4

22.2K 593 52
                                    


"RENZ'S chair swiftly swiveled forward. Ang mga mata niya ay nakatuon sa screen ng television. Ni hindi niya napuna ang kuryosidad sa mukha ng ina na biglang nagulat sa pagpapagulong niya ng silya patungo sa malapit sa TV set.


Naka-focus ang camera sa pagdating ni Shannon de Asis. Sa ayos nito, walang mag-aakalang isa itong celebrity. Ang lampas-balikat nitong buhok ay nakatali sa likod. Nakasuot ito ng long sleeves na blusang puti na nakarolyo sa dulo at blue jeans.


The shades she was wearing almost covered half of her face. Marahil ay iyon talaga ang intensiyon ng modelo upang hindi makilala. Nakikita niya sa screen ang pagkailang na nasa mukha nito tuwing kikislap ang mga flashbulb.


Hindi siya makapaniwalang naiilang ito sa mga flashbulb at camera. She lived with it. O baka naman kaya naka-dark shades ito ay upang itago ang pamumugto ng mga mata. Kamamatay lang ng ina nito. At ayon pa uli kay Vanessa na ang tinig sa pagre-report ay naririnig habang ipinapakita ang eksena sa NAIA ay dala nito ang labi ng ina upang dito ilibing sa Pilipinas.

"Do you have a relative here, Miss Shannon," ang tanong ng isang reporter. Ang camera ay halos tumama na sa mukha ng modelo.

"Her mother was her only relative," sagot ng kasama nito. "But we will take her mother's remains in San Juan, Batangas."


Renz saw her sniffed and then swayed, na para bang matutumba. Ni hindi ito makahinga sa dami ng gustong mag-interview rito.


Damn these media men for being so inconsiderate! And suddenly he wanted to wring the reporter's neck. Kamamatay lang ng ina nito. Dapat ay bigyan man lamang ito ng privacy.And then he checked himself. Bakit siya kailangang magkasimpatiya sa babaeng ito?

"Have you met her in New York?" tanong ni Billie nang mawala sa screen ang mukha ni Shannon at muling nahalinhan ang balita ng weather report. Inabot nito ang remote at pinatay ang TV. "Hindi ba at siya iyong modelong nahuling kasama ng fiance ng pinsan mo?"

Tahimik siyang tumango. Nagpatuloy si Billie. "Hindi naman pala ganoon kaganda ang modelong iyan kaysa sa nakikita nating larawan niya sa mga magazine," Billie said with contempt. Ang ina ni Steffanie ay anak ni Luis Montaho (Monica's brother) sa ibang babae.

"Hindi ako makapaniwalang pinatulan ni Jeffrey Moore ang babaeng iyan kapalit ni Steffanie!" patuloy ni Billie, naniningkit ang mata sa galit. "Ano ang ginagawa niya rito sa Pilipinas? Bakit hindi niya sa Amerika ipinalibing ang ina niya gayong wala na naman pala siyang kamag-anak?"

"Hindi natin alam ang dahilan, Mama," sagot niya. "Baka iyon ang gustong mangyari ng mother niya bago ito namatay."

"Magkikita silang tiyak ni Steffanie rito. Hindi ko gustong muling magtagpo ang landas nila, Renz. Ayokong muling maalala ni Steffie ang pait ng nangyari sa kanya."

Tumiim ang mga bagang niya. "I just hope their paths won't meet, Mama. Anyway, nasa Singapore si Steffie at dalawang linggo roong mahigit. By the time she came back, baka nakabalik na sa New York si Shannon de Asis."

TAHIMIK niyang pinagmamasdan ang mga isdang lumalangoy sa man-made pond. Malalaki at iba't ibang kulay na pinatitingkad ng artificial light sa ilalim ng tubig.

Ilang minuto na siyang nakatayo roon. Bahagyang umaabot sa pandinig niya ang ingay ng musika sa loob ng function room. Gusto niyang lumayo sa umpok ng maraming tao sa party na iyon ng isang kilalang fashion designer.

Kristine Series 21 - The Blue-Eyed Devil (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon