Chapter 40: Preparation

Start from the beginning
                                    

"Good." aniya sabay lakad papaakyat ng kanyang kwarto. Pumasok agad sya sa kanyang kwarto at agad na nagbihis. Ilang minuto na lang ang nalalabi at mag-uumpisa na ang kanyang unang klase.

Mabilis nyang isinuot ang usual nyang damit kapag pumapasok at nagsuot din sya ng gloves sa kanyang kanang kamay para maitago ang bendang nakapalupot dun.

Hindi na rin nya sinusuot ang kanyang contacts dahil wala ng dahilan para itago yun.

Matapos nyang mag-ayos, agad na nyang hinablot ang bag at lumabas na ng kwarto para bumaba.

Pagbaba nya, bumungad na naman sa kanya yung mga maids nya.

"Lady, papasok na po ba kayo? Hindi pa kayo nag-aagahan."

"Lady, baka magutom kayo nyan."

"Lady-" hindi na natapos nung maid ang kanyang sasabihin nang iangat ni Vera ang kanyang kamay tanda na pinapatigil nya ito sa pagsasalita.

"I'm fine. I gotta go now."

***

Sena's POV

Ano bang nangyari dun sa babaeng yun at hindi nya sinasagot mga tawag ko?

For sure, nakapatay phone nun. Ayaw magpaistorbo. Kilalang kilala ko yun. Kaya lang kasi, for Pete's Sake! Kinukulit ako ng loser nyang boyfriend pati nung mga loser nyang kaibigan kung nasaan daw sya! Mukha ba akong hanapan ng nawawalang girlfriend? Sabihin nyo nga sakin. Psh.

So, here I am trying to call her again.

"Gosh, answer it you bitch."

"The number you are trying to call is not yet on service."

"Ugh." maiinis lang ako dahil hindi nya talaga to sasagutin kaya binaba ko na lang yung tawag. Binalik ko na yung phone ko sa bulsa at kinuha mga gamit ko.

Pupuntahan ko na lang sya sa kanila.

Naglakad na ako papunta sa gate but I noticed someone. I narrowed my eyes just to make sure kung sya nga yun and I was right. Sya nga.

"Bitch!"

Lumingon sya sakin at naglakad papalapit sakin.

"Gosh, where had you been? Bakit ngayon ka lang pumasok?" I asked her pero mukhang binalewala nya yung tanong ko.

"We're late. Come on." sabi nya sabay hila sakin. The heck? Wala kayang klase ngayon because of an event later. And in case you're wondering kung bakit nandito ako sa school? It's because para tumulong sa preparation. Pero hindi naman ako tumulong. Anong gamit ng mga staffs diba?

"Hey slow down. Wala kayang pasok." I told her.

Nilingon naman nya ako, "What?"

"Uy!!"

Sasagot pa sana ako nang may tumawag samin. Or should I say, sa kanya.

Psh. Speaking of the devils.

***

Third Person's POV

"I'm getting worried to Vera. She's not answering my calls." aniya Tyrone.

"Nagpunta rin tayo sa kanila. Ayaw naman tayong papasukin dahil wala daw si Vera dun." aniya JD.

Naglalakad sila ngayong dalawa sa hallway na nakapamulsa ang mga kamay.

Labis na nag-aalala si Tyrone kay Vera dahil dalawang araw na itong wala ngunit wala syang magawa.

Lumiko sila ng daan at bumungad sa kanilang dalawa sina Axel at Warren.

BROWN EYED QUEENWhere stories live. Discover now