ᴋᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 8

Magsimula sa umpisa
                                    

"At ano ang natutunan mo sa nangyari? " muling tanong ni Fr. Suarez. Hindi naman sumagot si Gabriel.

"Ikaw Angel, may natutunan ka ba?" pagbaling naman sa'kin ni Father.

"Meron po. Natutunan ko po na hindi nakakatulong ang pagsisinungaling. Na dapat po sabihin ko ang totoo kahit na mapapagalitan ako. Napatunayan ko rin na hindi naitatama ng mali ang isa pang pagkakamali. Pasensya na po Fr. Suarez, hindi na po namin uulitin." mahinang tugon ko. 

Napatango tango naman si Fr. Suarez sa sagot ko.

"Tumayo ka na diyan Angel. Mukha namang natuto ka na talaga." wika ni Father. 

Para akong nanalo sa lotto nang marinig ko ang sinabi niya, agad akong tumayo mula sa pagkakaluhod, medyo napangiwi pa ako nang maramdaman ko ang paghapdi ng tuhod ko.

Hindi na talaga ako magsisinungaling kay Father, ayoko ng lumuhod sa asin.

Pagkatayo, nagpasalamat ako kay Fr. Suarez at muling humingi ng pasensya. 

Tinignan ko din si Gabriel na nagmamakaawang nakatingin sa akin ngayon na para bang humihingi siya ng tulong sa'kin. Inirapan ko lang siya, bahala siya sa buhay niya.

Nang mapansin niyang wala siyang mahihita sa'kin, bigla itong yumuko at tsaka pakunwaring humikbi. Gusto ko siyang sipain dahil halatang peke ang paghikbi niya.

Napansin naman ito ni Fr. Suarez dahilan para magtaka ito.

"Bakit Gabriel?" tanong ni Father. Umacting naman si Gabriel na parang naiiyak.

"Pasensya na rin po. Hindi ko naman talaga intensyon na maglasing, nasobrahan lang ako ng alak noong inaya ako ng inuman ni Lolo Patricio" mahinang wika ni Gabriel. 

Kunot nuo ko naman siyang tinignan, hindi ako makapaniwalang may pagka-artista din pala siya. Ang galing niyang umarte. Sarap sakalin.

Balak ko sanang magsalita para kontrahin si Gabriel pero biglang nagsalita si Father.

"Sige na Gabriel, tumayo ka na rin diyan at ibaba mo na ang mga libro"

Nagulat ako sa naging tugon ni Fr. Suarez. 

Imposible namang hindi niya napansin na peke at arte lang ni Gabriel ang mga 'yun. Ganon lang ba kadaling lokohin si Father?

Mabilis namang tumayo si Gabriel mula sa pagkakaluhod at saka ibinaba ang mga librong nakapatong sa kamay niya. Sandali rin niyang tinanggal ang mga monggong nakadikit sa tuhod niya na namumula at namamarkahan ng mga bilog bilog.

"Thank you Father. You are such a great man" nakangiting wika ni Gabriel habang naka thumbs-up pa. Hindi naman tumugon sa kaniya si Fr. Suarez na seryoso pa rin ngayon.

Nakakatakot palang makita si Fr. Suarez na nakasimangot at seryoso ang mukha. 

Akmang aalis na sana kami ni Gabriel nang muling nagsalita si Father sa amin. Sabay kaming napatingin kay father at tsaka hinintay ang sasabihin nito.

"Kung talagang nadala na kayo sa pagluhod sa asin at monggo at kung talagang may natutunan nga kayo sa mga kasalanan na nagawa ninyong dalawa, lalo ka na Gabriel, gusto kong sumali kayo sa choir at umawit kayo para sa pang-myerkules na misa" saad ni Fr. Suarez.

Napahinga naman ako sa sinabi niya, sasali lang pala sa choir, akala ko kung ano na. Tinignan ko naman si Gabriel para tignan ang reaksyon niya. 

Napangiwi ako nang makita ko siyang taas nuong naka-ngisi.

Bakit napapadalas ang pag-ngisi niya? Anong nakakatuwa?

"Yun lang po ba Father? Madali lang po sakin 'yun. Kung gusto niyo nga pwede ko pang gawan ng interpretative dance ang paunang awit eh" pagmamalaking wika ni Gabriel na mas lalong nagpangiwi sa'kin. 

Angel's PrayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon