2

24.9K 631 43
                                    


"MAY NATUTUHAN akong bagong recipe, hijo," ani Billie Rose nang pumasok sa library. Sa kamay ay isang tray ng fresh orange juice at home-baked cookies. "Nagustuhan ito ng papa mo nang patikman ko sa kanya kaninang umaga. Natitiyak kong magugustuhan mong higit,"Mula sa mga pinag-aaralang papeles ay nag-angat ng mukha si Renz. He smiled at his mother indulgingly. As far as he could remember, his mother had been baking cookies. Bawat bagong recipe na natututuhan mula sa mga amiga ay ginagawa.

And he had missed lunch, at iyon ang paraan ng ina upang ma-compensate ang hindi niya pagsalo sa tanghalian.

Billie Rose Navarro was still stunningly beautiful at fifty-two. Her hair, which was naturally brown, was stylishly cut short. At ang tanging mapagkakakilanlan ng edad nito ay ang mga pinong laughlines sa paligid ng mga mata at sulok ng bibig.

Renz inherited his mother's eyes. The faintest of blue. At tulad din ng sa ina, ang mga mata niya ay nagbabago ng kulay depende sa emosyon. They turned into deep blue when angry.

Ibinaba ni Billie ang tray sa executive desk. Niyuko ang ginagawa niya. "It's Saturday, hijo. Ang papa mo ay nasa golf course. Bakit subsob ang ulo mo sa trabaho?"

"James and Chantal's leaving for Europe the day after tomorrow." He was referring to his cousin James and his wife. Si James at ang asawa nitong si Chantal ay patungong Europe para sa dalawang buwang bakasyon. They never really had a proper honeymoon since their wedding less than a year ago. And they deserved this trip because Chantal was pregnant with their first child.

"At ako ang haharap sa mga tauhan sa destileria para sa monthly meeting, Mama. Inihahanda at pinag-aaralan ko ang mga problemang maaaring bumangon."

"You and James are doing well, hijo." Puno ng pagmamalaki ang tinig ni Billie. "Alam mo, lihim akong nagseselos sa atensiyon na ibinibigay ng Papa Franco kay James. Ang buong akala ko'y bale-wala ka sa kanya..."

Isang tawa ang pinakawalan ni Renz, "'Ma, pantay-pantay ang tingin ni Lolo Franco sa mga apo niya. Nagkataong higit na kailangan ni James ng atensiyon kaysa kanino man sa aming mga apo niya. And you know the reason why."

Jame's mother died when he was still very young. At ang ama nitong si Alvaro ay higit na atensiyon ang itinuon sa panganay na anak kaysa rito.

"At nahihiya ako sa sarili ko, hijo. I've known your grandfather for a long time, pero nagduda ako. Naunawaan mo ang hindi ko naunawaan..."

Inabot ni Renz ang kama ng ina at hinagkan iyon. "Don't be hard on yourself. Nagseselos ka para sa akin. Forget it. Everybody's happy at nagkasundo na sina James at Tito Alvaro."

"Yeah. And you have proven your worth, son. Your father and I are so proud of you."He smiled faintly. Ang distileria ay itinatag ni James upang patunayan sa lahat na bukod sa kaya nitong ibangon ang negosyong muntik nang bumagsak nang hawakan ng half brother nitong si Quinn, ay kaya pa rin nitong magtatag ng sariling negosyo sa pamamagitan ng pakikinabang sa tanim na tubo sa lupaing pag-aari ng pamilya na hindi gaanong napag-ukulan ng pansin.Ang destileria ay isang korporasyon nilang magpipinsan. Nang unang sabihin sa kanya ni James ang tungkol doon ay hindi siya nag-atubili.

Matagal na niyang gustong magtayo ng kompanya na labas sa FNC. But his father Lance wouldn't hear of it. FNC was an international food and canning corporation. Bakit kailangan niyang humiwalay upang magtatag ng sariling kompanya at magsimula sa ibaba gayong naroon na ang kompanyang dapat niyang pamahalaan?

Perhaps Lance was right. But his father was still young and in his prime and had no intention of retiring. Mananatili siyang nasa anino ng kanyang ama. And he wanted to prove something, kung hindi man sa pamilya, ay sa kanyang sarili.

Kristine Series 21 - The Blue-Eyed Devil (UNEDITED) (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant