"P-po?"nagtataka ko oang tanong sa kaniya ngunit tinawanan niya lamang ako.

"Iha,just call me mommy please?Since my son's courting you and I am sure na magiging girlfriend ka rin niya soon."nakangiti niyang aniya na ikinalaglag ng panga ko at tiningnan ko siya nang tila hindi ako makapaniwala.Mukhang nabaliktad yata iyong iniisip ko kanina.

"ibig niyo po bang sabihin...."sambit ko pa sana ngunit agad na niyang pinutol iyon

"I like you for my son,iha.And I guess,ikaw nga iyong ikinukuwento niya sa akin sometimes.And also,you're Vivienn's bestfriend right?Yeah,kaya siguro familiar ka sa akin."wika pa nito kaya't nahihiya naman akong napatango .Naaalala niya nga ako at napakasaya ko at tanggap niya ako para sa anak niya.Nakakatuwa naman kung ganoon.

Saka ano raw?Tama ba iyong narinig ko?Ikinikuwento daw ako ni Mavy sa kaniya?Naku nakakahiya naman.Sana lang ay maganda naman iyong mga sinasabi niya ano.

"Ako nga po iyon."nahihiya ko pang sambit sa kaniya

"Anyway,kumain na ba kayo?Nakapagpahanda na ako ng dinner eh."wika niya at saglit na sinulyapan si Mavy na kanina pa nanonood sa usapan namin.

"We already ate dinner mom."sagot naman dito ni Mavy at saglit akong nilingon

"Aw,sayang naman.Nagluto pa naman ako ng favorite mong mechado"nakasimangot na aniya ng ina niya.

"We'll eat again,hindi ako nabusog sa kinain namin kanina."mabilis na aniya naman ni Mavy at bigla.na lamang ngumisi ang ina nito.

Pero seryoso?Hindi pa siya busog dun eh ang dami nga niyang inorder kanina na pagkain namin.Ako nga busog na eh,pero kaya pa namang kumain hehe.

"I see,you can't refuse coz I said I just cooked your favorite dish"tumatawang aniya ng ina ni Mavy kaya't bahagya rin along natawa.Nakaktuwa din naman pala ang ina niya.Hindi ito mataray o maarte tulad ng ibang kilala ko.Sa bagay,ganoon din pala ang ina ni Vienn,mabait rin at magaling makisama.

"Tss,let's just eat"masungit na aniya na lamang ni Mavy at hinila na ako papunta sa kung saan hanggang sa nakarating kami sa napakalawak at napakagandang kusina.

"Okay,let's eat."masayang aniya ng ina ni Mavy na sumunod lamang sa amin.Naupo na ito at gayon din naman kami ni Mavy.Magkatabi lamang ang upuan namin samantalang katapat ko naman ang ina niya.

"How bout dad,is he going home tonight?"biglang tankng ni Mavy sa gitna nang pagkain.Oo nga,nasaan nga ba ang ama niya?Siguro ay nasa trabaho pa.

"I guess mamaya pa siya kase marami siyang meeting ngayon."sagot ng ina nito na ikinatango niya lamang.Kinalabit ko ng palihim si Mavy kaya't agad niya akong nilingon at nagtatakang tiningnan.

"Nasaan ang mga lolo at lola mo?"naitanong ko na lamang kase nung unang punta ko rito ay narito ang mga lolo at lola niya.

"They're spending their vacation in France,why are you asking anyway?"wika naman niya

"Wala lang,naitanong ko lang."sabi ko na lamang at nginitian siya saka kami kumain na ulit.Mabait rin ang mga lolo at lola niya,masarap rin pakisamahan lalo na ang kaniyang lola.Minsan ko na rin kasing nakausap ang lola niya,iyon ay noong una nga akong nagpunta rito.Nung kaarawan ng lola niya mismo.

One Night With The Campus King | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon