“binasted ako ni Kate. Ang sakit nga eh”

Akala ko?

Basted kami pareho? Tsk. Bro. I can feel you.

***

“hey, Cedie. Gusto ko palang magsorry sayo ha” lumapit lang sakin si Adrian bandang lunch time tapos bigla nalang akong kinausap.

“para san?”

“for what I did. Bro, no need to hide anything from me. Alam ko namang mahal mo si Li. Well, actually, the world knows. Kaya I told you na balak ko syang ligawan kasi nagbakasakali akong hindi ka na magtatapat sa kanya. But you still did. Akala ko rin kasi, by telling her the truth, I could win her back. Pero naisip ko, do I really want her back because I love her or I’m just afraid that she’ll fall in love with somebody else? Ans my answer’s the latter. I’ve been so selfish hanggang sa narealize ko na I might still be in love with her, but I can’t make her happy anymore. Kasi nga may iba na.”

“nainsecure ka sakin? Adrian, sobrang layo ng agwat natin, at kung sa ating dalawa, alam kong mas pipiliin ka ni Li”

“Bro, can’t you see the picture? She said no to me”

“sakin din naman ah”

“she didn’t say anything to you. Just think about this, she was there on the new year’s eve with someone she named ‘special’. And don’t deny this, alam kong kasama ka nya” tapos tinap nya yung balikat ko at umalis na.

What?

Nung pabalik na ako sa classroom nakasalubong ko si Li. Hinarang ko naman sya kasi gusto kong mag usap kami.

“ano ba, Cedie?”

“we need to talk”

“tungkol nanaman saan?”

“sayo”

“sakin?”

“sakin”

“sayo? Teka nga! Ano ba talaga?”

“tungkol satin” napatigil naman sya nun. “Sabi sakin ni Adrian—“

“puro ka kasi salita lang ng salita”

“pwede ba patapusin mo muna ako?”

“sinisigawan mo nanaman ba ako?”

“hindi! Ang hirap kasi sayo, mainit agad yang ulo mo, bipolar ka ba? Tatawa tawa tapos biglang magbabago ng mood”

“ngayon pati mood ko pinapakialaman mo na, sabihin mo nalang kaya yung gusto mong sabihin?”

“okay, fine! Gusto ko lang naman kasing magsorry sana kasi akala ko naman talaga na si Adrian. Eh ano ba kasing laban ko dun? Ex mo yun. May pinagsamahan na kayo, masisisi mo ba ako eh sayo palang naman ako unang nakaramdam ng ganito”

“yun na nga eh, first time mo tapos assuming ka agad”

“sorry naman pala sa pagiging assuming ko, kasalanan mo rin naman kasi, eh kung sinabi mo nalang agad na—“

“ok fine. Ikaw ang gusto ko at hindi si Adrian. Masaya ka na?”

“yan! Edi sana hindi na nagkagulo pa. Kaya pala may pa silent-silent treatment ka pang nalalaman dyan kanina”

“ikaw kasi, nakakainis ka! Wala naman akong sinabing hindi kita mahal eh, at mas lalong hindi kita binasted tapos sasabihin mo binasted kita? Ano yun? Gawa-gawa!”

“sino kasing hindi manliliit kay Adrian diba? He’s Adrian for crying out loud.”

“but he’s not you! Eh ikaw nga diba ang pinili ko? Bakit insecure ka pa rin?”

“bakit naman kasi ako?”

“because you had me at my worst, Cedie. He was only there nung mga panahon na wala akong problema. I had you at everything. Ikaw nga dyan yung nakakaalangan eh!”

“at bakit naman?!”

“how many times na nga ba na sinabi mo sakin na hindi mo ako type? Many. Tapos bigla nalang sasabihin mo mahal mo ako? Ano yun? Joke?”

“oo! Sinabi ko nga na hindi kita type. As in never talaga. Hindi nga kita pinangarap eh. Yang kawirduhan mo na yan, yung pagiging bipolar mo, wala naman yan sa ideal list ko eh.  Hindi nga kita type pero ikaw naman ang gusto ko, may magagawa ka ba dun? Dapat ba talaga na kung ano yung nasa listahan yun nalang? Hindi naman masamang mahalin minsan yung nasa kabaligtaran ha? Diba nga sabi mo, yung mga bagay na hindi mo pa inaasahan minsan yung pinakamagaganda. Tulad mo.”

“anong gusto mong palabasin, na hindi ako katype type para sa mga lalaki?”

“exactly!”

“eh ang kapal mo rin pala eh, anong gusto mong gawin ngayon?”

“mahal kita, gusto mo ako, ano pa bang kasunod nun?”

“ano nga ba? Sa tingin mo pagtapos mo akong lait-laitin ganun nalang? Tapos na agad?”

“hindi naman kita nilait eh, ang problema sayo kasi, yung mga negative lang yung pinapansin mo, sabi ko nga, hindi man ikaw yung type ko, nahigitan mo naman yung inaasahan ko, yung ideal para sakin. Can’t you still understand that you made yourself ideal in your own way? Hindi lang para sakin kundi para sa lahat ng lalaki! Kaya nga mahal kita eh! Ang kulit mo rin no?”

“and so ganito nalang?”

“siguro?”

“anong siguro? Don’t tell me hanggang ngayon hindi ka pa rin sigurado?”

“eh kasi naman—sabihin mo nga ha, kung tatanungin ba kita ngayon kung pwede akong manligaw, papayag ka ba?”

“eh bakit ganyan ang tono mo, tingin mo tamang way ba yan para magtanong?”

“ikaw kasi eh, ang init-init ng ulo mo. O ano, pwede ba akong manligaw sayo o hindi?”

“kung sasabihin kong oo, kailan naman?”

“kailan ba ako pwedeng magsimula?”

“kailan mo ba gusto?”

“ngayon din, kung okay lang sayo?” napatigil naman kami pareho tapos tumawa ako. Tapos natawa rin sya.

“that wath very ithmooth, my friendth sabi naman ni Geni. Nagulat kami pareho na marami na palang nagtitingin sa amin habang kami eh unconsciously…

“uyyyy! Edi nag-aminan din kayo!” tapos nang asar naman yung iba.

Yeah. Did I just? Did we just? Did she just say yes?

She's Not Ideally Ideal (Completed)Where stories live. Discover now