare for an interrogation.

I sigh, "Okay sorry if I didn't tell you about it. I was so rush because I need to do some important matter and I didn't have the time to tell you."

"Okay. But I hope this won't happen again." Tyrone added.

"Yeah, okay."

----

After those interrogation, we took some breakfast because we're both hungry as hell.

"Vera. Bakit may gloves yang isa mong kamay?" tanong ni Axel. Kala ko tapos na yung interrogation, hindi pa pala.

Okay? Paano ko sasabihin to?

Uhm, "Ah this. Uhm-"

"Oh please. She misplaced her other gloves that's why she looks so odd wearing one." Sena butted in.

BROWN EYED QUEENWhere stories live. Discover now