19

19.9K 562 29
                                    

PALUBOG na ang araw nang bumalik sa parola si Renz. Ipinarada niya ang Chevrolet Silverado sa gilid ng parola malapit sa kitchen building. Pagkatapos ay umikot sa harapan at inalis ang kandado ng pinto.


Makalipas ang ilang sandali ay pumanhik siya itaas. Sa sahig ay naroon si Shannon at nakaupo sa rug, prenteng nanonood ng television. Mukhang nakapaligo na dahil napalitan na ang suot nito kanina ng panibagong T-shirt. His shirt.


She was sitting on the floor in lotus position. Walang pakialam kung nakahantad man ang kabuuan ng mga binti. He knew she had nothing on under his shirt. Malibang pinangahasan nitong gamitin ang isa sa mga underwear niya, which he doubted she would dare.Sa mga nagdaang panahon ng pakikitungo niya sa mga babae ay walang isa man sa mga ito ang sumubok na magsuot ng pang-itaas niya. Mas pinipili ng mga itong ipakita sa kanya ang mga katawang hubad.


And seeing Shannon again with his own shirt, a sudden heat spread through him down to the middle of his thighs. He took a deep breath and cleared his throat and willed the arousal to go away.


Lumingon si Shannon na para bang noon lang nito napansin ang presensiya niya. "Oh. So my jailer's back," anito, isang nang-iinis na ngiti ang sumilay sa mga labi.


Hindi gusto ni Renz ang pagiging kalmante nito, lalo na ang panunuya nito sa kanya. Inaasahan niyang nakaupo lang ito sa isang sulok, naiiritang naghihintay sa pagbabalik niya. O di kaya ay maratnan niyang basag lahat ang mga gamit niya kung hindi man nito itinapon sa labas ng parola. Kung ang pagbabasehan ay ang ginawa nitong pagbato sa kanya sa antigong figurine.Lalo at iniwan niyang nakakandado ang pinto sa ibaba. Hindi niya gustong gawin iyon. But she was safer locked inside. Nang sabihin nito kaninang takot itong makulong sa isang silid ay bahagya na siyang naniwala. At kung nagsasabi naman ito ng totoo ay natitiyak niyang hindi ito matatakot kung ang ibabang pinto ang isasara niya. Labis-labis ang makikilusan nito mula rito sa itaas hanggang sa ibaba.


He couldn't risk giving her the chance to escape. Maaaring gamitin nito ang alin man sa mga shorts niya, kahit pa nga ba malaki ang sukat ng mga iyon. Maraming paraan ang magagawa at maaaring tumakas ito patungo sa bayan. Totoong mahihirapan itong matunton ang tamang daan at ni hindi ito makalalabas ng rancho, pero hindi niya gustong isapanganib ang buhay ni Shannon kung maliligawito.


"Pinakialaman ko na ang pagbubukas ng TV. I'm bored..." Hinayon nito ang mga VCD sa rack. "Napanood ko nang lahat iyan. Wala bang x-rated?" Her words rimed with ice.


Pinaraan niya ang sinabi nito at sa halip ay inihagis niya sa harapan nito ang dalang plastic shopping bag. Nakita niya ang kislap ng interest sa mga mata nito nang sulyapan ang bag."Hmm. Marks and Spencer?" She cocked an eyebrow. "Meron ba niyan dito sa isla? Well, I wouldn't be surprised. For a filthy rich like you?"


Renz ignored her. "Ipinahihiram sa iyo ng pinsan ko ang ilan sa mga gamit niya...""Ipinahihiram?" pag-ulit niya. "So, may nakaaalam na narito ako?"


"Bilang guest," sagot nito sa nababagot na tono. Itinuon ang mga mata sa shopping bag. "Kakasya sa iyo ang mga iyan. You're thinner but you are almost of the same height.""Slim," she corrected. Isa-isang inilabas ang laman ng shopping bag. Kalahating dosenang pambabaeng T-shirts, dalawang pantulog— oversized T-shirts na may larawan nina Tigger at Pooh sa harap. A soft smile appeared her lips.


And Renz couldn't believe that a simple as a smile affected him. "Kung si Naya ang nasunod ay negligees ang ipadadala niya," wika niya sa padabog na tinig upang pawiin ang nararamdaman.Ipinagpatuloy ni Shannon ang paglalabas ng mga gamit sa bag. Tatlong walking shorts at dalawang blue jeans. Lahat ay nagtataglay ng mamahalin at imported na tatak. Maliban sa isang dosenang panties, na lahat ay puti.


"Those are of free sizes," patuloy ni Renz. "The underwears are new. Pinabili ko sa bayan. I hope Yaya Adora got your size correctly. Hindi imported ang mga iyan," he said with a sneer, "but it will serve its purpose."


Sa ikalawang pagkakataon ay nakita ni Renz ang pamumula ng pisngi ni Shannon. But he noticed how she hid her embarrassment well.


"Thank you," she said insincerely. Dinampot nito ang isang T-shirt at walking shorts at underwear at pagkuwa'y lumakad patungo sa bathroom.


Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa maisara nito ang pinto ng banyo. He took a deep breath at inikot ang tingin sa paligid. Walang nabago. lyon pa rin ang dating ayos ng silid niya.Subalit alam niyang hindi na iyon ang dating silid niya. Nalalanghap niya sa ere ang natural at pambabaeng amoy nito. Kahit sa sarili niyang mga unan ay naroon ang tatak at samyo ni Shannon.


And he hated her all the more. She ruined the peace and privacy of this place. Though it wasn't her fault that he brought her here, iisa pa rin ang suma-tutal—Shannon invaded his life.He sighed heavily. Humakbang patungo sa computer table nang mapuna ang ilang kinusot na papel sa sahig. Itinapon marahil at hindi na-shoot sa loob ng waste bin.Dinampot niya iyon upang tuluyang ipasok sa loob ng waste bin.


***************Sana all bibi Renz pero ako di mo ginawa sa akin yan char hahahaha. - So stressful naman. Back to work na nga ako at baka humaba na naman ang rants ko dito char hahahaha. - Admin A ********************

Kristine Series 21 - The Blue-Eyed Devil (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon