"Thanks," I said simply despite my hundred thoughts.

It was just a simple diamond infinity necklace, but it really means a lot to me.

This was the first time he bought something for me for all those years that we'd been married. Madalas ay pera lang ang idinedeposito niya sa bangko ko at hinahayaan akong mamili sa gusto kong bilhin.

"Erase that smile of yours. Don't misunderstood that thing. Binili ko lang 'yan para maging agaw pansin at maipakita na binibigyan kita ng mga regalo bilang asawa ko. Let's go."

Ang kanina kong ngiti ay gano'n kabilis napawi nang narinig ang sinabi niya. Pinanuod ko siyang maglakad palabas ng mansyon. Pagak akong tumawa at tumingala para pigilan ang nagbabadya kong luha.

"Yeah right, Jazzie. What do you expect from your ruthless husband?" I murmured to myself and followed him.

Tahimik ang naging byahe namin sa loob ng kanyang limousine. Parehong nakatanaw sa magkabilang bintana at hindi kinikibo ang isa't isa.

"Huwag kang lalayo sa akin kapag dumating tayo ro'n," he said coldly as he remained his stare outside the window.

"Okay," tipid na tugon ko at isinandal ang aking sarili sa upuan.

I am still tired, but I need to do this for his parents. Hindi ko maiwasang mapangiti sa aking isip habang inaalala kung gaano kabuti sa akin ang mga magulang niya. I am an orphan, my father and mother died due to a car accident. Valjerome's parents were the one who adopted me. Pinakain, dinamitan, pinaaral at marami pang iba. Noon pa man ay hindi na lingid sa aking kaalaman ang organisasyong pinatatakbo nila, masama man iyon para sa iba ay hindi ko iyon matingnan sa gano'ng paraan. Paano ko magagawa iyon gay'ong sila ang sumalba at nagbigay direksyon sa buhay ko?

Ilang minuto pa nga ay nakarating na kami sa event hall. Isinuot ko ang aking kulay gintong maskara na kalahati lang ang hagip sa mukha ko bago pa man ako lumabas ng sasakyan, gano'n din ang ginawa ni Valjerome at saka namin tinahak ang daan papasok nang magkasama. His right hand was wrapping around my waist possessively as if he was showing to everyone that I am his. Hindi man nakikita ang kabuuan ng mukha namin ay nahakot pa rin namin ang mata ng madla, marahil ay gano'n na lang talaga kalakas ang dating ng presensya niya. Mula sa upuan ng mga VIP ay mabilis na tumayo ang mga magulang ni Valjerome lalo na ang kanyang ina at saka kami sinalubong.

"Hija!" puno ng galak na tawag niya saka ako hinalikan sa pisngi, hindi man lang iniintindi ang anak niya sa tabi ko.

"Happy anniversary, Mama," tipid kong sambit at nginitian siya pabalik.

"Salamat. Walang kupas ang ganda ng katawan mo, hija. Hindi ko tuloy masisisi ang paninitig ng mga kalalakihan dito sa 'yo," namamangha na tudyo ng ginang.

Nakisabay na lang din ako sa pagtawa niya kahit pa ramdam ko ang madilim na awra ng asawa ko.

"Dyrhaia, bakit hindi mo muna sila paupuin nang makakain na sila," usal naman ng tatay ni Valjerome at tipid akong tinanguan.

I bowed my head as respect and smiled a little.

"Bakit ba ang tagal niyo? Akala ko ay hindi na kayo pupunta," pagkausap ni Mama kay Valjerome.

He let out a chuckle and kissed his mother's cheek. "I'm sorry, Mom. Pinagpahinga ko muna po kasi ang asawa ko bago kami pumunta rito. Katatapos niya lang sa photoshoot niya kanina," mahinahong paliwanag niya at saka hinigpitan ang pagkakapulupot ng kanyang kamay sa 'king bewang.

I tried hard not to roll my eyes.

"We're still not late after all. Speech niyo lang naman ang nalampasan namin," he added, teasing his mom.

I always see this side of him every time we're with his parents, but I am still in dazed everytime he smiled.

"Sige na. Maupo na kayo at kumain," paanyaya ng ama ni Valjerome.

Agad naman naming sinunod ang kanyang gusto. Naupo kami at kumain ng light snacks habang naroon ang munting kwentuhan sa pagitan namin ng kanyang mga magulang. As usual puro buhay naming mag-asawa ang itinatanong nila.

"Kailan niyo ba kami bibigyan ng apo, hija?" nakangiting usisa ng ama ni Valjerome na naging dahilan ng pagkasamid ko sa sariling laway.

Mabilis akong binigyan ng tubig ni Valjerome at hinagod nang marahan ang aking likod.

"Okay ka lang, hija?" nag-aalalang tanong ni Mama.

I nodded and tried to smile. "Okay lang po," tugon ko at umayos sa pagkakaupo.

"Ano ka ba naman, Civor? Binibigla mo naman ang mga bata," pamumuna ni Mama kay Papa.

Bahagyang umawang ang labi ni Papa at napatingin sa aming dalawa ni Valjerome. Hindi ko alam kung ano ang reaksyon ng asawa ko, ang alam ko lang ay nakamasid siya sa akin bagamat hindi ko siya tinitingnan.

"Mahigit dalawang taon na silang mag-asawa, Mahal. Oras na para bigyan nila tayo ng apo," tudyo ni Papa.

Pinamulahan naman ako ng mukha dahil doon.

"Next month."

Pare-pareho kaming napatingin kay Valjerome nang seryoso siyang umimik.

I raised an eyebrow at him.

What is he talking about?

I was caught off guard when he suddenly pulled my nape for a deep kiss. Parang sasabog ang puso ko sa bilis ng tibok niyon sa bawat pagdampi ng labi ni Valjerome sa akin. Nakakahibang, nakakapanghina.

He slowly broke his kiss and sharply looked around before sitting back on his seat. "Expect your apo next month," usal niya na tila napakadaling bagay lang iyon at saka sumandok sa dessert na nasa harapan ng kanyang plato.

My mouth parted with disbelief. Mas lalo pang nag-init ang mukha ko sa pag-iisip sa kanyang sinabi.

Oh ghad! Tell me he's just acting.

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat