3

25.5K 703 109
                                    


"FNC is my legacy to all of you," patuloy ni Franco. "The economic crisis is worldwide, naaapektuhan kahit ang stable at malalaking kompanya. The way your father handles the business is admirable. Naiintindihan kong may gusto kang patunayan, tulad din ni James. You inherited most of your mother's looks but my grandsons were like me in so many ways. At umaasa akong makakatuwang ka ni Lance sa kompanya. You're young, full of new ideas. Visit the plant once in a while, apo..."


Isa iyong disimulado at mataktikang utos. He knew it. He should have seen it coming. Somehow, gusto niyang magrebelde. Subalit wala siyang natatandaang kinausap siya ng abuelo tungkol sa kompanya sa nakalipas na mga taon. And Franco Navarro wouldn't ask any of his children and grandchildren to work on something he didn't trust them with.


Itinatag ng abuelo ang Franco Navarro Canning International mula sa wala. Dugo at pawis ang puhunan. At ang kahusayan sa negosyo. Nang magretiro sa kompanya si Franco fifteen years ago, napakaraming kompanya ang gustong kuhanin ang serbisyo nito bilang financial consultant at adviser.


Pagkuwa'y nakita niya ang pagkahapo sa mukha ng abuelo. Tumayo siya, squatted beside him and reached for his grandfather's hands.


"I promise to take care of our legacy, Grandpa," he said with emotion.Kumislap ang mga mata ni Franco. Tumango. He ruffled Renz's hair as if his grandson were a young boy "I know you would."


Ang pag-uusap na iyon nilang maglolo ay ilang buwan na ang nakalipas. Nakabalik na sa America ang dalawang matanda. At tinupad niya ang pangako niya rito. Aktibo siya sa FNC nitong nakalipas na mga buwan sa pagkamangha ni Lance.


At ngayong aalis si James at Chantal ay kailangang pamahalaan niya ang destileria.Renz sighed, muling dumampot ng cookie at isinubo. "Hmm. You're right, this is delicious. Kakaiba sa mga una mong ginawa," he said appreciatively at muling kumuha ng cookie sa crystal bowl at isinubo. "You can make business out of your cookies, Mama."


Billie smiled with pleasure. Pagkuwa'y wala sa loob na napatingin sa wall clock. "It's past six, hijo! Nagsisimula na ang news program ni Vanessa." Humakbang ito patungo sa center table at dinampot ang remote control ng TV at ini-on iyon, inilipat sa istasyon kung saan nagtatrabaho ang girlfriend ng anak bilang newscaster.


Renz's laughed. "Mama, hindi niya ako fan, I'm his boyfriend. I don't have to watch her on TV." Umayos ito ng upo at ibinalik ang pansin sa trabahong ginagawa. Umaasang papataying muli ng ina ang television at nang makapag-concentrate siya sa trabaho.


Subalit naupo sa sofa si Billie upang pahabol na manood ng news program. Lumitaw sa malaking screen ang magandang mukha ni Vanessa Mendres. She was a beauty titlist three years ago. Ngayon ay isang sikat na newscaster. Bukod doon, mayroon itong sariling talk show tungkol sa pagtulong sa mga batang lansangan at sa mga mahihirap bilang suporta sa programa ng ama nitong si Henry Mendres na isang congressman.


"Will you marry her?" tanong ni Billie mula sa sofa, nilingon ang anak.Renz sighed patiently. Iniligpit ang ginagawa at hinarap ang ina. Inihilig niya ang katawan sa long backed chair, and lazily stretched his sinewy legs. Mayroon siyang hinalang iyon talaga ang ipakikipag-usap ng ina.


"Bakit mo naitanong iyan? Gusto mo na ba akong mag-asawa?"Nagkibit ng mga balikat si Billie. "Nasa marrying age ka na, Renz. And I'm asking you more out of curiosity than anything else. Si Vanessa ang pinakamatagal mong girlfriend."He smiled drily. Nearly a year. In fact, nagpaplano si Vanessa na mag-celebrate ng first year anniversary nila bilang magkasintahan.


"Do you approve of her?" Tinitigan niya ang ina at hinihintay ang magiging reaksiyon nito."Alam mo ang batas ng pamilyang ito sa pamimili ninyo ng mapapangasawa. Hindi mahalaga kung mahirap man ang babae, ang importante ay may malinis na pagkatao."


"At kuwalipikado si Vanessa roon, sa palagay mo?" nananantiya niyang tanong.Matagal bago sumagot si Billie. Ibinalik ang mga mata sa screen. "Personally, ikaw ang higit na nakakaalam niyon. Pero may bali-balitang tatakbo ang papa niya sa susunod na halalan bilang senador."


Umangat ang mga kilay ni Renz. Hindi mahilig sa politika ang ina. Ni hindi ito nagbabasa ng anumang bagay tungkol sa politics. At nagtataka siyang nakaabot ang balitang iyon dito.


"Kung mananalo si Henry Mendres, magka- karoon ka ng balaeng senador." He laughed."Oh, don't tease, hijo!" ani Billie. "I have nothing against Vanessa. Gusto ko ang mga ginagawa niyang pagtulong sa kapwa. Ang tanging maipipintas ko roon ay bakit kailangang kuhanan ng camera at ihayag sa madla ang mabuting gawa?"


"Politics, Mama. Makakatulong iyon sa kandidatura ng ama niya. Pero ang mahalaga, naroon ang puso niya sa pagtulong."


"And I hate politics, hijo," wika nito. "And one more thing, kinausap ni Henry Mendres ang papa mo."


Kumunot ang noo ni Renz doon.


"Nagpapahiwatig siyang gusto niyang suportahan ng papa mo ang kandidatura niya sa susunod na taon. At bakit naman nga hindi, kung magkakatuluyan kayo ng anak niya."


Renz sighed. "Hindi ko pa iniisip ang pag-aasawa, Mama. I'm enjoying my life as it is now. Pero hindi mo sinasagot ang tanong ko. Personally, gusto mo bang maging manugang si Vanessa?"Subalit wala na sa kanya ang atensiyon ng ina. Natuon ito sa screen. NAIA airport ang ipinakikita at sa background ay ang tinig ni Vanessa.


Filipina supermodel, Shannon de Asis, arrived this morning from New York. Her mother, Antonia de Asis who died of cancer four days ago...


Napaangat mula sa swivel chair si Renz. Sa screen ay ang pagdating ni Shannon sa NAIA at ang pagsalubong dito ng nagkakagulong media.



***************Di me makapagconcentrate at naglalakbay ang diwa ko sa mga bagay na dapat ko pang gawin at tapusin hahahaha . Take care mga beshie. Kwentuhan n'yo na lang ako char. - Admin A **********************************************

Kristine Series 21 - The Blue-Eyed Devil (UNEDITED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now